I woke up to the knock on the door. I slowly opened my eyes and was a bit shocked to see the unfamiliar room. Napabangon ako ng pabigla. The move sent jolts of pain to my core. Napaungol ako dahil sa sakit sa aking puson.
I heard someone groaned. Padarang akong lumingon sa tabi ko at nakita si Corbyn na nakahiga habang kunot ang noo. He's still wearing his longsleeves. Kinawit niya ang braso sa bandang tiyan ko at maingat akong pinahiga patalikod sa kanya habang nakapikit. Noong naramdaman ko na ang dibdib niya sa likuran ko ay saka niya isiniksik ang ulo sa aking leeg.
He was caressing my tummy. Somehow, his hand's warmth eased the pain ngunit nakikiliti ako kaya tinatampal ko ang kamay niya. Tinatawanan niya ang pagtampal ko at siya ulit hahaplusin.
May kumatok ulit. "Corbyn, someone's outside," bulong ko.
"Let them be," sagot niya at mas hinigpitan pa ang hawak sa akin. Ang guwapo ng boses niya kapag inaantok tangina. "Does it still hurt?" malambing niyang tanong.
I nodded weakly. It hurts real bad I feel like dying. Kanina pa ako naiiyak pero pinipigilan ko lang. My tears are right behind my eyelids. Isang kembot na lang lalabas na. Suminghap siya sa leeg ko bago ako maingat na iniayos sa pagkakahiga. Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit inaantok ako kapag malapit ako sa kanya. Hindi ako antukin kapag hindi oras ng pagtulog pero kapag siya, parang automatic na gustong sumandal sa kanya ang katawan ko.
"That's probably your meds. I'm gonna get it," paalam niya. Ngumiti lang ako ng mahina habang nakatingala sa mukha niya. I felt the urge to pull him back but of course that would be shameless.
Pinanuod ko siyang maglakad patungo sa pintuan hanggang makabalik. Ultimo paglakad niya, ang guwapo. Nagi-init ang pisngi ko dahil sa mga iniisip kaya pinikit ko ang mga mata. Binuksan ko lamang ang mga ito noong naramdaman ko ang paglubog ng isang parte ng kama, hudyat na nakalapit na siya.
Seryoso ang mukha niya habang inisa-isang nilabas ang mga nasa loob ng grocery bag. Ang cute. Nakakunot pa ang noo niya habang sinusubukang buksan iyong isang pack ng napkin. Pinamulahan ako ngunit hindi ko napigilang humagikhik.
"Paano buksan to?" seryosong tanong niya. Gusto kong hanapin yung 'hiya' sa ginagawa niya pero walang hiyang makikita sa kanyang mukha. He's just serious.
"Just put it there. Ako na lang ang magbubukas," sagot ko sabay tawa ng marahan.
"Why are you laughing?" seryoso niyang tanong habang kunot ang noo.
"Why are you so serious?"
Mas sumeryoso pa yung itsura niya. "Everything is serious when it comes to you."
Umiwas ako ng tingin para pagtakpan yung kahihiyan. Tinawanan ko na rin para mas effective. "Akin na nga yan," pag-iiba ko sa topic.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Just show me, baby. I wanna take care of you. Ayokong may ibang nag-aalaga sayo." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi yun.
I bent my neck to think. I can't process his last statement. "What do you mean? May nag-aalaga sakin?"
He rolled his eyes. It took me by surprise. Napakurap-kurap ako. "Offering you a seat when you can do it alone, sending you out of the door when I was there, calling you when you're having your period. Like damn, what am I here, a third party?" he ranted in a whisper.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagseselos kay Arvin. Engot niya. For six years that we're apart, he was the only one. I entertained men but I seem to find him in them. Unfair yun sa kanila. Kaya I took my time and went with the flow of circumstance. For some reason, the flow led me back to him. Or it led him back to me. Or it led the both of us back to each other.

BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
Fiksi UmumIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...