Halos tumigil ang mundo namin nang makasalubong namin ang isang asul na kotse. Nakatingin lang kami sa may kotse, naghihintay kung ano ang mangyayari. Time seemed to stop. Nang magising ako mula sa pagkatulala, napasigaw ako.
"Guys, tabi!" I was about to turn to the right side when I noticed them turning to the left.
The car beeped. Yung mahabang busina. Halos mabingi ako sa sobrang lakas. Napasapol ako sa aking noo dahil sa kahihiyan. Ngunit bukod sa kahihiyan ay naroon ang takot. We almost died! If we were late for a few seconds, we would have been corpses by now.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Desteen was covering her eyes. Sharisse was still clutching her heart, she was pale. Si Hovea naman pinapakalma si Madsen at Veronica. Niyaya ko na sila sa kay Manong Jun at tahimik naman silang sumunod.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Mang Jun
"Muntik na kaming mabangga ng kotse," tahimik na sagot ni Veronica.
"Ingat-ingat din minsan kasi, Bes," pagpapaalala niya. "Saan pala kayo?"
Yung kaninang tahimik na atmosphere ay napalitan ng maingay nang sabay-sabay naming isigaw ang, "MCDO!"
I saw their faces relax. Para silang napaloob sa isang mahika at ngayon lamang nakaalis roon.
Nag-unahan kami para sa tricycle. Apat lang ang kasya ngunit dahil gusto naming magkakasama ay anim na ang sakay nito. Iba pala talaga ang nagagawa ng determinasyon. Ang akala mo imposibleng bagay, posible pala basta determinado ka lang.
Nang nakapuwesto na si Hovea at Veronica sa loob ay ako na ang nagboluntaryong umupo sa stall. Sa likod si Madsen. Si Sharisse ay nasa pagitan ni Hovi at Verca habang si Desteen ay nasa pinakapaborito niyang puwesto, ang tinawag naming Floor.
Nagpatugtog si Hovi ng kanta ng bandang paborito namin. Noong una ay hindi kami mahilig ni Sharisse sa mga hilig nila pero kung may natutuhan man ako, yun ay yung sabayan mo ang barkada mo.
Listen to their favorite songs, read their favorite books, get to live their lives, in that way, you understand. Dahil kapag hindi, magigising ka na lang, ang layo na pala nila sayo.
Biglang naging music video ang atmosphere. Nang mapagod ay si Desteen ang pinagdiskitahan.
"Pst!" tawag namin sa lahat ng madadaanan at ang huli ay si Desteen and makikita nung tatawagin dahil siya ang unang makikita kapag lumingon yung tao.
Pagkalampas namin may Hollywood Building ay mayroonv traffic jam kaya nakahinto ang sasakyan.
Sa may crossing doon sa junk shop na katapat ng HB ay mayroong pulubi na nakatayo sa may poste. Nag-pst si Hovea at nakita kami noong pulubi. Unti-unti itong lumapit at tila isang baliw na nakatingin kay Desteen. Isiniksik ni Desteen and sarili ngunit dahil siksikan kami ay wala siyang aatrasan.
"Putragis, Mang Jun patakbuhin mo! Dali!" tili ni Desteen.
Napuno na ng tawanan ang tricycle. Ngayon lang ulit kami magkakasama. Noong bakasyon ay hindi naman kami lumabas dahil may kanya-kanyang buhay naman sila.
***
"Sino ang mag-oorder?" tanong ni Veronica. Pinili namin ang pang animang table sa second floor ng Mcdo. Sa may kaliwa ko ay ang glass window at kitang kita doon ang Cathedral. May nakita akong iilang nagsipasok sa simbahan. Karamihan ay matatanda.
Naglabasan and mga kasama ko ng pera at puno ngayon ng tig iisang daan ang lamesa namin. Walang may balak tumayo kaya niyaya ko si Desteen.
Sobrang haba ng pila. I heaved a sigh. Bakit ba kasi dito lahat ang destinasyon ng mga estudyante? Bakit nga ba? Hindi ko rin alam eh. Marami namang pwedeng kainan pero dito rin kami madalas kumain. Hindi ko ma-explain pero mayroong something sa McDo na hindi mo matatanggihan. Pumila na kami.
"May kasama ka na sa Investigatory Project?" tanong ko
"Wala pa," sagot ni Desteen habang inaayos ang kanyang mahabang buhok
Ang Investigatory Project ay requirement ng mga nasa STE dahil kung walang maipapasang ganoon ay tatanggalin nila yung Special Program. Kaya imbis na voluntary lamang ay napagdesisyunan ng Science Department na Investigatory Project ang ipagawang project sa mga STE students. Kaya kada school year ay gumagawa kami.
Nagkatinginan kami at sabay sinabing, "Teammates tayo!"
Kung wala lang tao ay tumawa sana kami ng pagkalakas lakas pero dahil hawak namin ang pangalan ng eskuwelahan ay mahina lamang.
"Eh sino yung isa?" tanong niya.
"Si Sha na lang. Masipag yun," I suggested.
Matapos ang sampung minutong paghihintay ay dalawa na lang ang nasa harapan namin. Patapos na yung isa at inip na inip na kami. Nang kami na ay biglang may sumingit na babaeng kasing kapal ng budhi ang make-up. If this is an ordinary day, I would just let it go. But today is not one of those ordinary days. Gutom na gutom na ako.
"Excuse me, miss. May pila dito oh," Desteen said.
Tumingin lang yung babae tapos nag-roll eyes pa. My blood reached its boiling point.
"I don't know if you're dumb or just dumb to not know the basics of GMRC. Girl, you should really get an education," binigkas ko ang bawat salita ng dahan-dahan at diretso ang tingin ko sa mga mata niya.
Pumula ang mukha ng babae sa kabila ng makapal niyang make up. She clenched her fists and she walked out.
"Illiterate," I whispered.
"Chill, Avi," sambit ni Desteen na may halong tawa.
BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
General FictionIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...