Chapter 13 - The Three Musketeers

81 11 4
                                    

Nauna kaming makarating sa McDo kesa sa tatlong lalake. Nagcommute kasi kami habang sila ay ginamit ang kanya kanyang motor.

We headed for the stairs. Hindi ko alam kung bakit automatic na sa taas kami kahit mas malamig naman sa baba. Perhaps we unconsciously want the view from the top.

Pinili namin yung pang sampuang table sa may gilid. When we were already seated, sakto namang pagdating nung tatlo.

Russel is a natural head-turner. Maangas kasing maglakad with his dark leather jacket. Pang-fuckboy ang dating. Si Darren yung may good boy na aura. Siya yung nakikita nating sakristan sa simbahan. Si Steven naman yung mahilig mang-asar at lapitin ng mga babae.

"Ang guwapo ni Russel," Hovea shrieked.

Hinampas siya ni Desteen tapos, "Mahiya ka nga."

Nung limang hakbang nalang ang pagitan namin sa kanila, Desteen cracked a joke. "Andito pala kayo guys. Oh my god! What a coincidence!"

Medyo naguluhan sina Russel pero pinatulan rin naman. "It's been a year!"

"Ang korni niyo!" mahinang sabi ni Madsen tsaka umiling.

Russel offered a high-five na sinundan ni Steven. Nagulat ako ng pati ako ay in-offer'an nila. Mas nagulat ako nang guluhin ni Darren ang buhok ko pati narin ang kanila. I smiled to hide the awkwardness.

"Puwede na kaming umupo?" tanong ni Steven

"Sige lang."

Nang makaupo na sila ay nagkaroon pa ng usapan at tawanan. Hindi kami masyadong nagsasalita ni Sharisse kasi hindi pa kami sanay sa presensiya nila.

"Sino mago-order?" pasimple kong tanong kay Des.

"Kapag kasama natin silang tatlo, don't you worry," bulong niya sa akin sabay thumbs up.

Ano daw? Parang diko naman gets? Bahala na nga. Pero hindi talaga ako mapakali. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi matahimik kapag hindi sigurado sa isang bagay. Yeah, sigurista ako.

Tumayo na silang tatlo. "Anong kakainin niyo?" tanong ni Darren sabay labas sa cellphone niya. Saka ko lang nakuha yung sinasabi ni Des nung sinabi yun ni Darren. They're nice.

Pagkatapos nilang ilista yung io-order ay bumaba na sila. It took a few minutes bago sila makabalik. Kanya-kanya na silang bitbit ng tray. Ang cute nila. Porma kung porma ang datingan tapos nagbibitbit ng tray ng pagkain. Chivalry is not dead, not yet.

"Ganito ba talaga sila?" mangha kong tanong. Si Sharisse din ay parang nahihiwagaan sa mga nangyayari. She has a brother kasi and he doesn't spoil her naman this way.

"Masasanay rin kayo. Ganyan sila ka-sweet," sabi ni Hovea.

Tumango-tango nalang ako. Binuksan ko na yung rice at binigyan na ako ni Russel ng kutsara at tinidor. Susubo na sana ako pero napatigil ako noong makita ko silang tatlo na nakapikit at medyo nakayuko. Were they praying?

Kumurap-kurap ako dahil sa gulat at pagkamangha. Wow! May mga ganito pa bang mga nilalang? To think that they're guys?! Dahil sa hiya ko ay binaba ko muna yung kutsara tapos nagdasal na rin.

"Kain na," sabi ni Steve pagkatapos ng ilang minutong dasal.

Iba ibang topic ang pinag-usapan namin habang kumakain. Siyempre hindi mawawala jan ang acads. Those stressful requirements na ginagawa kaming zombies.

"Ganyan ka ba talaga katahimik, Arissa?" tanong sa akin ni Russel.

"Hindi naman. Naninibago lang," sagot ko tapos ngumiti.

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon