"If you won't do your best, who would?"
-Avi
***
"Sino yun?"
Oh damn. Here are my nosy friends.
"Avi! Who was that?"
"Your boyfriend?"
"What?!" Naloloka kong sagot. Pagkabigay ni Gray sa mga gamit ko at halos katatalikod pa lamang niya ay pinalibutan na ako ni Des, Hovi, Sha, at si Madsen na nangingiti lang. They're giving me weird faces.
"See? She really loses it all kapag sinasabi yung word na 'boyfriend'," natatawang sabi ni Hovi.
"Sinong may boyfriend?" Napatingin kaming lahat sa may pintuan kung saan galing si Verca.
"Si Avi," sagot ni Des.
"Shut up."
"Sino? Yung naghatid sa kanya?" tanong ni Verca pagkatapos ay tumingin sa akin ng nakakaloka. Her face is funny, all of theirs to be accurate. Then they 'yiiieeed'. Si Hovi itinaas baba ang kilay niya. Natawa na lang ako. Kasi nakakatawa naman talaga e.
"Uuuyyyy~!"
"Para kayong tanga."
"Avi, ikaw ha."
"Sino kasi yun?"
"He's 'NOTHING'."
"Ingat sa 'nothing' na yan. Tandaan, lahat ng 'something' ay dumaan sa 'nothing'," sabi ni Sha.
"Jingle participants please arrange yourselves now! Ipo-polish pa natin yung mga steps!" Natigil sila sa pangungulit sa akin dahil sa pag-announce ni Jay sa harap. Yes! I'm saved!
"Usap tayo mamaya Avi."
"Akala mo ha."
"Wag kami."
I just rolled my eyes then put my things on my chair. Nakaayos ang mga upuan na pabilog para magkaroon ng espasyo na sasayawan sa gitna. Nakaayos na rin ang amplifier na dinala ni Mica at nage-ensayong maggitara si Jamei. Yung mga hindi sasayaw ay busy na gumagawa ng backdrop sa labas. Nakita ko rin si Arvin na nagpipinta roon.
Lahat ay gumagalaw, may sariling pinagkakaabalahan. I took a moment to observe them. May nagsabi sa akin noon na kapag busy ang tao sa paligid mo ay umupo ka at pagmasdan mo sila. Mararamdaman mo raw ang paggaan ng mga dinadala mo habang tinitignan silang nakokonsimi habang ikaw ay papuchu-puchu lang na nakaupo sa may tabi.
Gusto ko mang gawin ay hindi puwede dahil nakakahiya naman. Kaya pumunta ako sa gitna kung saan nagsisimula na silang mag ensayo.
"Seryoso na kasi!"
"Mamaya na yung contest!"
"Hindi ganyan!"
"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7 and!"
Jamei started strumming the guitar and suddenly the amplifier was the only sound inside aside from the singers. Bale kaming mga sasayaw ay kakanta na rin.
We started singing "Flashlight" na inaba lang ang lyrics. If I am not mistaken, ito yung kakatanhain namin bago yung pang closing na song.
Sawang sawa na ba sa dami ng kutya
Ika'y sobrang payat o kaya'y mataba
Ito ang simula, ito ang simula, ito ang simula
Pinagtripan ka pa, tinutukso ka ba-
"Kulang ng emotions!"
"Dramahan niyo dancers!"
"Yung harmony niyo wag niyong kakalimutan!"
BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
General FictionIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...
