Chapter 21 - Grocery

46 9 9
                                    

Lutang ako habang naglalakad papuntang field para sa flag ceremony. Sa labas ako ibinaba ni Papa para daw makapag-exercise naman ako paminsan-minsan. Actually, sa labas naman talaga ako nagpapahatid. Alam yun ni Papa at ni Toffer. Isa lang naman ang makulit at gusto pa akong ihatid hanggang pintuan ng classroom namin.

Kahapon, (buti at alam i-drive ni Corbyn yung Fortuner) ay dinala ko na yung mga gadgets na ginawa namin kaya wala na akong aalalahanin pa ngayong araw. Nilagay namin ang mga iyon sa may shed sa harapan ng T.L.E. Faculty room tapos inihatid niya ako hanggang sa classroom, handa na para bukas.

Tungkol pala kay Corbyn, nagtanong tanong ako kila Mama at in-stalk ko rin siya sa Facbook at mayroon akong konting nalaman tungkol sa kanya. One, classmates sila ni Toffer since kinder until fourth year high school. Two, he took up Business Administration and he freakin' graduated as a Magna Cum Laude. Oo pakshet graduate na siya pero si Toffer nag-aaral pa! Paano nangyari yun? He's a freakin' genius for Pete's sake at na-accelarate siya dahil puchu-puchu lang sa kanya ang mga iyon.

Yun lang ang kinaya ng stalking skills. Bago pa kasi ako maka-like ng posts na naitag sa kanya ay itinigil ko na, mahirap na. Nagtanong-tanong rin ako sa mga kamag-anak ko na posibleng makasagot sa mga tanong ko pero si Mama ayaw magsalita, nakakainis! Tapos ayoko namang tanungin si Papa. Mamaya asarin pa ako nun eh.

Paano ko pala siya pakisasamahan? Knowing that I just broke a promise I swore in the past, mahihirapan akong gumalaw na parang normal lang ang lahat. I can't help but wonder what he thinks of me. Does he think that I'm not trustworthy, that I'm not true to my words? Lol Avi, ang tanong, sumasagi ka ba sa isip niya? God, this is driving me insane!

Pakiramdam ko, isang kembot na lang, mababaliw na talaga ako ng tuluyan. Pero dahil kaya ko namang pansamantalang kalimutan ang mga pangyayari ay tingin ko hindi pa ako tuluyang mababaliw. Slight lang.

Marami ang bumabati na trainees sa akin pero pasensiyahan kami, lutang ako ngayon. Di bale nang matawag na snob basta maayos ko tong magulo kong isip.

Habang naglalakad ako ay nataon naman na maaga ngayon ang nagpatunog ng bell kaya wala akong magagawa kundi ang tumigil pansamantala sa kinatatayuan ko at tumingin sa Philippine Flag. Marami ang pasaway at hindi tumigil sa paglalakad, pero wala silang laban sa masusungit na trainees.

"Tumigil nga muna kayo!" hindi nakapagpigil na sigaw ng isa sa babaeng trainee. Tinignan ko siya ng maigi. Nice guts.

Mula sa speakers sa dalawang side ng main building na antique pa ang disensiyo kagaya ng mga nakikita sa Heritage Village ay nagsisimula na silang awitin ang pambansang awit.

With my right hand over my heart, I mentally sang the national anthem. Tumitindig ang balahibo ko sa bawat linya nito. Hindi ko alam kong ako lang ba ang pinaninindigan ng balahibo kapag kinakanta ang Lupang Hinirang. Ang problema kasi sa atin, hindi natin ini-internalize ang linya ng kanta at ang pinakarason kong bakit natin ito kinakanta. But if you just try to feel it, you will also feel what I'm feeling right now. Well, I need to remind myself again that not everyone has the same heart as mine.

Noong matapos ang mga kanta ay puwede na kaming pumunta sa field. Pero dahil walang masyadong announcements ngayon, noon malapit na ako sa linya namin ay sakto namang pagdeklara na puwede na kaming pumunta sa mga classrooms namin.

"Avi, what's wrong with your face?" tanong ni Verca na ngayon ko lang napansin.

"Verca! Avi!" Napatingin kami kila Hovi na nakikipag-unahan sa mga ibang estudyante para pumunta sa amin. Magkakasama na pala silang apat. Anlakas ng boses ni Hovi, naloloka ako.

Masyado na sigurong obvious na may problema sa pag-iisip ko ngayon dahil pati sila ay napansin iyon. "Parang nasa kabilang dako ang isip mo ah," sabi ni Des. "Asan yung driver mo?"

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon