Chapter 30

55 7 12
                                        

"Hoy gumising na kayo," I said loudly. Kanina pa ako gising pero hindi ko muna sila ginising dahil alam kong umaga na silang natulog kahapon. Pero makalipas ang tatlumpong minuto, sinimulan ko nang manggising pero hanggang mag alas sais ay puro "mamaya", "teka", "five minutes, Avi" ang naririnig ko mula sa kanila.

"Ewan ko sa inyo, nakaligpit na ang lahat, tayo na lang ang hindi!" sabi ko ng mas malakas.

"Ano ba yan, ang ingay," reklamo ni Hovea sabay kamot sa pisngi.

I grabbed my pillow and hit them one by one. "Gising na kasi! Sulitin niyo ang tulog niyo pag uwi niyo mamaya!"

"Aray-"

"Ano ba yan Avi-"

"Oo na heto na babangon na!"

Then I stopped and got out of the tent. I stretched a bit and wiped the sleep from my eyes.

Maraming campers na ang nagliligpit. Marami na rin ang pansin kong nakaligo na. Mayroon rin akong nasulyapang kumakain na. Yung iba, dini-disassemble na ang kanilang tent. I sighed. We are really going home.

I diverted my attention to my friends. "Desteen, magluto na tayo. Gosh, I'm hungry," aya ko.

She walked out of the tent with eyes half-open and went straight to the bulletin board. "Pinagsasabi mo? Sa Water tayo naka-asign ngayon."

"Eh di mag-igib," I replied. "Mads, magluto na kayo, gutom na ako." Tumango naman siya.

"I'll get the pails," Desteen volunteered.

"Wait up Des, we'll get our bathing stuff."

She seemed confused but she responded still. Mas madali kong naiayos ang aking mga gamit at naunang pumuwesto sa may harap ng tent.

I took a moment to appreciate the scenery of the campsite. I know I'll miss this place when we get home.

"Let's go," said Desteen.

"I heard tinanggal daw nila yung mga drums ng tubig doon sa baba," I said.

"E saan tayo kukuha?"

"Meron tayong dalawang option. Sa headquarters o sa batis."

She looked at me with wide eyes. "Merong batis dito?"

"Yup. Doon kami nagi-igib noon. The water is cold in there. Yun nga lang, malayo ang lalakarin."

"E di sa headquarters na lang."

"Pero magkaparehas lang ang layo ng lalakarin kapag ikokompara sa headquarters."

Tumingin siya sa akin ng mabilis. Yung itsura niya parang may invisible na lightbulb sa gilid ng kanyang ulo. "E di sa batis tayo, para may thrill."

"Exactly my point. So, tara?"

"Tara!"

The water is refreshingly cold. Pinuwesto ko ang dalawang kamay sa may bunganga ng tubo para makasalop ng panglinis sa mukha. Sinabuyan ko ang aking mukha at agad namang gumaan ang pakiramdam ko. Parang ngayon lang talaga ako nagising ng todo.

"Asan yung batis, Avi?" si Des.

I stopped. "Here."

"Seriously?!" she's eyeing me like I just said the stupidest thing in the whole wide world. "You call this place a batis?"

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon