Chapter 14 - Gray

72 11 0
                                        

Nabuksan ko na ang lahat ng dapat at puwedeng mabuksan. Nahalughog ko na ang lahat pero hindi ko parin mahanap yung pa-VIP kong nectie. Pawis na pawis na ako kaya nilakasan ko yung aircon. Where is that neck goddamn tie?

May isa pa akng pag-asa. Kung mayroon kang hindi mahanap, mayroong isang taong milagrong makakahanap. At kapag hindi na niya ito mahanap, ibig sabihin, hinding-hindi mo na ito makikita.

"Ma, nakita mo po ba yung necktie ko?" I asked loudly so she can hear it from downstairs.

"Ano yung Arissa?"

"Yung necktie para sa costume ko po!"

"Bumaba ka nga!"

I took heavy footsteps downstairs. Nung nasa gitna na ako ng hagdanan ay sinubukan ko ulit tanungin kay Mama para kung hindi man niya nakita ay hindi na ako magpapagod pa na bumaba.

"Ma yung necktie ng costume ko nakita mo ba?"

"Andito ako sa kusina."

Being left with no choice, pumunta ako sa kusina. Inabutan ko siyang nagluluto ng breakfast.

"Yung necktie Ma. Contest namin ngayon."

"Saan mo ba nilagay?"

"Hindi ko po maalala e."

"Tanungin mo kay Manang kung nasama sa nilabhan niya."

Ewan ko kay Mama. May balak ata siyang pagurin ako. Naabutan ko si Manang na naglilinis ng pool. Nakatayo siya sa Gray na tiles na parang border ng pool. Sa katunayan, may kakulay ito. Two dark gray orbs staring heavily at me.

I shook my head in disbelief.

I should be appreciating the view of our backyard and not waste my time in thinking nonsensical things. Matingkad ang kulay ng bermuda grass sa paligid ng pool na nagpapalitaw sa kulay ng tubig. Lumilitaw ang Gray- What the hell. Something is really wrong in my head.

Bago pa ako tuluyang mahul- matuksong lumangoy ay tinanong ko na si Manang. Dinetalye ko ang itsura noong necktie at sa wakas nagpakita na rin ang hampaslupang necktie na iyon.

Nagmamadali akong umakyat sa taas para mag-ayos ng mga dadalhin. Habang nag-aayos ay nagawa ko pang isingit ang pagtext kay Toffer para magpahatid na sa kanya. Hindi ko na aantayin si Papa dahil panigurado ay mali-late na ako sa first period.

Ako: I'm ready.

Toffer: Getting there.

Pagkabasa ko doon ay bumaba na ako sa sala para doon na lang antayin ang pinsan ko. After a few minutes na akala ko ay segundo lang ay may bumusina kaya lumabas na ako. Isang Gray na kotse ang nasa labas. I immediately opened the door to the shotgun seat.

"What took you so long cous- Wait." Napatigil ako sa pagsasalita nang may ma-realize ako. Toffer owns a black Mercedez and I entered in a gray Alfa Romeo. Toffer has a different car air-freshner. This one smells better. In fact, hindi sumakit ang ulo ko pagkapasok ko like I normally feel whenever I ride in his car. Is it possible that I rode in a wrong car? But it's moving. Kung nagkamali man ako ng kotseng pinasukan ay pinaalis sana ako ng may-ari.

My questions were answered when I slowly took a glance at the person seated on the driver's seat. A pair of gray orbs stared at me. His gaze was so deep and heavy and there is a hint of... is it anger?

Am I being kidnapped? Bloody hell! Dahil sa naiisip ay napatili ako. Biglang nagpreno ang taong iyon.

"What are you doing? Do you plan on getting us killed?" halata ang gulat sa mukha nito. Nang maka-recover na marahil ay pinaandar niya muli ang sasakyan at inihinto sa may gilid.

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon