After talking to Toffer, I was again left to reminisce what had happened a while back. It's all so sudden. Parang hindi totoo. Pero yung pakiramdam ng labi niya sa labi ko na hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang nagpatunay sa haka-haka ko.
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ang pag-iisip.
It was seven in the evening when I woke up being attacked by dysmenorrhea. I checked the calendar in my phone. It's February 3. Damn.
Linimitahan ko ang mga galaw dahil bawat galaw ko ay torture para sa akin. The pain in my lower tummy is draining my energy.
Pero hindi pwedeng humilata lang ako doon kasi kawawa naman yung maglalaba ng bedsheet. With all the strength left in me, I painfully went to the bathroom to fix myself.
Usually, I take in painkillers at certaim times but even though it hurts real bad right now, it's not as bad as my previous periods so I decided against it. If the pain becomes worse tomorrow, that's the time I would.
Naramdaman ko na ang gutom kaya bumaba na ako para kumain kahit halos lumuhod na ako sa panghihina.
I was slightly crouching while walking downstairs. Inabutan ko sila Mama at Papa na nanunuod ng TV sa living room.
Kumunot ang noo ni Mama pagkakita sakin. "Are you okay?" tanong niya.
"Dysmenorrhea, Ma."
Understanding dawned on Mama's eyes.
"Take in painkillers if you can't take it anymore," she instructed.
I nodded in reply. I feel like talking would only increase the pain.
"Mauna ka nang kumain kung nagugutom ka na, anak, para makapagpahinga ka na," si Papa.
I smiled weakly and proceeded to the dining.
Kumain lang ako ng konti kasi bagamat gutom ay wala akong gana. Bumalik rin ako sa kwarto pagkatapos at tuluyan nang dinapuan ng antok.
Nagising ako kinabukasan sa isang tawag. Pinakiramdaman ko ang puson ko. It's more painful than yesterday. Damn. I checked the clock. Alas siyete na pala.
"Yes, Veneza," matamlay kong bati.
"Pupunta tayo ngayon sa building ni Corbyn para sa introduction ng mga members sa staff."
Natampal ko ang noo. Nakalimutan ko ba o sadyang biglaan lang? And oh, nawala sa isip ko yung sinabi ni Veneza na pinsan niyang may-ari ng company na io-observe. Who would have thought that of all people na puwedeng maging pinsan ni Veneza, siya pa, ano?
"Yes, I'll try to come but I'm not perfectly sure. You can go without me naman diba?"
Natahimik siya sa kabilang linya, marahil ay nag-iisip. "Yeah, sure. Hindi pa naman magi-start yung formal na observations eh. Whatever your reason is, I believe it's reasonable."
I sighed. "It is. Thank you, Neza."
"No problem. Bye, Avi."
Binaba ko na ang tawag at tinuloy ang tulog. Baka sakaling pag nagising ay wala na yung sakit ng puson ko. Gusto kong tumayo para uminom ng gamot pero nanghihina ang buong katawan ko. Umasa na lang ako sa tulog.
It was nine in the morning when Veneza called again. Kahit paano ay nabawasan ng kaonti ang sakit. Kung malala pa sana ay iinom na talaga ako ng gamot. Ayoko ko kasing magdepend masyado sa painkillers. Baka isang araw, wala nang epekto ito sakin kaya kung maaari ay iiwas ako.
"Avi, sorry for disturbing you but you need to know this."
"What is it?"
"Corbyn insisted that he won't accept us without you. Ang tigas ng ulo niya. I even called our relatives but Corbyn's no is no. Hindi pwede na hindi matuloy ngayon, Avi, or else masisira yung time frame natin," problemado niyang turan.

BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
General FictionIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...