Corbyn
I was too happy when we're finally going home to the Philippines. Pero kung minamalas ka nga naman ano. Hindi ako matandaan ng inuwian ko. Damn.
Hinayaan ko siya. Lagi akong sumasama kay Toffer sa bahay nila para makita siya. Kahit hindi naman niya ako tinitignan. Her gaze is focused only in front of her.
Pagkatapos ng P. E. namin ay tumambay muna kami sa kainan sa harap. Doon sa may malamig na siomai.
Siniko ako ni Toffer sa tiyan. "Bat gusto mo dito, pre? Adik ka na ata sa malamig na siomai eh!"
Humalakhak ako. "Gago."
Pagkadating namin doon, masayang nag-uusap sina Arissa kasama ng mga kaibigan niya. Shit. I'm worse than a stalker.
Umupo na ako sa may kalayuan sa kanila. Parang tanga. He still hasn't seen his cousin.
Tinawag ko yung kumukuha ng order.
"Pinsan!" tawag ni Toffer pagkakita kay Arissa. I cursed my heart for beating too fast.
Pinanuod ko lang kung pano siya bumati pabalik. She smiles so bright when it comes to her closest friends and family. I wish one of them is directed to me. Asa pa ako.
Hindi man lang ako sinulyapan kahit saglit. Tss.
"Sa bahay ka na naman pagkatapos, Corbyn?"
Ngumisi ako. That's automatic.
"Umamin ka nga," agaw ni Toffer sa atensiyon ko habang kumakain. "Bading ka ba? Trip moko?"
Nabutakan ko siya ng 'di oras. Napalakas ang tawa namin. Sumulyap sa banda namin si Arissa at kumunot ang noo. She's irritated. But she still didn't look at me. See? Manahimik man ako o magsisisigaw, di niya parin ako mapansin.
Pinatahimik ko ang kaibigan ko sa pagtawa. Kahit sa gantong paraan man lang ay mapagbigyan ko siya.
"Hayaan mo si Avi. Masyado mong ini-spoil eh di ka naman pinapansin." Tawa na naman. Ulol neto. Para namang di to pinapansin ng gusto niyang kaibigan ni Arissa.
"Sabi ko kasi sayo ipakilala nalang kita ulit eh. Hindi yang hinihintay mo pang maalala ka niya. Corny mo, pre. Di mo bagay."
Sinapak ko na. Napakaingay. Baka marinig nila kami.
Ganon lagi ang gawain ko hanggang magdalaga siya. She's at 10th Grade and I already finished my bachelor's degree due to acceleration.
Noong gabing iyon, para akong naulol nang tignan niya ko pagkatapos ng ilang taon. I was too happy even if her eyes didn't show any recognition. Tsk.
I caught her attention because I'm getting all her family's attention. My baby's angry at me. At last, she recognizes my existence. Why the hell am I happy. Baliw na talaga ako.
She was crying when she remembered me. It was like the whole world was lifted from my shoulders. She chose to forget her childhood memories, including me. I couldn't blame her. Siguro mas mabuti na iyon. Para hindi siya masyadong malungkot. At hindi siya naghintay ng matagal.
The months with her were my happiest. Ang mali ko lang ay nakuntento ako sa kung ano ang meron samin. Hindi ko siya nabigyan ng label.
October when I had to go to America. Mom's at critical stage. I didn't want to share the burden with her so I left without a word. I begged her family to keep everything from her. I don't want her to worry.
Noong nakita ko siya sa Hospital, I thought she was one of my illusions or a dream. I was too relieved when I realized she's real. She's really in my arms. I felt at home.
BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
General FictionIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...