Chapter 28

48 9 17
                                    

"Ang tagal nila ha," reklamo ni Sharisse. "Ang mga magaganda hindi dapat pinaghihintay."

"True," suporta ni Desteen.

It's been two hours mula noong nag-text si Corbyn pero hanggang ngayon ay wala pa sila. Naka-ligo na kami at nakaluto at nandito na rin kami sa waiting area. Marami na ang dumating na mga bisita at lahat sila ay kailangang pumirma sa logbook.

Hindi nga pala makakapunta ang three musketeers dahil may activity raw sa school.

Kanina pa ako nakatingin sa gate, baka sakaling may makita akong pamilyar na sasakyan pero iba naman ang mga dumadating.

Napatayo ako sa kinauupuan noong makita ko yung kotse ni Toffer. "They're here."

Unang bumaba si Corbyn. I heard gasps from the campers. Again, there's the weird feeling na gusto ko siyang itago sa bulsa ko. Inilibot niya ang mata sa kinaroroonan namin at madali naman niya akong nakita. When our eyes met, I felt the 'something' in my stomach.

Maya't maya ay bumaba na si Toffer and there's another 'deep breaths' from the crowd. Naputol lamang yung tinginan namin noong kalabitin siya ni Toffer at ituro yung pintuan sa likod. I wonder what's in there. Baka pagkain.

I stopped guessing kung ano ang naroon noong inuluwa ng pintuan si Sav. Para siyang tarsier na kumapit sa binti ni Corbyn. He looks cute though. I saw Corbyn pat him in the arm and talk to him pero umiling lang si Sav. Huminga ng malalim si Corbyn at noong magsimula siyang maglakad ay bumitaw rin si Sav pero sa kamay naman ni Corbyn siya kumapit. Mayroon kasing crowd anxiety si Sav kaya madalas ganyan siya lalo na kapag hindi niya kilala ang nakikita niya.

"Who's the kid?" tanong ni Verca pero hindi nag-sink in sa akin yung tanong niya. I'm so immersed at the sight.

Hawak ni Toffer ang tatlong boxes ng pizza sa kaliwang kamay at dalawang grocery bag sa kanan. Noong papalapit na silang tatli ay mas natakot ata si Sav kaya hinila niya yung shirt ni Corbyn at nagpabuhat. Hindi na ako magtataka na close sila kasi lahat naman ata ng family members ko eh kilala si Corbyn.

When he carried Sav, something in my heart halted. They're so adorable. Like a father carrying his child. Except that, ang bata ni Corbyn na magka-anak. Sav burried his face on Corbyn's chest. Bale yung kaliwang kamay niya lang ang sumusuporta sa bigat ni Sav.

Kay Hovi dumiretso si Toffer. Malalandi. Sa banda ko naman dinala ni Corbyn si Sav. Ang bigat ng titig niya, hindi kinakaya ng puso ko kaya inilipat ko ang tingin kay Sav. He's still hiding on Corbyn's chest. "Baby," malambing na tawag ko. Pero ayaw niyang lumingon. Sa peripheral view ay kita ko na nakanganga yung apat.

Corbyn whispered something to Sav's ear that made him look around. When he saw me, his eyes twinkled but he's not raising his arms like he does kapag nakikita niya ako. Marahil ay nahihiya pa rin. Ibinaon niyang muli ang mukha sa dibdib ni Corbyn.

Hinayaan ko nalang. Pinag-sign muna namin sila sa logbook bago pumanta sa camp grounds. Nahirapan pa si Corbyn na pumirma dahil para talagang tarsier tong si Sav.

Noong makarating kami sa tent namin ay ayaw paring bumaba ni Sav. Jusko ang kulit.

Ako na mismo ang lumapit at sumuyo sa kanya. Pabebe rin e. "Come here baby," mas malambing ang boses ko. Nakaabot na rin ang kamay ko, ready na para buhatin siya. Hinawakan niya iyong kanan at magpapabuhat na sana pero napatingin siya sa likod ko na kinaroroonan ng apat kaya bumalik siya sa pinagtataguan niya. Pero ang problema ay hindi niya binitawan yung kamay ko. Ang ending, nakapatong ito sa dibdib ni Corbyn. Nagsitaasan na ata lahat ng dugo ko sa katawan.

I saw the corner of his mouth turn upwards. But it faded so fast I'm sure ako lang ang nakapansin. Bumalik sa akin ang tingin niya. Bat ganito siya? My god hindi nakakabuti sa kalusugan.

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon