Mystery 27: Meeting in the Witch Land "Fairylandia"

71 7 0
                                    

Warning: some minors words of this chapter is not suitable to 18 below. Open-minded is needed.

Mystery : Meeting in the Witch Land "Fairylandia"

Nang makalayo ako sa dormitoryo at nasa likod ng building ng school na kung saan ay may isang madilim na kagubatan. Tumingin-tingin siya sa paligid kaliwa't kanan at siniguradong walang sumusunod na alam naman niyang meron .

Nang makasigurado, may kinapa ito sa kanyang bulsa at may nilabas na punyal.

"Where are you going?" Hindi niya ito sinagot at itinuloy ang ginagawa.

Hiniwaan nito ang sarili sa palad at nagguhit ng isang double A sa kanyang palad at ipinatulo ang sariling dugo sa lupa. Nang tumulo ang dugo ay bigla na lang nagkaroon ng circle sa kanyang paligid na palibot na umabot hanggang isa hanggang tatlong metro.

May ibinulong ito, kasabay ng kanyang pagkawala.

"azla caluzha"

Napadpad ito sa isang lugar na madilim at sa kanya nakatutok ang nag-iisang ilaw na nagmumula sa kung saan.

"wala ka pa rin bang balita sa pinahanap namin sayo zezzaior" ( sessayor ang bigkas ) mula sa kanyang kaliwa ang tinig. Tumingin ito sa pinangalingan ng boses.

"wala pa po mr. green" yumuko pa ito bilang paggalang.

"hanggang ngayon pa ba, wala pa rin" boses ng isang bata ang nagsalita mula sa kanyang likuran

"tumigil ka ismael, hindi basta basta lang ang isang ashlack, baka nakakalimutan mo" saway nang nasa kanan ko. Sa pagkakataon na ito babae ang nagsalita.

Wala siyang nakikita sa paligid kundi kadiliman at ang pakatandaan ko na lang sa kanila ay ang kanilang boses. walang nakakakita o nakakakilala sa mga nakakataas na ministro. Ang alam ko lang labing dalawa ang bumubuo nito.

"magsitigil kayo.!" maawtoridad na sabi nito.

Nanahimik ang nagtatalo kani-kanina lang dahil sa nagsalita." bueno, kaya ka namin pinatawag ay dahil sa nalalapit na ang pagpapakita ni ashlack sa propetang wawasak sa ating lahi." nagbulungan ang mga ministro.

"siya nga! kaya dapat na natin siya makita at baka maunahan pa tayo ng iba." boses matanda ang nagsalita.

"oo nga, unahin na natin ang itinakda" sulsol pa ng isa.

"t*nga ka ba? paano mo mahahanap ang itinakda kung wala kang palatandaan." singal ng isang babae na kanina pa nananahimik.

"minerva, ang bibig mo." sabi ng mahinahong boses.

"tsss"

"magsitigil kayo" maawtoridad na sabi ng nakakataas.

Natatawa na lang ako sa kanilang pagtatalo na wala namang kahahantungan. Hindi naman nila makikita ang hinahanap kung puro na lang sila salita kulang naman sa gawa. Ang hirap naman talagang mahanap si ashlack at isa pa siya ang pinakamalakas sa aming lahat. Gusto ko nga siyang makilala at maging guro kung iba lang ang pagkakataon. Ang balita ko pa napakabait at tapat ito sa tungkulin. Lagi pang natatapos ng maaga at maayos ang kanyang trabaho. Ito rin ang pinakamaganda sa kanilang lahi na lalong kinagalit ng iba. Napatingin ako kay uno ng kunin nito ang kanyang atensyon.

"wala ka pa rin bang balita?"

Sa kanilang lahat si uno lang kanyang ginagalang at wala ng iba. Nagbigay galang muna siya bago sumagot.

"to be honest with you first, no, i can't detect her."

"ano pang silbi mo kung hindi mo pa nakikita ang pinahahanap namin sayo" epal ng isang boses. I just rolled my eyes before answer.

MYSTERY ACADEMYWhere stories live. Discover now