Chapter 26

53 8 3
                                    

Nagising ang aking diwa sa boses na nanggagaling sa megaphone. "Girls, wake up!"

My eyelids are still heavy. I just wanna sleep. Yesterday was tiresome and we slept very late last night.

"Avi," sabi ng boses sabay yugyog sa balikat ko. The voice is so near but it seems to me like it comes from far away.

"Hovi, gumising ka na tanghali na uy!"

"Hoy, gising na!" Gosh she's noisy. "Arissa Vintorez at Hovea Andrea anong oras kayong natulog kagabi at tulog mantika kayo?!!!" Doon na ako tuluyang nagising. Si Desteen ata yung sumigaw. Hindi ako sigurado. My mind is still blank.

"You're noisy," inaantok na sabi ko tsaka bumangon. Ang bigat ng ulo ko at parang binugbog ang katawan dahil sa nananakit na mga muscles.

"Aww," daing ko nang mag-inat. Nakaluhod si Des at nag-aayos ng kanyang hinigaan. Ang sarap sa pakiramdam kapag nag-inat ka pagkagising.

"Gising na!" sigaw ulit niya.

"Heto na. Gosh, annoying," rinig kong reklamo ni Hovi.

"Avi, tayo magluluto ngayon. Dali na," sabi ni Desteen.

Parang zombie na lumabas ng tent si Hovi, nakapikit pa.

"Anong activity ngayon?" tanong ko.

"Not sure. But I think... amazing race," sagot niya.

I sighed. This is going to be a tiring day. "Ini-imagine ko palang, pagod na ako."

"Huwag mo muna kasing isipin, baliw. Malamang tatamarin ka talaga."

***

"All you need to do is to follow the arrows. Do you understand, Girls?" sabi ng camp director na nagbibilin ngayon sa amin. Tumango kami.

"Did you bring all the things we required you to bring?"

"Yes, Tita!" we said in unison.

"Okay Go!" Naka linya kaming lumabas sa gate katulad ng napag-usapan. I can feel the excitement in the air.

Ang bawat team ay may kani-kaniyang kulay ng arrow na susundin. Ang sa amin ay red.

Ang pinakamalaking arrow na nangangahulugang malapit na kami sa isang station ay nakatutok sa isang poste. Nakadikit rito ang isang red na nakatiklop na papel. Kinuha ko iyon at binuksan.

"Task 1: For the Lord is the greatest and ye shall honor him through thy own words which ye shall recite with all your heart."

"I think it says that we make our own prayer and recite it," I said.

"I think you're right," pagsang-ayon ni Verca at sumang-ayon naman ang lahat.

"That's easy. Tinuruan na tayo sa ESP kung paano gumawa ng sariling dasal," sabi ni Hovi, which is true. Kapag nagkaklase kami sa ESP ay mayroong naka-assign na gagawa ng sariling prayer at mag-lead sa harap.

"Heto yung notebook," sabi ni Verca sabay abot sa notebook - isa sa mga requirements. Kinuha iyon ni Hovi at nagtulungan kami sa pagbuo ng dasal.

Matapos ang isang minuto ay nakabuo na kami at ni-recite na iyon. It's very thoughtful of the gamemaker to make us make a prayer in the first task.

"Let's go," aya ko. "But where?"

"Oo nga ano. Wala palang sinabi kung saan magpapatuloy. Katulad sa love, kapag natapos na hindi mo na alam kung paano magpapatuloy," sabi ni Hovi.

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon