Bakit kailangang may masaktan pag nagmamahal? Kailangan ba talaga na may sakripisyong mangyayari para maging maayos ang lahat? Bakit hindi nalang hayaan ng tadhana ang dalawang taong kung bibigyan ng pagkakataon ay babaliin ang tadhana para lang maging perpekto para sa isa't isa? Damn, fate.
After the scene in the dining, Toffer became colder than what he used to be. And Hovi was engulfed in a sad bubble na kanina ko lang napansin. Hindi ko napansin na malungkot siya noong nagpunta kami dito.
Hindi maaaninag ang lungkot sa mukha niya. Yung mukha niya ay matapang, parang walang pagsisisi at panghihinayang na nararamdaman pero kung titignan sa mata ay dun mo lang malalaman.
Sumilip si Corbyn mula sa doorway. Pinagmasdan niya ako pagkatapos ay tinignan si Hovi tsaka dahan dahan ngunit matikas na naglakad palapit sa kinaroroonan namin.
"He's calmed down, I think," deklara niya tsaka humawak sa bewang ko.
"Is he okay?" I asked.
Huminga siya ng malalim. "He's hurting..." Sumulyap siya kay Hovi. "...real bad."
Napansin ko ang marahang pag-angat ng balikat ni Hovi. Narinig ko rin ang pigil na hikbing lumabas sa bibig niya. Damn it. How could fate be so cruel.
Tumayo si Hovi mula sa pagkakaupo. "Sa kuwarto lang ako," sabi niya.
Bago pa siya tuluyang makalayo ay niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing, "Stay strong, okay? We'll be fine."
Tumango siya at matamlay na naglakad palabas ng doorway.
"Tingin mo dapat silang mag-usap?" I asked, absentmindedly.
Naramdaman ko ang pagtitig ni Corbyn sakin sa peripheral view ko. "They really should. But for a wound to stop hurting, you need to stop touching it."
Pabigla akong humarap sa kanya, nagulat dahil sa sinabi. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Since when did you become poetic, huh?"I asked.
Using his arms, he held me closer. It messed up my whole system. He rested his chin on my left shoulder and said, "It's hard not to be poetic when you're near someone whose passion is overflowing."
Napatitig ako sa kanya. He matched my stare with the same depth and intensity. His hold on my waist tightened. "Your art is contagious, baby," sabi niya.
Napalunok na lang ako. I didn't know what to say. He got me speechless.
Pinatay ng ringtone ni Corbyn ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko naman alam na hindi lang pala katahimikan ang papatayin ng ringtone sa araw na yun.
Sinubukan kong kumalas sa kanyang yakap ngunit hinigpitan niya lamang iyon at sinagot ang tawag. Sobrang higpit niyon na akala mo walang makakapagpabitaw sa kanya sa akin. It was sweet at first.
Dahil nakapatong ang baba niya sa balikat ko ay dinig ko ang boses ng nasa kabilang linya. It was his dad. His voice was broken. I didn't know a very powerful and strong voice could shake that way. He said, "Y-your mom is g-gone."
Ilang sandali pa ay may masungit na boses na nangibabaw mula sa kabilang linya. "Corbyn, where on Earth are you? Are you with that girl again? For Pete's sake, iho, will you please forget about girls first and come here?!"
"Carmela, will you calm down?!" saway ng isang lalaki.
Hindi ko alam kung doon ba nag-umpisa ang lahat o doon na natapos. Yung kaninang sobrang higpit ng yakap niya ay unti-unting nanghihina. Unti-unting kumakalas. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa pagkalas niyang iyon. It gave me a weird feeling.
BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
Fiksi UmumIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...
