Chapter 47 - It's Just a Drill

28 2 32
                                    

Kinalat ko sa lamesa ang mga papel. Nagsimula na akong kabahan. Kanina ko pa napansin na nawawala yung listahan ng mga companies na pwedeng i-observe. Kakaunti lang ang companies na pumayag na magpapasok ng observers at hindi ko pa nakikita yung nga pangalan ng companies kaya dapat lang talaga na kabahan na ako ngayon kung naiwala ko man iyon. It's the last straw before we graduate.

Hindi ko kasi nabibigyan ng pansin kasi marami pa akong ginagawa aside from that. I saw to it na lahat kaming lima ay may gagawin. May ginagawa naman ang mga groupmates ko pero ako ang may pinakamarami dahil ako yung leader.

Lilima lang kami kasi pinagsama-sama ang mga magkakalapit ang city. The purpose is to observe the business world in our own city. Kaya for a month before kami grumaduate ay kailangan namin mag-stay sa probinsiya bago bumalik sa Maynila para magreport.

"Avi? Are you okay? Kanina ka pa jan. Is something missing?" tanong ng groupmate kong si Veneza. Nilaro niya ang ballpen sa ibabaw ng lamesa habang ang mata'y puno ng pagtatanong.

"Yung listahan kasi ng companies, nawawala. Nakaligtaan kong itago kasi hindi ko pa natatapos yung iba," paliwanag ko.

Naghalughog siya sa mga papel sa carpet. "It's here. Nakita ko kanina and I saw my cousin's company kaya kinuha ko. Did I make you worry?" concerned na tanong niya. Maganda si Veneza. Halata rin sa hitsura at kilos na mayaman siya. She's oozing with elegance. And she's super nice to me. She's been my classmate since first year college but it's only now that we got the chance to be groupmates.

"No, it's fine. Ang mahalaga hindi nawala," ngumiti ako ng tipid.

"Girl, you look stressed. Ako na ang bahala sa company na io-observe natin. I'll talk to my cousin later since we will be having lunch together. Ang terror pa naman ng prof natin dito," sabi niya.

Parang isang sako ng bigas ang nawala sa mga balikat ko noong narinig ko yun. Isa kasi to sa pinaka nagbibigay ng stress sakin eh. "Talaga? Oh my God, thank you Veneza!" Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya.

Noong bumitaw ako ay kitang kita ko ang gulat at pagkamangha sa mga mata niya, which I found weird.

"Wow, you look prettier when you smile," namamangha parin siya.

I chuckled. Akala ko naman kung ano. "Hay nako, mas maganda ako kapag nakatalikod," biro ko.

She stared at me for a few seconds then she laughed. "I didn't know you had this side. I mean, lagi ka noong seryoso to the point na nakakaintimidate. Guess we really can't know a person fully unless we talk to them," tumatango-tango siya habang sinasabi yun.

I excused myself when I felt my phone vibrating. "Excuse me, Veneza ha? I'll just answer this call."

Arvin Calling...

Agad ko yung sinagot.

"Momma Vi!"

Napangiti ako sa bumungad na boses sakin. She's so cute. Pero napakunot-noo ako dahil narinig ko ang mga hikbi niya. "Are you crying, baby? What's wrong?"

"Daddy said I can't come with you," sumbong niya tsaka umiyak ulit. "Hiraeth, I told you, you can't come. It's not like we're gonna play in the amusement park. You're just die of boredom there, baby," sabi ni Arvin sa anak. Parang kailan lang noong hindi niya pa kayang tignan si Hiraeth, ngayon parang hindi na sila mapaghiwalay.

"Hira, baby, listen to me, okay?" Tumahimik siya sa kabilang linya. I can imagine her nodding her head. "This is what you should do. Hold your Dad's hand and kiss him in the cheek. Let's see what happens," I instructed. Mahina si Arvin sa anak niya lalo na pag naglalambing.

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon