Chapter 9 - Hot

101 11 6
                                    

"Pumayag na si Ma'am Recadio na mag-practice tayo. Bilis mag-umpisa na tayo." Jeremiah announced after the bell rang.

Kanya-kanyang bitbit kami ng upuan at inayos namin ng sa ganoon ay magkaroon ng espasyo sa gitna. Medyo tinatamad pa akong gumalaw kasi kakatapos lang naming mag-lunch.

"Yung mga sasali guys, kung puwede lang umupo muna kayo sa floor." pakiusap ni Jeremiah

"Sure Pres." biro namin saka nag-indian sit sa baba

"Asan si Jay?" tanong ko at saka nilibot ang tingin sa buong classroom. Napakunot-noo ako nang mapagtantong wala pa siya.

"May nabuo na bang choreo?" tanong ko

"Wala pa." sagot ni Jeremiah

"Eh kanta?" si Joan naman ang nagtanong. Litaw ang malulusog na pisngi niya at kapansin-pansin rin ang masungit niyang hitsura.

"Mayroon na atang na-compose na isa si Tony." I informed them para hindi nila masabi na walang ginagawa ang Music group kung saan ako kabilang.

"Yung choreo hindi pa naman mafa-finalize kasi wala pa namang mga kanta." si Hovea ang magsalita para sa kanyang grupo, ang Choreo Group.

"Hello guys!" masiglang bati ni Jay. Magkaibang kulay na tela ang nakabalot sa kanyang katawan at ang leather niyang sapatos ay napalitan ng 4 inches na stilettos na kulay itim.

"Anjan ka na pala, umpisa na tayo." yaya ko kay Jay. "I suggest magkakasama na muna yung magkakagrupo."

Walang sumagot pero binuhat nila ang kanilang upuan at bumuo ng kani-kanyang bilog. Bilang tugon ay bumuo rin kami ng amin. Kumpleto na kami sa Music group pero narito si Jay, bumabanat ng mga jokes na nakakatawa sana pero nasa seryoso kaming sitwasyon kaya nakakainis.

I noticed the sharp glances and roll eyes of the Choreo group towards Jay. Yung iba napipikon na sa inaasal ni Jay, pero I guess they're just trying not to burst out para walang gulo. I noticed how Jamei used her middle finger to put her glasses into place.

"Jay, tawag ka na sa kabila." mahinahon kong sinabi

Sumulyap siya sa kanyang grupo tapos ibinalik ang tingin sa akin bago nagmartsa papunta sa Choreo group.

***

Mabilis na lumipas ang oras. May dalawang kanta ng na-compose pero hindi parin nakakabuo ng steps yung mga nasa Choreo. Bale nakaayos na ang mga upuan sa dating ayos.

Dahil nabuboryo na ako ay tumingin ako sa orasan sa likuran ng classroom. Ang una kong napansin ay ang pagkalalaki-laking mukha ng Gobernador namin. Parang mas naging picture frame pa iyong orasan kesa sa totoong silbi nito.

"4:45 na." I informed my friends and then I yawned. Sumulyap ako kay Sharisse na nasa kanang banda ko na humihikab rin. Napatingin siya sa akin at nang mapansin naming parehas kaming humihikab ay napigil ito dahil sa tawa.

"Hoy, maingay." Sabi ni Desteen sa kaliwa ko. Hindi ko makita yung mukha niya dahil nakalugay ang mahaba niyang buhok.

Si Hovea na naglalaro ng Mine Craft ay nasa kaliwa ni Desteen at si Madsen na naglalaro ng 1010 (Yung parang tetris na ewan) ay sa kanan naman ni Sharisse.

"Siomai tayo." deklara ko. Umoo naman silang apat. "Yayain nalang natin si Verca mamaya pagka nagbell na."

Sakto namang pagtunog nito. "Tara," yaya ni Desteen

"Ako na ang susundo kay Verca," boluntaryo ni Sharisse

***

Binagalan namin ang paglalakad patungo sa harap dahil panigurado ay mauuwi kami sa siksikan kapag nagmadali kami.

"Ilan ang nakuha mo sa BASIC Electronics kanina, Verca?" tanong ni Sharisse, emphasizing the word 'basic'.

"Vacant namin kanina. Baka bukas pa sa amin."

Sa wakas ay malapit na kami sa gate. Nagpapalabas sila ngayon sa Southern gate.

"Wow, himala bukas ang Southern Gate." sarkastikong sambit ni Sharisse

Nagmadali na kaming maglakad hanggang matanaw na namin ang food court sa tapat mismo ng gate. Tumawid na kami sa kalsada. Pagkarating sa kainan ay kami na mismo ang nagbukas ng pintuan.

Pinili namin ang pahabang lamesa sa pinakagilid. Pagkaupo ay kinuha na ang order namin.

"Ang init." reklamo ko

"Sorry Avi." sabay na sabi ni Veronica at Desteen. I gave them an ARE-YOU-SERIOUS-LOOK.

"Verca, Des, magkakaibigan tayo at alam kong concerned kayo sa akin pero huwag niyo namang akuhin ang kasalanan ko." sabi naman ni Hovea

Nagkatinginan kami ni Sharisse at tumingin sa kanila na parang nandidiri. "Feeling/Ambisyosa!" sigaw namin.

***
AN:

May joke ako. Avi.
AAAAVVVII YOUR CRYING SHOULDEERR

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon