Corbyn insisted that he will drive me home. I reasoned out that I brought my car, na kaya ko naman.
He rolled his eyes. Umupo siya sa mahabang sofa. Kakaiba yung kapangyarihang pinaparamdam niya kapag nakaupo siya ng prente at iba rin pag nakatayo siya. He calmly dismissed my groupmates. I pouted while I looked down on him. Nakipagtitigan siya sa akin using his deep pair of gray orbs. Mas matangkad ako sa kanya sa posisyon namin at tinitingala niya ako pero parang baliktad.
Veneza's eyes are keen. Maingat niya kaming pinagmamasdan. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila sa amin.
Now we're left alone in the room. Pagkasara sa pintuan ay agad niya akong hinatak sa malambot na paraan patungo sa kandungan niya. Napatili ako at napahawak sa batok niya. I blushed. Sinubukan kong kumawala. But he locked me by holding my thigh. Fuck. I blushed some more.
I cleared my throat to ease the tension. Ang init ng pakiramdam ko.
"Huwag mo na akong ihatid," pag-iiba ko sa usapan.
Bumuntong-hininga siya. Pagkatapos ay diretso akong tinignan sa mata. Baka kung hindi ako nakakandong sa kanya ay naglupasay na ako sa sahig.
"Alam kong kaya mo lahat gawin ng mag-isa kaya nga sasanayin kitang nakasandal sakin para hahanap-hanapin mo ako kahit saan ka pumunta," sagot niya. It rendered me speechless. Wala akong ibang nagawa kundi umiwas ng tingin at mamula na parang teenager. Namalayan ko nalang na magkahawak kamay kami habang tinatahak ang daan papuntang basement parking.
"Your key, baby," he said, waking me up from his sorcery. Ang gaga ko parin pagdating sa kanya. I shook my head mentally. "Ipapadrive ko na lang papuntang bahay niyo."
"Wait up."
Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya para mahalughog ang bag. I gave him the keys and he held me on my waist, inching me closer. I exhaled heavily dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
Sinalubong kami ng valet at nagbigay si Corbyn ng ilang utos.
Medyo lutang pa ako noong nasa daan na kami. I checked the clock, nagbabakasakaling doon ko mahanap yung naiwalang diwa ko. It's half past seven when we reached home.
Pagkabukas ng gate ng guards ay nag-umpisa na akong kabahan. Paniguradong magtatanong sila Papa. Hindi namin lubos napag-usapan ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Corbyn. Hindi ako nagsalita kasi tingin ko noon hindi dapat. Kaya hindi ko talaga alam kung anong magiging reaksiyon nila lalo na si Papa.
"You okay?" tanong ng katabi ko.
I sighed. "I'm nervous."
He chuckled. "In your own home?"
Teka bakit ako yung kinakabahan? Hindi ba siya dapat ang manginig sa nerbiyos?
"Hindi ka ba natatakot na baka ayaw ka na nila Papa at Mama para sakin?" Maingat kong tanong.
I watched him lock his jaw. He took sharp breaths. "Kung ayaw nila, iiwan mo ba ako?" Sobrang hina ng pagkakasabi niya.
I blinked twice. Bakit ko naman siya iiwan? Like my father would always say, kung gusto mo, kahit talikuran ka ng buong mundo, ipaglaban mo. So "Why would I?"
Pero kinakabahan ako.
He exhaled loudly like he only managed to breathe properly. "Then why would I be scared?"
Sinubukan kong itago ang kilig sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin. There I saw my parents. The tall figure of my father standing before the doorframe stood out. He looked more authoritative than usual. Pinagpapawisan na ako.

BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
General FictionIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...