Chapter 20 - Promise-breaker

67 11 3
                                    

"I'll be far away for a long time. But don't worry, I'll come back to you. "

- Hale

Wala namang nangyaring kakaiba matapos ang paggawa namin sa mga gadgets. Honestly, kapag wala yung mga lalaki na tumulong, hindi sana namin matatapos. Buti na lang talaga naisipang bumisita nila Russel at siyempre, alam niyo na.

Sa Linggo ay nagkulong ako sa kuwarto para magfocus naman sa mga inidividual requirements ko. Heto na yung sinasabi ko na masyadong nakatuon ang atensiyon sa academics kaya hindi ko na napapansin ang nangyayari sa paligid. Minsan, hindi na rin ako nakakapagsimba dahil dito. Pero madalas, procrastination ang dahilan. Talagang tinapos ko lahat sa Linggo dahil gusto ko kapag nakapasok na ako sa paaralan ay hindi ako mai-stress sa pagrarush.

Sa Monday, inihatid ako ni Corbyn sa school. Yung araw na yun, nalaman ko na kilala pala nila Mama talaga si Corbyn. Nag-offer pa siya na magtsaa muna siya habang nagbibihis ako sa taas. It means something because my mother is a person who is obsessed with meanings and labels. There's a meaning to everything she does. Katulad ng kapag mago-offer siya ng inumin, coffee means the person is not that welcome kasi yung palpitation na mararamdaman mo kapag iinom ka ng kape ay parang katumbas ng nerbiyos kapag kaharap mo siya. Or in short, you'll see her stubborn side. Pero kapag tsaa, it means you'll see her soft side and the same effect na mararamdaman mo kapag iinon ka ng tsaa, you'll feel relaxed kapag kaharap mo siya. So ayun nga, ako lang ata ang hindi nakakaalam na parte na pala siya ng buhay ko, indiretly.

 Sa Tuesday, ganon parin.

Ngayon, si Papa ang maghahatid sa akin. Automatic na napatakip ako ng ilong pagkapasok ko sa sasakyan niya. Paano ba naman, strawberry scented. Ang sama ng amoy, parang medicine syrup.

"Be thankful your mother is not here. Kung hindi makakarinig ka na naman ng sermon," natatawang sabi ni Papa. Well, nagkataon kasi na favorite ni Mama ang strawberry na siya namang pinaka-ayaw ko. Minsan kapag tatlo kami ay hindi niya alam ang gagawin sa aming dalawa. Pero siyempre patay na patay yan kay Mama eh di siya ang kinampihan. Korni nila.

"It's disgusting," nasusuka kong sabi.

"Hindi naman ganyan ang reaksiyon mo kapag kay Corbyn ka sumasabay ah," nagtatampo niyang sabi.

I looked at him sharply. "Did you pay someone to follow me, Pa?" 

Tinaas niya ang dalawang kamay pero tumatawa naman. "Kalma lang anak. Hindi ka ganun kaganda." Idol ko si Papa. In fact, he's my ideal man. Pinangako ko sa sarili ko na kung hindi rin lang naman kasing-ugali ni Papa ang ibibigay sa akin, kahit wala nang mag-aasawa. Alam kong mahirap akong makahanap ng kagaya ni Papa. He's almost perfect. Pero kapag inaasar niya ako ng ganito, I can't help but question myself, "is he really my ideal man?"

I growled. "Ang bastos mo Pa!"

Hindi na niya ako pinansin at nag-umpisa na siyang magmaneho.

"Biro lang. Eto naman. Of course you're the most beautiful girl in my eyes..." Sweet talaga ng tatay ko. "Next to your Mom." Joke lang pala. Harsh talaga siya. Pero at least next kay Mama. That's something already.

"Paano pala kayo nagkakilala ni Gr- I mean Corbyn, Pa? At bakit hindi ata ako aware na labas-masok siya sa bahay?"

"Ang studious mo kasi, Anak. You're always in your room. If I know, nagi-internet ka lang naman."

"Pa!" Tinignan ko siya ng masama. Ang sama-sama niya talaga sa akin.

"Hindi mo siguro namumukhaan pero kababata mo siya."

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon