Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 18 - Bye

68 12 10
                                        

Tulad ng napagkasunduan, ginawa namin ang mga gadgets sa sabado at linggo. At sa kasamaang palad ay sa bahay pa talaga nila naisipang gumawa.

My parents are out on a date. Ewan ko sa dalawang iyon, matapos yung drama nila noon eh para silang bumalik sa pagiging teenager na magligawan. Si Papa laging nag-uuwi ng bulaklak tapos si Mama, jusko, yung nanay ko marunong palang mag-blush?!

"Ang havey talaga dito sa bakuran niyo Avi, parang nasa kagubatan lang ang peg," si Hovi na naman ang bumabangka sa usapan.

"Baliw."

"Totoo Avi. Kaso swimming pool kasi ang meron pero dapat fish pond para mas bumagay sa garden niyong mala rainforest ang dating."

"Tong babaeng to talaga. Gawin mo na nga yung shoe rack!" awat sa kanya ni Verca.

"Nag-aano lang ako dito, pa-epal!" sabi ni Hovi, parang timang.

"Jusko Hovea itatakwil ka na talaga namin! Umayos ka nga!" sabi ko.

Inilabas niya ang cellphone na bagong bili niya. "Dali! Selfie tayo para may proof. Ipopost ko sa Facebook."

"Huwag sa Facebook. Masyadong public," sabi ni Des.

"Saan ngarud? IG? O Friendster? Alam ko na, Twitter nalang," si Hovi na ang nagdecide. Wala namang tumutol kaya nag-selfie na kami.

"Friendster? Are you serious?!" nalolokang sabi ni Sha.

"Avi, where's--" tumigil si Toffer sa pagsasalita nung napansin niya na may bisita ako. "May bisita ka pala. Hi girls!" he waved at them.

"Hi po kuya!" pabebeng bati ni Hovi. Kinurot siya sa tagiliran ni Des at linakihan ng mata.

"Hovi, ideny mo naman," sabi ni Sha na nagpatawa sa aming lahat.

Biglang may nagbukas sa backdoor kaya napatingin kami lahat doon. It's him. There's the familiar 'something' in my stomach when we made eye contact. Ang ganda talaga ng mata niya. I could stare at those eyes the whole day and won't get tired of it.

"Toffer, they're waiting in the car." Sinabi niya iyon pero nakatingin siya sa akin.

"Wait. Avi, nasaan yung navy blue na tsinelas ko? I think I left it here," tanong ni Toffer.

I tried to remember kung may nakita ba akong tsinelas niya. "Baka nandoon sa storage room," sabi ko tapos tinanong kay Manang kung mayroon siyang nakita.

"I'll get it," volunteered Gray.

"Yung storage room eh nasa baba ng hagdan."

Tumingin siya sa akin ng masama. "I know," sabi siya tapos tumalikod na.

I stared at his back and wondered how could that happen. Sa pagkakaalam ko ngayon lang pumasok sa bahay to. I gave Toffer a questioning look. "How?"

"Baka nagsleep walk tapos naglibot sa bahay niyo," he answered sarcastically.

I gave him a stern look.

"Chill," sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. "Ask him."

"Whatever." I rolled my eyes.

Ngayon ko lamg napansin yung get-up ng pinsan ko. Ganitong ganito siya manamit kapag naga-out of town kami. Plain black shirt and jacket. "Teka, bakit ganyan ang bihis mo? Are you going somewhere?"

He patted my head and said, "I'm taking the neurological test at PNPA today."

"Bakit hindi ko alam?" nagtatampong tanong ko.

"You're quite focused on your studies kaya wala ka noong inannounce ni Mama last week. At biglaan kasi. This week na pala yon tapos kailangan pang mag-adjust sa new environment."

CREAM OF THE CROPMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon