Tahimik ang lahat matapos sumigaw si Jay. Ang boses niya ay dumagundong sa buong espasyo. Bumilis ang tibok ng aking puso at hula ko ay lahat ng tao rito ay ganoon rin. Naiintindihan namin kung bakit niya nasabi ang mga iyon. But pride is an old friend and it's saying 'hi'.
Hindi mahirap hulaan ang iniisip ng mga kaklase ko. "Kapag siya yung hindi pinakikinggan pero kapag nagsasalita tayo at hindi siya nakikinig ay hindi niya nakikita ang sarili niya."
"Now what people?" Mataas ang boses niyang wika. He held his chin high up in the air, challenging anyone to fight him.
Naramdaman ko ang namumuong tension sa hangin. Umayos ang karamihan sa kinauupuan at ang mga postura ay naging palaban.
"That's enough. Let's get started people," awat ni Darren.
But Jay wasn't listening. He went to the mini lockers at the left side of our classroom. Ipinulupot niya ang mga tela sa kanyang katawan at rumampa na parang modelo sa isang eksaheradang paraan palabas
"Jay," Babala ni Carl, one of the running for the top rank.
Bumagal nang bahagya ang lakad niya. "I'm sorry but I can't do this," sagot ni Jay.
Sa unang tatlumpong segundo ay walang nagsalita hanggang sa nagkaroon ng kanya-kanyang usapan ang magkakatabi. Hindi namin alam ang susunod na mangyayari. Ganoon na ba yun? Does it end there?
Mukhang walang balak pumalit kay Jay na maglead kung kayat isa-isang nagsilabasan na ang mga kaklase ko para kumain. Mas mabuti narin siguro na ganoon muna. Minsan kasi may mga bagay na hindi mo dapat lapatan ng lunas dahil ito ay ang mga bagay na maghihilom sa sarili nitong pamamaraan.
Nang yayayain ko na sana sina Hovea, Sharisse, Madsen, at Desteen ay sakto namang paglapit ni Arvin sa banda namin.
Napansin siguro ni Arvin na balak kong yayain ang lima kaya napasulyap siya sa kanila bago sa akin. I suddenly had an idea.
"Have you eaten Ar? Come with us," I said with pleading eyes. His eyes told me 'no' but I was pesistent so in the end, he came with us.
Sabay-sabay kaming bumaba mula sa fourth floor ng STE Building. Students under the STE have a separate building. Mula sa Faculty Room ng Science department ay sinasaraduhan magmula 7:30 ng umaga hanggang 5:00 sa hapon.
We are isolated from other students. We are only exposed to them during flag ceremony. Which we can't help follow even though we're against it. We passed the entrance exam and we entered here and we have no choice but to follow what is expected of us to do.
Sa gilid ng Faculty Room ng Science ay naroon ang makitid na canteen. Ang mga guro ang nagpapalit palit para magtinda.
Tumungo kami sa Shed. Mayroon na lamang isang bakante. May grupo ng mga grade 7 na tingin ko'y patungo rin sa plano naming puntahan.
"Bilisan niyo. Baka maunahan tayo," Pagmamadali ko. Hinawakan komg mabuti ang hawak kong naka-styro na bihon, barbeque, at bottled water. Tumingin sa akin yung isa sa kanila at bumulong sa mga kasama niya. Bibilisan rin nilang maglakad.
"Nakikipag-unahan kayo ha," mahinang sambit ni Hovea. "Takbo guys! Para sa ekonomiya!" sabay taas ang kanang kamay.
Sa wakas ay may nagsalita na sa kanila. Madalas kasi ay tahimik sila kapag kasama namin si Arvin.
"Hindi namin kasama to!" natatawang sabi ni Sharisse habang ang daliri ay nakaturo kay Hovea.
Lumapit ng kaunti si Hovea para sana batukan si Sharisse nang, "Ops, may pader dito Miss," sabay guhit ng invisible na linya sa pagitan namin at sa kay Hovea.
Nagsitawanan kaming lahat puwera kay Arvin. He's not really sociable. But I saw a ghost of a smile forming in his lips.
Una kaming nakarating at sumuko na rin yung grupo ng mga Grade 7. Pumuwesto si Arvin sa kaliwa ko at tumabi sa akin si Sharisse. Sa harapan namin ay sina Madsen, Desteen at Hovea.
Nagsimula na kaming kumain. Inabot ko muna ang tubig at uminom. Habang umiinom ay iniisip ko kung paano na ang contest namin.
I know I shouldn't stress myself too much into this but the scenario a while back keep getting into my head.
Hindi ko namalayan na biglang umingay ang buong Science Department at ilang sandali ay may mabigat na bagay na bumagsak sa likuran ko dahilan para maibuhos sa katawan ko ang tubig.
"Ukinnana," I cursed.

BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
Fiksi UmumIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...