"Next time you hold something heavy, put it down. The ground's free," masungit niyang sabi sa akin nang maisara ko na yung pintuan ng passenger seat.
Una akong pumasok sa likuran para magkakatabi sana kami nila Des at Sha pero tinignan ako ng masama ni Corbyn kaya wala akong choice kundi pumunta sa tabi niya. Ilan na kaya ang nakaupo rito? Hindi ako maniniwala na wala pa siyang naisakay sa sasakyan niya. He's gorgeous for Pete's sake!
"I didn't expect naman na matatagalan kaming kumuha ng sasakyan," palusot ko. Ngayon alam ko na kung bakit bongga yung kunot-noo niya kanina habang tinitignan yung kamay ko. Somehow, my heart fluttered, but I shrugged it away.
"You have cars, bakit ka pa magco-commute?" kunot-noong tanong niya. His eyes are directed to the road. "And I'm just a call away. Why didn't you call me?" Now, his eyes are on me. I opened my mouth to say something but closed it again because I got no words to say. His gaze is so magnetic, damn his eyes. No wonder, noong una ko siyang makita after a few years sa sala nila Tita Evelyn ay yung mata niya ang una kong napansin. Those eyes are imprinted in my mind but sadness covered it like a blanket and I can't help but forget it for a while.
Naputol ang tinginan namin noong marahan akong kinurot ni Desteen sa balikat.
"Ehem. Mamaya na yan," mapanuksong sabi niya. My face is all red. Buti at hindi maliwanag ang ilaw sa sasakyan. Inalis ko ang tingin sa kanya pero siya hindi pa, nararamdaman ko pa ang mabibigat niyang titig.
Hindi na muli akong tumingin though I can still feel his gaze on me pero hindi ko pinapansin, mahirap na baka mabangga pa kami. Itinuon ko na lamang ang tingin sa dashboard ng kotse.
"Can I meddle with your things here?" tanong ko habang tinitignan yung music player. Nakapatong sa dashboard ang kanyang cellphone.
"All yours," he said with that deep, cold voice. Shit. Okay, he means that I can do whatever I want with his things. Walang iba. Gusto kong magpatugtog pero bagong modelo itong sasakyan niya kaya hindi ko alam kong paano.
He reached for his phone and put it on my hand. Nagulat ako ng kaunti. "It's wireless," sabi niya.
"Okay."
Walang password yung phone. Bongga! Siya na yung mayaman. "Ay, walang password?" hindi sinasadyang usal ko. Napatakip ako ng bibig. Minsan talaga hindi ko mapigilan tong bunganga ko eh.
"Why? Is it necessary?" puno ng kuryosidad ang kanyang boses.
"Ang mundo ay isang malaking divisoria, mananakawan ka," I joked. Monotonous lang ang pagkasabi ko para may effect.
"Quiapo yun Avi tapos maaagawan ka hindi mananakawan ka." Panira talaga ng trip tong si Sharisse eh.
"Kanya-kanyang trip. May pader dito oh," sabi ko at gumuhit ng invisible na pader sa pagitan namin.
Matapos ang tawanan sa aming tatlo ay katahimikan muli ang maririnig. Oo, kaming tatlo lang. Hindi ata marunong tumawa yung isa diyan eh.
"Do it," sabi ni Corbyn. Huh? Ano daw?
"Do what?" nahihiwagahang tanong ko. I can now look him in the eye.
"Put a password on my phone."
"Bakit ako? Ikaw na oh," sabi ko at iniabot sa kanya ang phone.
"It's you who suggested it so you should do it." he said with conviction.
"Seriously?"
"When did I joke around, Arissa?"
"No. You don't joke around."
"Exactly."
"Eh di alam ko na yung password mo pag ganun? Ano pang sense na naglagay ka ng password pag meron namang may alam?" Hindi naman sa nang-aano ha. Siyempre yung puso ko lumulundag na pero kailangang magpabebe ng konti.
Tahimik pa rin siya. Hindi ko na sana papakialaman yung phone niya pero sayang pag nanakaw ano, hindi napupulot ang pera, kaya lalagyan ko na lang.
"Lagyan ko na rin ng Touch ID."
"Okay. Do whatever you want." he said with his lazy voice. Seryoso ba talaga to? Lol Avi yang pwet mo ngumingiti na!
Pumunta ako sa settings at nilagyan nga ng PIN ang kanyang ginintuang cellphone. Pagkatapos nun ay pumunta naman ako doon sa paglalagyan ng Touch ID. "Your thumb," sabi ko. Ipinalit niya ang kaliwang kamay sa manibela at inilagay ang daliri sa home button.
"Register also your fingerprint," seryosong sabi niya.
"What?"
"I'm serious. You already know my PIN, walang mawawala sa akin, if ever."
My heart's having a marathon on its own. May point naman siya. Totoo naman na walang mawawala sa kanya kapag niregister ko yung fingerprint kasi alam ko na ang PIN. Shit malamig naman sa sasakyan pero bakit ako pinagpapawisan?
I was silent all throughout the drive. Mahirap gumalaw pag guwapo ang katabi. In-enjoy ko na lamang ang awitin na pinili ko kanina.
***
Napagdesisyunan namin na matulog sa sahig. Ang kulit nila eh, gusto magkakatabi raw kami. Since hindi kami kasya sa kama ko ay sa sahig nalang tutal naman daw hindi malamig kasi carpeted daw. Si Hovi talaga iba mag-isip eh.
Nagpakuha ako ng foam sa ibaba para hindi masakit sa likod. Nalakahiya naman sa kanila, baka sabihin kinakawawa ko.
Si Madsen ay inaaayos ang mga kakainin namin mamayang madaling araw. Si Verca at Sha ay pumipili ng mga papanoorin namin. "Fifty Shades of Grey, gusto niyo?" tanong ni Verca. Minsan talaga may pagkaloka loka rin to eh.
"SPG! Inosente pa po ako," si Sharisse na ang pumigil bago ko pa mahagisan ng unan si Verca.
Magpapasalamat na sana ako kay Sharisse pero buti na lang hindi ko pa nasabi. "Ay hindi na pala. Nabawasan na ang kainosentehan ko sahil sa kotse kanina," sabi niya at nakipag high-five kay Desteen. These people, really. Hindi naman SPG yun, pwe.
"Can I meddle with your things here?" Des imitated my voice. Gosh, really?!
Sharisse faked a cough and cleared her throat. "All yours," panggagaya niya kay Corbyn. Pinababa niya pa yung boses niya eh hindi naman niya bagay kaya ayun, napuno ng tawanan ang kwarto ko.
"Avi, ikaw ha," sinundot ako ni Hovi sa tagiliran at tumingin sa akin ng nakakaloka. Ang weird talaga ng mga mukha nila pag ganitong mga bagay ang pinag-uusapan.
"Maka 'Avi, ikaw ha' naman tong si Hovi eh kanina nga halos matunaw na kami dahil sa mga titigan niyo ni Toffer kanina. Pwe," naeeskandalong sabi naman ni Verca.
My eyes widened. Oh my God! "Hovea anong kaanohan ito?!" Bakit hindi ko napansin na may nilalandi na pala si Toffer sa mga kaibigan ko? Ibang klase.
"Hala sila. Wala iyon guys. 'Tong mga to talaga, malisyosa," palusot niya pero yung mukha namumula. Huli ka balbon!
"Anlalandi ng mga to oh. Abutan niyo muna tong height ko bago kayo lumandi! Jusko nai-stress ang matress ko sa inyo! Mahiya naman kayo sa height ko!" eksaherada talaga si Sharisse. Porket matangkad na siya.
"Hovea Flores magkuwento ka!" sigaw ko saka binato siya ng unan.
Sa umpisa ay ayaw pa talaga niyang magkuwento pero nang kalaunan ay hindi na niya kinaya ang kapangyarihan naming lima.
"Kinuha ko yung number niya kay Avi."
"Ibang klase ka talaga!" naloloka kong sabi.
"Para-paraan lang yan."
"Uwi na tayo guys. May nanalo na," sabi ni Sharisse.
"Wala paring tatalo kay Avi." sa akin naman ipinasa ni Hovi ang spotlight. Kainis to. "Kuwento, dali!"
"Anong ikukuwento ko?"
"Sus."
"Ang masasabi ko lang... Walang forever."
***
Hiiiiii. Don't forget to vote!! 😊
BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
Genel KurguIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...
