Chapter 24

51 9 15
                                    

Normal na kay Hovea ang magkaroon ng sobrang taas na energy level pero iba ngayon. Yung energy niya linampasan yung height ni Sharisse dahil sa sobrang taas.

Ganyan yan kapag may kaaway. Nagiging energetic para ipakita sa kaaway niya na okay siya kahit hindi sila okay ay kaya niyang maging masaya, which is not proper kasi lahat naman nadadaan sa usapan.

If I were her, I would confront Toffer. Pero siyempre iba na kapag nasa mismong sitwasyon ka na. Lalo kapag linamon ka na ng galit, hindi mo na maiisip kung ano ang tama at mali.

We're on our way to the camp site. The heat of the sun stings. Ginawa kong panangga sa init ang panyo ko na hindi naman nakabawas sa init na nararamdaman ko.

"May joke ako," Hovi said energetically.

"Tama na yan. Kanina ka pa ha," I tried to stop her pero as if hindi niya itutuloy yan.

"Kapag yan waley, iiwan ka namin rito," said Sha.

"Papatayin kayo ni Toffer," I said while laughing.

Natigil ako sa pagtawa nang may kumurot sa kamay ko. "Aray ko naman Hovea Andrea inaano ba kita?!"

"Don't say bad words," she replied. Pabebe tong isang tao. Tas yung pinsan ko naman, may pagka-pabebe rin. Ewan ko, ang sarap nilang pag-untugin.

"So eto na. May tatlong butiki sa may dingding. Nagtumnbling yung isa, ilan ang natira?"

"Dalawa," nabuboryong sagot ni Sha.

"Hindi," sabi ni Hovi. She's smiling weirdly.

"Aba teka. Hinahamon ako sa Math netong si Hovi eh," sabi ni Sha, inayos pa niya ang damit at pinatunog ang mga daliri. "Alam kong hindi ako magaling sa Math ha. Minsan pati 5 plus 3 ini-enter ko sa calculator kapag statistics ang pinag-uusapan pero yang 3 minus 1... grabe naman yan Hovi. Nakakababa ng pagkatao na yan ha."

Nakakatuwa talaga si Sha minsan eh.

"Ang tamang sagot ay..."

"Ayusin mo Hovea ha."

"Wala."

"Wala? Bakit? Kasi imagination lang namin ganon?" panghuhula ko.

"Nice try Avi but no. Walang natira kasi noong nagtumbling yung isa, pumalakpak yung dalawa kaya boom hulog!"

Katahimikan.

"Isa pa," sabi ni Desteen. "Isa pa talaga. Makakatikim ka na sakin."

Makalipas ang ilang oras, yung kaninang puro buildings at electrical wirings ang nakikita, ngayon ay puro puno at bundok na.

I closed my eyes and welcome the fresh air in my lungs. I've always dreamed of having a cabin in the woods and forget the whole world. Gusto ko rin naman ang malaking bahay pero minsan talaga mas gugustuhin ko na lang na mamuhay ng simple sa bundok.

Ang ganda ng tanawin. Puro berde at walang nagsitaasang mga gusali at electrical wirings na sumisira sa kagandahan ng langit.

Matapos ang ilang sandali, narating na namin ang campsite. Inabutan namin ang mga kasama na bumababa isa-isa sa may truck habang ang iba ay nagbababa na ng mga bagahe.

Marami nang campers ang naroon noong dumating kami. Yung iba nga naka-ayos na.

Naglakad kami palapit sa truck at nag-umpisang magbaba ng mga gamit. Pero bawat hawakan ko ay inaagaw sa akin ni Corbyn at pinapalitan ng walang kuwentang bagay. Maya't maya ay papalitan niya ito ng unan, tapos ipapahawak sa akin yung phone niya.

"Your skin's reddish. Doesn't it hurt?" he asked, gently. Kinakausap niya ako habang nagbababa ng mga gamit.

"It stings a bit. But it's fine," sagot ko at ngumiti.

"I heard you're used to stuff like this."

"Yeah. Sinanay ako ni Mama."

Tumango-tango siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Sinenyasahan ko si Mads at nagbilin. "Mads, maghanap na kayo ng magandang puwesto. Kami na bahala rito," sabi ko. Tumango naman siya at niyaya si Sha. "Kunin niyo na yung tent tapos i-fix niyo."

Matapos naming maibaba lahat ay nag-umpisa na kaming magbuhat patungo sa puwesto na napili nila Mads. Malayo roon ang kinalalagyan namin at babalik pa kami ulit dahil sa dami ng gamit na dala.

"Carry the bags. Kami na ni Toffer ang bahala sa mga mabibigat," he said.

"A'ryt."

"Gago talaga yun. Ibigay ba naman sakin yung mabibigat!" nagmomonologue si Hovi malapit sa amin. Sa harap niya ay si Toffer. Ansama ng tingin ni Hovi sa kanya.

***

"Puwede bang matulog na?" tanong ni Sha at ibinagsak ang katawan sa tent. Tapos na naming mai-ayos ang mga gadgets. Hindi namin pinayagan na tumulong sa pag-aayos at paghuhukay ang dalawang lalaki dahil alam naming bawal ang tumulong. Buti nga pinayagan silang maghatid ng mga gamit eh.

Ang sakit na ng likod ko. Namamanhid na rin ang kamay ko dahil sa paghuhukay kanina. "Masakit ba? I shouldn't have let you do the work," seryoso niyang sabi at nakatingin siya sa baba na parang may inaanalisang kaso.

"Baliw, ganon talaga dito." Ang lagkit na ng pakiramdam ko at punong puno ng pawis ang mukha ko pero hindi ko naman magawang punasan dahil madumi ang kamay ko. Nakapaghugas na silang lima maliban sa akin. Ayoko ngang mapasma.

Naiirita ako sa buhok na napunta sa mukha ko. I tried to put them into place without using my fingers but before I can do it, someone else's hand put it behind my ears and a wipe a handkerchief gently over my face. Shit. I heard gasps in the background.

I stared at his eyes while he fixed my face. They're so beautiful. I think I'm in love... with his eyes.

Noong matapos niyang punasan ang mukha ko, akala ko bibitawan na niya ito pero nanatili ang kanyang kanang kamay roon. His thumb resting gently on my cheeckbone and the other fingers on my neck.

"When we come here to fetch you after four days, I wanna see you unscathed," he said and I just nodded casually like there's no abnormal event happening in my circulatory system.

When he withdrew his hand from my face, I felt the urge to put it back in place. It felt like his hand is meant to stay there.

Bago pa ako makagawa ng ikasisira ng dangal ko bilang babae ay inilipat ko na ang tingin sa mga kasama. Pinapanood ni Toffer si Hovi mula sa malayo na himalang nananahimik. Di pa kasi lapitan eh, duwag. As if narinig niya yung inisip ko, lumapit siya sa kanya at nag-squat hanggang magka-level yung mukha nila. Para-paraan.

Maingat na kinuha ni Toffer yung dalawang kamay ni Hovi at pinagmasdan. Noong una ay pabebe pa siya at may alam pang makipag-agawan ng kamay pero bigla nalang nagtubig yung mata niya. "Oh sayo na yang kamay ko! Bwiset."

"Akin naman talaga." Pakshet gumaganon na si Toffer ngayon? Si Hovi namumula at hindi makatingin dun sa isa.

"Shut up. Walang forever."

"Wala naman talaga." Katahimikan. "Kaya nga gagawa tayo diba?" That shut her up. Mas dumoble pa yung pamumula niya.

Nangingiti si Toffer habang minamasahe yung kamay ni Hovi. Maya-maya pa ay hinalikan niya ito. "I'm sorry, baby."

Parang estatwa na yung itsura ni Hovi ngayon. Hindi ko alam kung ano yung rason, kung yung halik ba sa kamay niya o yung pagtawag sa kanya ng 'baby' or both.

"Ang korni niyo! Umuwi na nga kayo!" sigaw ko.

Then, a familiar hand slid around me and it stayed on my waist. I stopped breathing. "See you soon," he said in my ear. Then he let me go, breathless.

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon