Chapter 32

30 7 4
                                        

"Manang pakisabi na lang kina Mama na hindi na ako sasabay kumain mamaya," sabi ko kay Manang na kakapasok sa dining.

"Sige ija, matulog ka pa para makabawi ka."

I said my thanks and good night then went to bed. Akala ko makakapag-relax na ako pero na-stress ako kanina. Akala ko rin busog na ako sa tulog dahil maghapon akong natulog pero napagtanto ko na mas hahanapin mo pa ang isang bagay pag napasobra ka dito.

I set my alarm clock to 4 AM so I could wake up early at sumabay na lang kay Papa. I don't think Corbyn will send me to school tomorrow.

Ano kayang pumipigil sa kanya na sabihin sa akin kung anong meron sa Mommy niya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Is he drinking coffee outside? Ano kayang nararamdaman niya? Mabigat kaya sa loob niya na hindi sabihin sa akin, o wala lang?

Gosh, these nasty, betraying thoughts of mine. I tried to shoo them away but they keep pestering my mind. If this continues, hindi ako makakatulog. So I tried to think white. Slowly, until those tiny fragments of my thoughts start to fade in white. Then I fell asleep, at last.

HINDI ako nagising sa alarm. Dammit. It was quarter to six when I woke up. Napakakonti ng posibilidad na hindi pa umaalis si Papa pero kumapit ako sa posibilidad na iyon. I rushed to the bathroom and moved quickly. It took fifteen minutes, I think.

I prayed to all saints that my father isn't in a hurry today. Dali-dali akong nagbihis at noong handa na ay natatarantang bumaba sa hagdan. Inabutan ko si Papa na papalabas ng hagdan. Binilisan ko ang pagbaba. "Pa, wait up!" But he already closed the door. Damn. Why is this staircase so long?! Heaven forbid.

When I reached the garage, wala na yung sasakyan niya. But a familiar gray Alfa Romeo is parked in there. I let out a deep breath. I don't have another choice then, do I? Alangan takbuhan ko siya. But the question is, nasaan yung may-ari ng kotse? If he's inside the car, lumabas na sana siya pagkalabas ko ng bahay, right?

Hay, ewan ko na. I went back outside and was shocked when I found him sitting on the couch. I didn't see him earlier. He's wearing a powder blue polo.

Madilim ang tingin niya sa akin. Accusing, to be exact. Like he caught me doing something unacceptable.

I opened my mouth to talk but closed it quickly when I figured I didn't have anything to say.

Nilagpasan niya ako sa kinatatayuan at nagtungo sa pintuan. "What are you doing? You're gonna be late," he said blankly.

Tumunganga muna ako ng mga ilang segundo bago mag-sink in yung sinabi niya. Nagising lang ang diwa ko noong bumusina siya.

I quickly went to his car.

Tahimik kaming pareho. Nabasag lamang ang katahimikang iyon noong tumunog ang cellphone niya na nasa dashboard. Napatingin siya roon, marahil ay tinignan lamang kung sino ang tumatawag pero noong mabasa niya ay ibinalik agad ang tingin sa daan. It's his Dad.

"It's your Dad," tawag ko sa atensiyon niya. "Aren't you going to answer it?"

He sighed. "No."

Hinayaan ko na lang siya sa trip niya sa buhay. After ng Dad niya, may tumawag ulit. Someone named Kraussner. He ignored it also. Pagkalipas ng ilang minuto, noong akala ko magiging mapayapa na ang buhay ko sa loob ng kotse niya, may tumawag na naman. It read Fate.

Ayos, tinatawagan siya ng tadhana. Nice name. I smiled. "Tumatawag sa'yo ang tadhana," sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Yung tumatawag, Fate ang pangalan."

Recognition flashed in his face. He grabbed his wireless earphone and answered the call. Woah. Ang importante naman ata ni Fate sa buhay niya. Akalain mo, si Corbyn na hindi pumapansin ng tawag pag nagdadrive, mapapasagot ni Fate? Sino ba siya at parang mas importante pa siya kesa sa Daddy ni Corbyn?

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon