"Avi! Nasan ka na?! Thirty minutes to go before the program starts!" sigaw ni Hovea mula sa cellphone. She's so loud. Noon, akala mo hindi na maririnig na tumawa ulit.
"Heto na. Final touches na lang. Arvin's already here," sabi ko.
"Alam mo gulong-gulo na kami sa ainyo ni Arvin eh. Ano ba talaga, ate?" frustrated na tanong niya.
"I told you we're just friends," play safe kong sagot. Alam kong may nagbago. Hindi ako manhid. Arvin has become a man for a girl. I can feel it. I saw how he fell for her. I saw how she broke his heart noong nalaman niyang bisexual si Arvin. Noong una, masaya ako kasi hindi na magiging problema ang Daddy niya, it's possible for him to fall for a girl. Pero noong lumala na yung problema nila nung girl, hindi ko alam kung mas gugustuhin ko na lang na berde ang dugo niya kesa naman nasasaktan siya. God, I'd kill for my friends. Kapag ako ang nasasaktan, kaya ko pang kimkimin eh. Pero kapag mga kaibigan ko na ang pinaiyak, magkamatayan na.
"Done!" masiglang sinabi ni Maris, yung paboritong make-up artist ni Mama.
"Thanks." I smiled. Tinulungan niya akong ilagay yung night gown ko na kulay champagne. Mas gusto ko kasi to, simple na may pagka-elegante.
"You really are pretty. Yang gandang yan yung tipong nagpapaiyak sa mga kalalakihan," sabi niya. Ang lambot ng boses niya. Mas malambot pa ata kesa sakin na babae.
"Thank you, Maris," I genuinely said. Pero parang may mali sa pangalawang sinabi niya. Parang hindi naman ako yung nagpaiyak?
I looked around my room before I went downstairs. Pina re-design ko ang aking kwarto. Yung dati kasi, ang naaalala ko ay yung room ko sa America na eksaktong replica niya and it brings back painful memories.
For a wound to stop hurting, you need to stop touching it. For the pain to stop, you need to stop thinking about it. It's been six months. Sa anim na buwan na yun, sinubukan ko siyang kalimutan. But my feelings for him were deep-rooted. Hindi ito yung simpleng crush lang.
Hindi naging madali ang buhay ko noong bumalik ako ng Pinas. Kung nakaapekto man ang nangyari sa academics ko ay positibo ang epekto niya. Imbis na magmukmok ako at maawa sa sarili ay binabaling ko lahat ng atensiyon sa pag-aaral. Ramdam ko na nagtatampo ang mga kaibigan ko kaya sa miminsang mga hapon na nagyayaya sila ay pinapaunlakan ko. Sabi nila konti nalang daw magiging boyfriend ko na ang mga libro. Sila yung naging happy pill ko kumbaga. Sila yung naging dahilan ko para ngumiti ulit ng totoo, para tumawa ulit ng may saya. It was hard but being surrounded by people who never failed to make me feel loved and cared for made it all bearable.
"We were patient with you for the first three months you were down, anak, because we can somehow feel your pain. But please, don't drown yourself too much in your pool of painful memories. Kailangan mo nang umahon. You're into it for too long. Hindi ka ba napapagod?There's life outside of that pool. Remember, you are not just Corbyn's Arissa. You're our Arissa, too. You're your friends Arissa, too. The world awaits for your smile and cheery laughs again, sweetheart," tanda ko pa yung mahabang linya ni Mama noong minsang pinasok niya ako sa kwarto habang nagtatago sa mga unan at kumot.
Simula noon, lagi kong tinatry na maging masaya. Kung ano-ano ang ginagawa ko para lang pasayahin ang sarili ko. Nanunuod ako ng comedy sa Youtube, sa Facebook. In short, pinababaw ko ang kasiyahan ko. I found happiness in small things and from small, it spread outward, hanggang lumaki ng lumaki ang kasiyahan ko.
"Fake it until you make it," sabi pa ni Sharisse. Ginawa ko rin yun, kahit pati sarili ko napaplastikan na sa mga ngiti at tawa ko. Pero kahit papaano, nakatulong.
Somehow, there's a positive light in what happened. It made me stronger and better.
Even though love gave me pain, friendship and family gave me reasons to be grateful and continue living.

BINABASA MO ANG
CREAM OF THE CROP
General FictionIntelligence is a gift. In this field where brains are their weapon, where minds are above the hearts, will minds be enough to solve this war called love? Beauty, is ordinary but it is a wonderful experience to find beauty in the ordinary. Will the...