Chapter 17 - Plan

53 9 1
                                    

"Never force a person to choose you. If you matter to them, trust me, you won't ever come to the point wherein you get crazy thinking it's you they'd choose.

-Jamei

***

"Russ sige na," pilit ni Hovi. Inalog pa niya ng bonggang bongga yung balikat ni Russel.

"Hindi ako sure e."

"Darren, ikaw?" tanong naman ni Des.

"Sasabihin ko kay Mama."

"Steve..." Tanong ulit ni Des.

"Walang budget."

Nandito kami ngayon sa shed habang kumakain ng snacks. Maraming estudyante ang naglalakad sa tree park at dinig na dinig ang boses nila pero parang wala lang ang ingay nila kasi nakatuon ang atensiyon namin sa tatlo.

"Okay lang. Kaming anim na lang sanay naman kaming kami lang," pagdadrama ni Hovi.

Alam kong biro lang iyon pero may nasense akong konting katotohanan roon.

"Wag ganyan," sabi ni Russ. Ngumiti siya ng tipid.

"Joke lang. Di naman kayo mabiro," sabi ni Hovi.

"Hindi naman namin hawak ang buhay niyo. So kung anong desisyon niyo, we're out of it," I said. "Don't feel bad about it." I smiled at them. Kahit gusto kong sumama sila, hindi naman puwede na pilitin sila e. They have their own lives naman.

"Yeah. And sa December pa naman yun. We still have months to wait for your answer," sabi ni Verca. Saka ko lang napansin na nandito siya noong magsalita siya. Namamaga yung mata niya na hindi mapapansin kapag hindi pinagtuonan ng pansin tapos anlaki pa ng eyebags niya.

"Verca, did you cry?" I asked. She looked like she didn't know what to say.

"A-ah. Nanunod kasi ako ng Kdrama kagabi so yes, I cried."

"Oh." Liar. Pinalampas ko na lang kahit hindi ako naniniwala. Sagsag na yang mga 'Movie Marathon' at 'Nanuod ako kagabi' na yan. Bakit ko alam? Kasi ganyan rin ako magpalusot.

After that, napunta sa ibang topic ang usapan. Nakikipag-usap ako sa kanila pero ang peripheral vision ko ay pinapanuod ko si Verca. She seemed okay. Patawa-tawa pa nga e. Verca has always been like that, parang walang problema. Gusto ko man siyang kausapin ngunit hindi ko na siya inusisa hanggang tumunog na ang bell. Lalapit naman siguro siya pag hindi niya na kaya. Ngayon, bibigyan muna namin siya ng space para ayusin ang buhay niya.

Naghiwa-hiwalay na kami. Si Russ, Steve, at Verca ay pumasok na sa classroom nila dahil strikto yung susunod na teacher habang kami ay doon muna sa shed dahil wala pa naman si Mrs. Quinto, math teacher namin.

"December pa pala yung seminar," sabi ko.

"Talaga naman. Bakit, ano bang alam mo?"

"Akala ko this month na. OA niyo kasi kanina e."

"Nag-assume ka lang kasi," sabi ni Sha.

"Walang mag-aasume kong walang magpapa-assume," sagot ko.

"Whatever," sabi ko na lang para matapos ang usapan. "Do you think Verca is okay? She seems off these past few days."

"Baka mag pinagdadaanan," sabi ni Sha.

"Baka trip niya lang."

"Baka, aso, pusa, kambing..." biro ni Mads. Binatukan ko na.

"Minsan ka na nga lang magsalita, ang korni mo pa," poker-faced kong sabi pero natawa rin naman. Nakakatawa kasi yung pagka-waley niya eh.

"Guys! Andiyan na si Ma'am!"

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon