"Ang pinakamasakit na parte ng paghihintay ay ang mapagtanto na hindi ka ganoon kaimportante sa taong hinihintay mo dahil kapag importante ka sa kanya ay hindi ka niya hahayaang maghintay. "
-Avi
***
Katatapos kong malaman ang section namin. Only one of us got separated. I feel really really bad. I don't know what it feels like to be the only one separated from the group. I don't know how hard it is. But I know it's hard.
Nasa kalaliman ako ng pag-iisip nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Parang may kung anong tumutusok-tusok galing sa direksiyong hindi ko mawari kung saan nanggagaling. Nasa may tree park ako at nasa likod ko ang aming gymnasium. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ngunit natigil iyon nang mapatingin ako sa orasan sa aking cellphone. Alas diyes na pala. Isang oras na akong nakatambay dito. Naghihintay. Na naman. Palagi nalang.
Isa sa pinakaayaw ko sa lahat ng mga pinakaayaw ko ay ang maghintay. Lalong lalo na kapag nag-iisa ako. I mean, yeah I'm being surrounded by thousands of people in this big school but I feel so alone. They have their own group of friends, it doesn't matter kung plastican or what but atleast they have someone to keep their company.
Except the fact that nagmumukha akong tanga, it hurts. Ang pinakamasakit na parte ng paghihintay ay ang mapagtanto na hindi ka ganoon kaimportante sa taong hinihintay mo dahil kapag importante ka sa kanya ay hindi ka niya hahayaang maghintay.
"Nalunod na," wika ng taong nagpabalik sa akin sa realidad.
"Madsen, nariyan ka na pala," blangko kong sambit. Hindi ko alam kung napansin niya ang bitterness ng salita ko pero kung napansin niya ma'y hindi niya pinahalata.
"Gaano kaimportante ang bagay na iyan at nagawa ka niyang patulalain ang isang Arissa Vintorez Armaguerra?" mapanukso niyang wika.
Si Madsen. Ang pinakatahimik sa amin. Pero siya ang unang nagsasalita kapag may tension sa aming lima.
I felt my pride fighting against me. Hold me higher, it says. But I shut my pride off.
I closed my eyes and I felt my muscles relax. I exercised my facial muscles until I can finally smile. Yung totoong ngiti. Yung hindi pilit.
Magsasalita na sana ako nang may humampas sa balikat ko.
"Aww," daing ko habang tinitignang tumawa ng pagkalakas lakas si Desteen.
"Hello everyone!" sigaw ni Hovea. Sumingkit ang mga mata niya habang nakangiti ngunit kaonting kabawasan lamang iyon sa masungit niyang aura. Magkasalubong ang kilay niya sa gitna ngunit sa katagalan ng pagkakaibigan namin ay nasanay na.
"Desteen, Sharisse, Hovea, Madsen," I enumerated.
"Friend," tapik ni Hovea sa balikat ko. "Kaibigan ka namin at tanggap naming baliw ka pero sobra naman ata yang nagsasalita kang mag isa?"
Sabay sabay nagtawanan yung apat. "Mga baliw, baka kako kasi nakalimutan ko mga pangalan niyo."
Natatawa akong nagroll eyes at sa may canteen ay natanaw ko si Veronica na nakikipag usap kay Ariel. Ariel's sexuality is still a mystery to me. He's close wit girls but sinasabi niyang hindi siya bading. Though my instincts tell me he's gay. But it's not an issue to me if he's gay. I have bunch of gay friends and I think they are beautiful just the way they are. Naramdaman niya sigurong pinagmamasdan ko siya kaya napatingin siya sa gawi ko at kumaway. Kumaway rin ako pabalik.
"The late Veronica Alegre is coming," biro ko.
Sa wakas ay nakita na niya ang kinaroroonan namin at nagpaalam na sa kausap niya. She was smiling as she walked her way to us.
Tumayo si Sharisse at hinila si Hovea. "Des, Hovi, Mads, Avi, tara na pala guys." biro niya at sinabayan naman ni Hovea.
"Mga bastos!" Natatawang sigaw ni Veronica
"Pasensiya naman Verca diba? Hindi pwedeng magsorry?" saad ni Sharisse habang yung ulo ay nakatagilid paharap.
"Tara na nga! Mga baliw," Madsen finally said
***
Pagkatapos naming makuha ang schedule ay may kaunting orientation na nangyari per section. As expected, magaling yung adviser namin ngayon. She talked very well and instead of a short orientation, naging mahaba siya kasi sinabi na niya yung mga gagawin namin for the whole school year.From Science department, kailangan naming lampasan and Math department at ang mahabang daan papunta sa gate.
Sa kakwelahan ng mga kasama ko ay hindi namin alintana ang init ng araw at mga pawis na nagsisibagsakan.
"Kamusta naman yung adviser niyo, Verca? Balita ko tamad daw?" tanong ni Desteen
"Aba malay. Unang meeting palang naman," sagot ni Veronica
"Ang brainy mo talaga friend, hindi ko naisip yun!" Hovi uttered sarcastically
Nang makarating kami sa Southern Gate ay nalaman namin na hindi pa pala pwedeng lumabas doon kaya mabigat ang mga hakbang kaming lumipat sa Northern Gate.
"Eh kung buksan kaya nila yang Center Gate ano, para everybody happy?" Sharisse muttered
I agree. Doble pagod pa kasi sa amin yun eh. Pero ganoon siguro talaga. Kakaonti kasi ang security guards namin kaya siguro hindi binubuksan kasi walang magbabantay.
Nang sa wakas ay malampasan na namin ang gate, puro busina naman ng mga sasakyan ang maririnig. Traffic jam na naman. Ganito palagi kapag uwian. Isa na naman itong malaking labyrinth.
"Palengke kayo?"
"Plaza?"
"Sasakay kayo 'ading'?
Puro ganyan ang maririnig except sa mga naglalakasang mga busina. Halo-halo rin ang amoy sa paligid.
Nang makita namin yung tricycle ng suki naming driver, nagsitakbuhan kami at halos hindi na ako huminga noong makasalubong namin ang isang rumaragasang kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/90573501-288-k585560.jpg)
BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
General FictionIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...