Mystery 43: Battle for Friendship

30 6 19
                                    

Warning: some minors words of this chapter is not suitable to 18 below. Open-minded is needed. I don't want to corrupt your innocent mind. Thank you.

Mystery 43: Battle for Friendship

"King Kian salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa amin" nakangiting humarap siya sa lalaking may kulay berdeng pares ng mata at buhok. May crown din ito sa ulo bilang pagkakakilanlan.

"You're always welcome Zezzaior as long as kaibigan ng anak ko. Handa akong tumulong" nakangiti rin itong ngumiti.

"Papa naman!" Sigaw ng isang boses.

"Bata pa kasi ang anak ko. Pagpasensyahan mo na" mas lalo naman napasimangot ang anak nito.

"Tara na nga baka wala na tayong maabutan" taray nito. Napatawa naman ang lahat sa narinig.

"Hindi ka pa malakas kiana, dito ka muna" mas lalo itong napasimangot sa narinig.

"Zezzaior naman eh" napanguso naman ito na para bang nagtatampo.

"Ui tigilan mo nga ang pagnguso nagmumukha kang pato" sabi ng lalaking may pulang buhok at pares ng mata. Nakasuot din ito ng katulad sa robin hood at nakamaskara ng katulad kay Zorro.

"Tigilan mo ako Kazan, ang baduy kaya ng suot mo." Napasimangot naman ang kausap nito.

"Ako baduy? Ikaw ang baduy at out of Fashion. Kay bata bata out of this world ang gusto" nakaturo pa ito sa kausap na para bang pinapagalitan ito.

"Ako pa ngayon ang baduy huh" gulat na gulat na sabi nito.

"Tama na iyan at baka kung saan pa mapunta. Sige na at aalis na tayo." Natahimik naman ang mga ito at nagsihanda para umalis.

Nakatayo sa isang nagliliwanag na lagusan na may pader sa magkabilaan. Kung titignan mo sa likod parehas mo lang makikita kung ano ang nasa harap. Nagsipasok naman ang ibang sundalong pinadala ng hari at huli silang pumasok.

"Mag iingat ka doon anak" napapaiyak na napayakap ito sa anak.

"Ikaw din po ama" nakangiting humiwalay ito at nagpunas ng luha saka pumasok sa portal.

"Akong bahala kay kiana king kian. Simula pa noon magkasama na kami kaya naging mahalaga na rin siya saken." Sabi ni Kazan bago pumasok sa portal

"Salamat ginoong Kazan" huling sabi nito bago makapasok sa portal ang tinawag na kazan.

Napayuko naman ang lalaking nakasuot ng berdeng balabal bago pumasok sa portal. Nakangiti namang babae ang yumakap sa hari.

"Salamat ng marami king kian hanggang sa muli." Saka pumasok sa portal.

Muling nagsalubong ang paningin ng huling papasok sa portal at ang hari. Nagkangitian pa ang mga ito bago bago nagpalitan ng tango.

"Maraming salamat king kian. Hanggang sa muli." Saka ito tumalikod.

"May thy god with you." Huling salita nito bago ito makapasok ng portal.

Nasilaw din ito sa liwanag na kanyang nakita kaya hindi nito napigilang mapapikit. Ilang minuto rin siya nakaganon ng maramdaman ang pagbaba ng gravity na para bang hinihila siya pababa. Naririnig niya pa ang sigawan ng kanyang mga kasama. Napamulat naman siya ng nga mata saka napasigaw.

"Laugh trip" napatingin naman siya sa katabi habang nakapost pa ito pahiga na nakaharap sa kanya.

"Kazan" sigaw niya rito.

"What? Kasalanan ko bang pabagsak tayo?" Nakataas na kilay nito. Narinig pa niya ang sigaw ni kiana.

"Kaya ayoko dumaan sa portal na iyon eh" nakasimangot itong nakatingin sa kanya.

MYSTERY ACADEMYWhere stories live. Discover now