Chapter 25

62 9 7
                                    

I'm trying not to think too much of what had happened but the more I push it to the corners of my mind, the more the images come to focus.

Pakiramdam ko para na akong tanga dahil maya't-maya ay tatampalin ko ang noo ko sabay sampal sa sariling mukha.

"Ayan, tignan niyo ang mukha ng mga nahulog na sa bangin." Napatingin ako kay Verca na tinuturo kaming pareho ni Hovea. Bale magkatabi kami dahil lumapit siya kanina para hampas-hampasin ako. Noong kumalma na siya ay pareho na kaming nalunod sa sari-sariling isipan.

"May pagkakapareho nga sila," suporta ni Sha kay Verca. Si Madsen ay tumango rin.

"Hindi kaaya-aya diba? Para silang sinaniban ng masamang ispiritu." Siniko niya ang dalawa. "Kapag nahulog na rin kayo, ganyan ang magiging itsura niyo. Kaya ngayon palang... naku sinasabi ko sa inyo."

"Tunog matanda!" sabi ni Hovi tsaka tumawa. Nakitawa na rin ako.

"Girls, puwede nang kumuha ng lulutuin niyong pananghalian ang inyong Grub Leader. Pagkatapos niyong kumain ay magsisimula na ang Opening Program."

"Mads, tinatawag ka na," sabi ko. 

Agad naman siyang kumuha ng lalagyan ng pagkain. "Gumawa na kayo ng apoy," paalala niya.

"Opo," sagot ko. Mabibigat ang hakbang niyang nagtungo sa headquarters kung saan kukunin ang pagkain. Malayo rin iyon. At dahil nasa bundok kami, pataas pababa ang daanan papunta roon.

"Avi pakitignan sa harap kung sino ang naka-assign na magluluto at magsasaing ngayon," pakiusap ni Des.

Sumunod naman ako. "Food: Madsen at Sharisse. Water: Desteen at ako. Grounds Verca at Hovi."

Nag-umpisa nang magsindi si Mads habang si Sha ay kumuha ng pagsasaingan ng kanin. "Ay wala pa palang tubig," sabi niya sabay buhat sa timba. Kinuha ko iyon at kinuha rin ni Desteen ang ibang timba. Bale tig-dalawa kami ng bubuhatin. Ang pagkukunan namin ng tubig ay doon sa baba ng headquarters. Sa baba ng headquarters ay mayroon ulit hagdanan pababa na kinalalagyan ng tree park. Kita roon ang Banaoang Bridge o kilala bilang Elpidio Quirino Bridge.

Noong makarating kami doon ay mahaba na ang pila sa bawat gripo. "Girls, mamayang gabi may ilalagay na drum ng tubig doon sa pinakadulo. Doon na kayo kumuha para hindi masyadong malayo."

"Opo, Tita," sagot ng ilan. May mga ilan na piniling hindi sumagot at isa ako roon.

Inabot kami ng limang minuto sa paghihintay. Medyo malaki ang dinala naming timba kaya maya't maya ay titigil kami tsaka ibababa pagkatapos ay mag-iinat dahil masakit sa likod.

"Pagkatapos neto, puwede na akong pumasok bilang katulong," hinihingal na sabi ni Des.

"O di kaya magbenta ng taho. Parang ganito kasi yung buhat-buhat nong mga nagtataho eh," I suggested.

"Korni mo friend. Shut up na lang."

Nasabi ko na ba kanina na mabigat at nasabi ko na rin ba na malayo ang lalakarin? Kasi nakakapagod talaga kaya pagkarating namin sa tent ay para kaming tumakbo ng ilang kilometro.

"Hitsura niyo?" wika ni Sha sabay tawa.

"I'm gonna die," hinihingal kong sinabi.

"Wala pang bigas na nasaing. Bilisan niyo jan," natatawa ring saad ni Mads.

Kahit malapit nang bumigay ang katawan ko ay huminga ako ng malalim tsaka ibinuhos ang dalawang timba sa may drum.

***

Nasubukan ko na noong mag-camp pero hindi ko na maalala na nakakapagod pala talaga. Kaninang Opening Program, hindi mawawala yung kakanta ng "We are the girl scouts..." at siyempre naibabad kami sa init ng mga dalawang oras.

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon