Inihatid kami ni Toffer kasama si Corbyn papuntang school gamit ang Fortuner. Pero sabi ng pinsan ko, ano daw ang silbi ni Corbyn na naroon sa bahay nila kung hindi siya mapapakinabangan kaya, ayun. Bale sasakay kami roon sa truck ng basurahan na pinahiram ng City pero hindi naman iyon marumi tulad ng inaasahan dahil nilinis naman. Si Chavita lang naman ang maarte eh.
Dahil sa nalaman kahapon ay itinuon ko ang atensiyon kay Toffer at Hovea. So far, wala namang kababalaghang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Daig ko pa ang CCTV sa pagmo-monitor. Ang napansin ko lamang ay ang pagtagal ng titig nila sa isa't isa noong lumabas na kami at nagtungo sa garahe. Mga malalandi!
Naglapag kaming anim ng mauupuan sa likuran ng Fortuner at yung dalawa ay nasa harapan. Pinagkasya namin ang mga bagahe sa kakaonting espasyo. Muntik na kaming hindi magkasya. Buti na lang at inuna na namin yung mga gadgets noon. Kung hindi ay malaking problema sana iyon.
"First road trip ever! OMG!" masiglang sabi ni Desteen.
"Oo nga matutupad na yung isang plano natin," sang-ayon ko naman. Isa sa plano namin ay gayahin yung ginawa ng main character sa Perks of Being a Wallflower. Ang pinagkaiba lang, ang dadaanan namin ay mga bundok. Nakapunta na ako noon sa darausan ng camping. It's on a cliff, well not literally na sa bangin but it's the simplest description I can give. Nasa ilalim ito ng Quirino Bridge, through not totally na nasa ilalim. At siyempre katabi namin ang ilog.
"Balita ko maganda daw panuorin ang sunset roon," sabi ni Sharisse. Katulad ni Verca ay first time rin niyang mag-camping na in-organize ng GSP.
"Oo, wala kasing mga buildings at wires na panira sa view. Tapos nasa mataas ka pang lugar kaya maganda talaga," pagsang-ayon ko. Ikatlong sali ko na ito kaya medyo kabisado ko na ang kalakaran sa GSP camping. Gusto ni Mama na sumali ako sa mga ganitong activities para raw maging independent ako.
"Yung tipong IG material?" tanong ni Desteen.
"Yes. But remember, no cellphones. Kaya byebye feed goals ka muna," pambasag ko sa trip niya.
She rolled her eyes. I wonder kung hindi siya nasasaktan sa ginagawa niya. Feeling ko kapag ako, magiging duling ako at hindi na maibabalik pa. "Whoever made that rule is so not cool."
"You'll never think about opening your phone because it'll be so damn tiring," sabi ko, based from experience.
"OA mo Avi ha," sagot ni Desteen. Maririnig mo yung 'duh!' sa boses niya.
Natawa naman ako. Inaamin ko na ang OA ko doon sa parteng na iyon. Wala lang, para lang takutin si Verca at Sha.
"We're here!" Hovi got out attention. Hindi na naman namin namalayan ang oras. It's always like that when we're together 'cause we always have a good time.
Bumaba na rin sina Corbyn at inisa isa ang mga bagahe namin na ibaba sa harapan ng T.L.E. building. Eyes were fixed on the two men. I felt the urge to put Corbyn in my pocket para hindi nila siya makita. 'Avi, huwag ipagdamot ang bagay na hindi sa'yo,' sabi ng munting boses sa utak ko.
Palihim akong umirap. Akalain mo, kaya ko palang umirap na parang kila Desteen? Well the situation calls for it.
Nauna silang bumaba since sila ang pinakamalapit sa dulo habang kami ni Hovi ang huli. Nahuli ko si Hovi na umiirap. Aba, hindi lang pala ako ang biglang tinamaan ng Pre Menstrual Syndrome.
Hindi ko nalang kinulit si Hovi dahil baka mabugahan pa ako ng apoy. "Tara na."
"Yeah, right." Biglang nawala yung inis ko noong nalaman ko na ganoon rin ang nararamdaman ni Hovi. I can't explain it to myself. Minsan, kapag mayroon na akong kasama na galit ay humuhupa yung galit ko. Nagagawa ko pa ngang tumawa kapag ganoong sitwasyon. Pero hindi ko naman sinasabi na galit ako. Halimbawa lang naman.
Iniwasan kong tapakan yung mga gamit namin at maingat na pumunta sa dulo para makababa. I saw Corbyn come near the car. He's watching me, for Pete's sake! Avi, umayos ka. Huwag mong ipahiya yang sarili mo. Huwag kang matatalisod!
Bago ko pa iangat ang paa he stopped me. "Wait."
Iniangat ko ang tingin at itinuon ito sa kanya. He reached for my hand and assisted me, very gently. Feeling ko para akong prinsesa. Feel ko lang naman. "Thank you," bulong ko. Thank heavens I didn't slip.
Hindi siya yung tipong sasagot ng 'welcome' o 'no problem'. He's as snob as ever.
"You're riding in that... truck?" he carefully asked. His tone is calculated. If he knows me well, he must know that I despise people who looks down on things.
"Yeah, is there something wrong?"
"No. It's just that... will you be fine riding in that piece of... I mean, car?"
"Of course." Bakit? Anong mali jan? Please don't be one of those people.
He must have sensed my change of mood. "I'm not belittling, okay? It's just that..." I can feel his frustration. If he can't handle my storm, he's not worth it. But I wish he does. I wish he's THAT 'someone'.
"What's wrong with that ba?"
Nahihirapan siya, I know it. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi. "Nothing. I just think you're not going to be comfortable riding on it."
"I'll be. Don't worry," matabang na usal ko at tumalikod. Pero pagtalikod ko ay nasa harap ko na siya. Napaatras ako ng kaonti dahil sa gulat. Hinuli niya ang mga mata ko. Please say the right words.
"It's not what you think, Riss. My problem is not about the car. It's about you. Your safety and your comfort." Huminga siya ng malalim. "If you're not comfortable and your safety is not assured, make sure I don't know any of it. Because I'll go nuts if I know you're uncomfortable and not do anything about it. Alright?"
Huminga ako ng malalim. Hindi ko namalayan na hindi na pala ako humihinga kanina. Yung disappointment ko, nawala na parang bula. Napalitan iyon ng 'something' sa tiyan ko at nakikipagkarerang pulso. Tumingin ako sa mala abong mata niya -- I think I saw fear in them. My heart fluttered.
Noong ngumiti ako ay pinakawalan niya ang kanina pa niya siguro pinipigilang hininga. "Alright," I said with a smile.
"Don't scare me like that again."
Suddenly, my attention was fully on him. "D-did I scare you?"
"Yeah. I thought you're going to drift away," his voice is laced with fear. Then it seemed like he went to another dimension in which I can't enter.
"I thought so, too." But you said the right words.
"So tapos na kayo?" puno ng pang-aasar yung boses ni Toffer. Inilibot ko ang tingin sa paligid. The others are gone. Kaming walo na lang ang nandoon.
"Pinauna ko na sila at sinabi na ihahatid na lang namin kayo. Nakakahiya naman kapag inistorbo namin kayo eh ano?"
I tried to find moments more embarrassing than that moment but I got none. I wish the ground would swallow me whole. Parang pimples na nagsitubuan ang hiya sa aking katawan. Si Corbyn nakatingin lang sa akin, bwiset hindi man lang nahiya. It'd be more comfortable if he stops looking at me like that. Baka kapusin ako ng oxygen sa katawan kapag lagi niyang gagawin yan.
"Mind your own business," masungit na pagtatanggol ni Hovi sa akin mula sa pang-aasar ni Toffer. "Tara na nga girls." Ako lang ata ang nakakaintindi sa inaasal ni Hovi kasi hindi gets nung apat yung nangyari kanina.
Yung mukha ni Toffer, parang ewan. Yung mukha niya ay parang mukha ng mga estudyante kapag math ang subject: mukhang walang maintindihan.
"What's wrong with her?" narinig kong tanong ng pinsan ko kay Corbyn. Corbyn just shrugged his shoulders.

BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
Genel KurguIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...