Mystery 39: Missing piece
Sa isang kalapit nayon may mag asawang naninirahan sa isang palasyo. Sila si Haring Samuel at Reyna Tinandre. Masayang namumuhay ang mga ito at sagana sa kanilang kinabubuhay. Nag aalaga nang mga hayop at tulong tulong sa ginagawa. Ito ang pangunahin nilang pinagkukuhaan ng dugo upang inumin at kainin ang lamang loob nito. Lahat sila ay nakakalabas sa liwanag kahit na napakainit nito. Ilang libong taon silang namuno hanggang sa magdalang tao si Reyna Tinandre.
Lahat sila nagdiwang at lahat ng kanilang kababayan ay imbitado hanggang sa ilabas nito ang panganay na anak na pinangalanang Samarkand. Habang lumalaki si prinsepe Samarkand lalong lumalabas ang taglay nitong karisma na naging dahilan ng pag aagawan ng kadalagahan. May itimang buhok at mapupulang pares ng mata. Mapupulang labi at maputlang balat. Matangkad din ang prinsepe.
Hanggang sa makilala nito ang dalawang dalaga na kapwa anak ng kaibigan ng magulang nito. Sila Samara at Samantha. Lubhang napalapit ang loob ng prinsepe sa dalawa dahilan ng pagiging maalalahanin nito.
Madalas silang magpaliksahan sa isang ilog kung saan lagi silang nakatambay. Pinangalanan nila ito ng rein. Isang araw habang papunta ito sa bahay ng kaibigang si Samara upang yayaing maligo sa rein. Nakita niya itong may kausap na napakagandang dalaga. Ngumiti ito sa kanya bago magpaalam na umalis sa kausap.
"Oh Samarkand anong atin?" Nakangiting humarap sa kanya ang kaibigan. May maamo itong mukha, mapupulang labi, pinkish na pisngi at light blue na pares ng mata. Makinis na kutis na mamula mula na halata dahil sa sikat ng araw.
"Yayain ko sana kayo ni Samantha maligo sa rein kung hindi ako nakakaabala." Natatawang napailing ang niyaya.
"Oo naman basta ikaw teka lang at magpapaalam ako kay inay" tanging tango lang ang isinagot niya rito.
Naglakad ito papalayo at naiwan siyang nag iisa sa bulwagan. Inilibot niya ang paningin sa paligid at nakita niya ang taong hinahanap. Masaya itong ngumingiti sa kausap habang may hawak na bilao. Hindi niya napigilang mapangiti dahil sa taklay nitong aking ganda na bumihag sa kanyang pihikan na puso.
"Tara na?" Napalingon siya sa nagtanong at ngumiti.
Tumango lang sila at naglakad papalayo. Hindi naman sila natagalan sa pagpunta sa lugar nila Samantha. Agad nila itong kinausap at niyaya. Tuwang tuwa naman ito sa narinig.
"Tara na" masayang sabi nito.
May malabughaw (asul) na mga mata at mapupulang labi ito. Malapursilanang kutis at matangkad na slim. Laging nakangiti tuwing sasalubong sa kanila.
Lagi nila itong ginagawa ang pagliligo sa rein. Walang naglalakas loob na pumunta sa lugar na iyon para madumihan ang kanilang sanctuary place. Isa itong simbolo ng wagas na pagkakaibigan ng tatlo.
Kinakabihan, halos nahirapan sa pagtulog si Samarkand sa kakaisip sa magandang binibini na kanyang nakita. Halos gabi gabi itong manyari hanggang sa isang araw, hindi na nitong matiis na hindi makilala ang dalaga kaya naglakas loob itong puntahan at kilalanin ang gumugulo ng kanyang isipan.
Umaga ng mga oras na iyon. Tulad ng alam ng iba hindi nakakalabas ang mga bampira kapag umaga ngunit isa lamang ito alamat dahil ang totoo nakakaapak sila sa labas kahit na umaga o gabi ito. Para lang sila na ordinaryong tao maliban sa may mapupula silang mata at pangil na humahaba kapag nagugutom o nagagalit depende sa emosyon na nararamdaman nila.
"Magandang umaga binibini" nakangiti siyang humarap sa dalagang nagpapagulo ng kanyang isipan. Ngumiti rin ito bilang pagbati.
"Magandang umaga rin sa inyo ginoo. Kung si binibining Samara ang hanap niyo nasa kanyang silid lamang ito. Kung inyong mararapatin tatawagin ko lang ang aming binibini" napakaganda talaga niya. Halos matulala siya sa angkin nitong ganda ng ngumiti ito at ng kanyang marinig ang napakaamo nitong boses.
ESTÁS LEYENDO
MYSTERY ACADEMY
Misterio / Suspenso( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...