Chapter 27

41 10 1
                                    

One of the long-list perks of attending an encampment is to sleep very late at night because of the campfire and wake up very early to attend the Physical Fitness activity, which is held at the highest point in the campsite.

Sinabi na kanina ng isang Tita na maaaring hindi mag-attend ang magluluto para sa agahan pero yung iba ay kinakailangang mag-participate sa activity. Since kami ni Desteen ang naka-assign sa cooking ngayon ay nanatili kami sa tent.

"Avi, I'll just clean the surroundings. Gawa ka muna ng apoy," sabi ni Des na tinanguan ko lang dahil inaantok pa talaga ako. Nakaupo ako sa dining rack, looking like a zombie. It took a minute bago maisipan ng paa ko na gumalaw at pumunta sa paglulutuan.

I had sit on the bare floor kaya na-trigger yung sumasakit na likod ko. Lahat ata kami masakit ang katawan e, pero kung titignan si Desteen, parang wala namang masakit sa kanya.

"Hindi ba masakit yang likod mo Des?" tanong ko.

"Hindi naman. My feet hurt though."

"Ansakit ng likod ko," reklamo ko.

"Mag-stretching ka muna. Baka nabigla yang mga muscles mo. Ako na muna jan." Hinila niya ang kamay ko para tulungan akong tumayo. Sa kasamaang palad, sa dinami-dami ng parte ng kamay ko na puwedeng mahawakan, yung nasugatan pa talaga kahapon.

"Aww. Dahan-dahan naman." I cringed. Medyo malalim pala yung sugat. I thought daplis lang kahapon kaya hinayaan ko kasi akala ko maghihilom na siya.

"Sorry naman. Napano ba yan?"

"Nasugatan kahapon. Hayaan mo na, maliit lang naman yan."

"Gaga eh kung naimpeksiyon yan? Sabi ni nothing mo he wants to see you unscathed raw pag sinundo tayo." My cheeks burned. Kailangan pa ba niyang sabihin yan? Jusko po tong kaibigan ko.

"Wow nawala yung sakit sa likod ko. Amazing. Tara luto na tayo," I said meekly.

"Ay, umiiwas?" pang-aasar niya.

"Hindi ah. May mga bagay lang talaga na dapat inuuna. Katulad ng pagluluto natin. Kawawa naman yung apat, baka gutumin dahil sa exercise. Lalo na si Madsen," I said awkwardly.

"Ayaw mo talagang mag-kuwento tungkol sa inyo, ano?" God, she makes it sound like may 'kami'.

Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya. "Wala naman kasing ikukuwento."

"Bahala ka. Malaki ka na."

I smiled at her awkwardly. "May band-aid ka?" tanong ko.

"Wala. Ano ako, mercury drug?"

Sinimangutan ko siya at pumunta sa tent para hagilapin sa aking bag kung merong naligaw na band-aid roon. May pagkakalimutin kasi ako kaya minsan yung akala kong wala, meron pala. Yung akala ko meron ako, wala na pala.

"I left five boxes of personalized Band-aids in your secret cabinet. Don't accept any band-aid from anyone and don't let anyone put them on you." Ewan ko ba at bigla na lang sumagi sa isipan ko iyon and somehow, my heart's already in a marathon. I managed to push the memory to the corners of my mind and most of the times I succeed but some times, I fail. Hindi ko pa rin nakakausap si Corbyn tungkol sa nakaraan namin at tingin ko rin ayaw niyang pag-usapan dahil kung oo, he should've confronted me, right?

And why am I thinking of these things when I should be cooking. I shook my head to bring it to its normal state. Binuksan ko lahat ng compartments ng aking bag at sa kasamaang-palad, wala akong nadala. Baka mayroon sa kanilang apat ang nagdala, I should ask them when they return.

By that, I went to the camp-type kitchen to assist Desteen because I happen to be bad at cooking.

Saktong pagdating nilang apat ay sakto namang pagkatapos naming magluto. Inaayos ko na ang hapag habang naupo sila sa dining rack, naghahabol ng hininga.

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon