Mystery 36: Finding the Answer
Napakagaan sa pakiramdam. Napakalambot naman ng kanyang hinihigaan. Ikiniskis pa nito ang mukha at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap. Nakaramdam siya ng kapanatagan ng loob bago hilain ng antok.
Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata sumalubong dito ang maaliwalas na kapaligiran. May mga kumikinang na lumalabas sa kapaligiran na naglipana sa kung saang bahagi ng lugar. At kastilyo hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan.
Napakunot noong inilibot nito ang paningin. Bakit pakiramdam niya nakarating na siya sa ganitong lugar? Nang muling sumulyap siya sa kastilyo may nakita siyang tatlong babaeng nag uusap. Ang isa nakalahad ang kamay na may suot ng dress. May summer hat din sa ulo nito at slipper habang ang dalawang nasa harapan nito ay may sobrerong nakikita sa mga ordinaryong tao lalo na sa mga kalalakihan.
Ang isa sa kaharap nito nakasuot ito ng short hanggang gitna ng hita at T-shirt na may nakaprint na cute and panda. Sa likod nito nakasuot naman ito ng dress na kulay pink. Pamilyar sa kanya ang isenaryong ito hindi niya lang matandaan kung kailan at saan. Narinig niya pa ang pag uusap ng mga ito.
"Nana ang pangalan ko kayo?" Nakangiti ang isang bata sa kaharap nito.
Habang ang kinakausap ay nagtutulakan kung sino ang makikipag usap hanggang sa matulak ito ng nasa likuran nito. Napakamot pa ito ng batok bago magsalita.
"Ahhhmmm ako nga pala si renren at itong kasama ko ay si..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng tapikin ng kasama nitong batang babae ang nagsasalita.
"Don't you dare to pointing your finger on me" mataray na sabi nito.
Nagtatakang nakatingin lang ang batang babae sa dalawa. Nakita niyang namula ang tinarayan nito at tumingin sa kanya na nahihiya.
"Siya si s---" hindi nito naipagpatuloy ang sasabihin ng magtaray na naman ito.
"Don't say my name, only my close friend can called my name. Just called me rhie" nakita niyang napa smirk ang kanina pang nakikinig na bata.
Bakit pakiramdam niya hindi na maganda ang susunod na manyayari? Kinakabahan siya sa hinding malamang dahilan. Napahawak pa siya sa dibdib sa sobrang lakas ng tibog nito na para bang anumang sandali ay lalabas ito. Napatingin siya sa mga batang nag uusap at nagulat sa nakita.
"Tignan niyo ang ganda ng crystal." Turo ng isa sa tatlo. Humahangang tumingin ang tatlo sa nakita.
Isa itong kumikinang na crystal na may iba't ibang kulay na nilalabas. Nasa bungad ito ng pinto at madali lang maabot ng kahit sino. Sa sobrang pagkamangha ng dalawa hindi na nito napansin ang paglapit ng isang bata sa crystal at basta na lang ito kinuha.
"Huwag" pagpigil niya rito ngunit huli na.
Bigla na lang nagbukas ang pinto at sa isang kisap mata may humila sa batang babae na nakashort.
"Ahhh, Tulungan niyo ko" pakiusap ng nagpakilalang renren.
Gumawa naman ng paraan ang nangangalang Nana habang ang isa ay natatakot na napaatras. May hawak itong crystal na kumikinang sa paligid ng lugar. Ang kaninang maaliwalas na kapaligiran ay nabahiran ng sobrang kadiliman kasabay pa nito ang pagkidlat ng kalangitan. Pag ihip ng malakas na hangin sabayan pa ng pagbuhos ng ulan.
"Tulungan niyo ko" halos mabitiwan na nito ang bata. Tutulungan niya sana ang mga ito ng maramdaman niyang may humihila sa kanya papalayo.
"Hindi, sandali lang kailangan kung pigilan..." At nagdilim ang lahat.
YOU ARE READING
MYSTERY ACADEMY
Mystery / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...