Chapter 19 - Alright

67 9 8
                                    

"Maybe 'alright' will be our always."

-Avi

***

"Ganun ba? Sige uwi na kami," sabi ni Russ, wearing his nice smile. Siya kasi yung tipo na kahit napipikon na nakangiti parin kaya ang cool parin.

Pinaupo ko muna sila sa may table na madalas kinakainan namin kapag gusto naming kumain sa labas ng bahay. Bale round table iyon na porcelain. Habang kami ay nakatayo lang habang inuunat ang katawan. Aba! Nakakangawit kaya ang umupo ng matagal.

Si Gray nasa loob, feel at home talaga siya eh. Tapos alam pa niya kung saan ang dito at diyan sa bahay. Hindi naman ako nagka-amnesia. Ano to MMK? Masyado na ba akong nagkukulong sa kwarto para hindi malaman ang nangyayari sa paligid ko? Kasi hindi naman imposible na makapunta siya rito sa bahay dahil kay Toffer at nakita ko rin kung gaano siya ka-welcome kila Tita. Maybe I'm too engrossed on my studies kaya hindi ko siya nakikita kapag naglilibot siya rito.

"Joke lang. Actually wala pa kaming natatapos," sabi ni Hovi.

"Oo. Si Hovi kasi mas marami pang jokes kesa gawa kaya ayan," segunda ni Sha.

"Hala sila, nananahimik ako dito eh," sabi niya tapos pabebeng bumalik sa ginagawa niya. Natatawa na lang talaga ako sa inaasal nito eh.

"Buti naisipan niyong pumunta rito?" tanong ko sa kanila.

"Ang boring kasi sa school eh," sagot ni Steve.

"Ah! Kaya kayo pumunta kasi nabo-bored kayo? Eh kung hindi kayo bored, pupuntahan niyo ba kami?" mapanghamong tanong ni Hovi.

I saw them pause a little. They look like they don't know what to do and say. Loka-loka talaga si Hovi.

"Joke lang ulit. Chill," natatawang sabi ni Hovi. Si Darren ginulo yung buhok ni Hovi tapos si Russel pabirong sinuntok siya sa kamay. Si Steve naman nakangiti lang.

Biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa. Hindi ko pinansin kasi baka 4438 lang o kung anuman. Nagvibrate ulit. Ay alam ko to! Yung JOFOM access eklabu na walang kwenta. Nagvibrate ulit pero yung pangtawag na. Kinabahan ako bigla. Shit paano kapag emergency to?! Lintik kasing 4438 yan eh pinapaasa ka tapos nung akala mo pinaasa ka lang, totoo na pala.

Gray calling...

Inangat ko agad yung tawag. "Hel-"

"Enjoying your talk?" Wala pa atang 'hello' ko sa kanya na hindi napuputol.

"Yeah."

There's a long pause then he sighed. "Food's ready."

"Sige. Thank you."

Hindi ko muna ibinaba ang tawag. There's an unwritten law kasi sa akin na kung sino ang unang tumawag, siya ang may karapatang magbaba ng tawag. I waited for him to end it but we won't. "Ibaba mo na," sabi ko nang makalipas ang isang minuto ay hindi pa niya binababa.

"Ikaw na."

"No. Ikaw dapat. Ikaw ang unang tumawag eh."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Fine," sabi niya tapos ibinaba na.

Bago ko pa maibulsa ang phone at ay nagvibrate ulit ito. It's a message from him.

Gray:

Call me.

Weird. Kakatawag niya tas papatawagin niya naman ako? Pero kahit weird, ginawa ko na lang.

"Hel-"

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon