Chapter 36

38 6 3
                                    

"It's pretty," said my mother when she opened the door and welcomed my friends. Hindi niya kasama si Papa. Siguro, nasa study.

I offered a small smile and said blankly, "Thanks, ma."

Naramdaman ko yung awkwardness sa paligid. Maya-maya ay iniba niya yung usapan. "Where's Auden?" tanong niya sabay silip sa labas.

"Inaayos po ata yung sasakyan," I replied.

"Auden, dinner ka na dito anak," tawag niya.

"Thanks Auntie but I need to go home na po," magalang niyang sagot.

"Ganun ba. Send my regards to your parents, then." Woah. Sabi na hindi puchu-puchu si Auden eh.

He smiled. "Consider it done, Auntie," he said. "Una na po ako, Good night," bati niya at ginawi ang tingin sa amin sabay ngiti. I smiled back.

Noong nakalabas na siya sa gate ay tumingin sa amin si Mama. "Mga anak, bihis muna kayo tapos bumaba na kayo para kumain."

They agreed politely then we went upstairs. Humiga ako agad sa kama pagkapasok sa kwarto dahil nangangawit yung batok ko.

Kinalbit ako ni Hovi. "Girl, kanina ko pa pinigilan tong dila ko pero sino yun?"

"Ha?"

"Yung Auden."

"Ah ano, driver ko daw."

Nagsitakbuhan yung iba papunta sa kinaroroonan namin. "Saan makakapulot ng ganon kaguwapong driver?" tanong ni Sharisse.

"Driver pero Auntie yung tawag sa Mama mo? Umamin ka na Avi," si Hovi.

"Gaga. Yang utak mo bulbol," sagot ko.

"Eh ano nga?" pangungulit niya.

"Malay ko. Tanungin mo kay Mama," I suggested.

She rolled her eyes. "Ayoko nga. Pero girl," hinampas niya ng marahan ang siko ko. "parang hindi naman mukhang driver."

"Naisip ko rin yan," I said. "Nahihiya naman akong magtanong sa kanya ano. Alangan tanungin ko, 'bakit hindi ka mukhang driver?' Eh di ang bastos nun."

"Guys!" sigaw ni Sharisse na nakasilip sa doorframe palabas sa terrace. "Ang ganda ng langit."

"Mas maganda sakin?" tanong ni Hovi. We all gave her deathly stares then she shut up.

Sumunod kami sa labas at tumingala sa langit. Sharisse wasn't joking. It sure looks beautiful. It's like all the stars conspired to shine their brightest at this moment.

"I have an idea," I said. "Wait for me here."

I rushed to the storage room and got a tent big enough for us. I also requested Manang Dalia to cook midnight snack. Swerte na gising pa siya sa ganitong oras.

"Tent? Seryoso ka ba Avi?" tanong ni Hovi pagkabukas ko sa pintuan.

"Oo nga."

"Camping is only fun when you're outside."

"Who said we're camping in here?" I smiled mischievously while I slid the door to the terrace.

"You should have told me sooner," Hovi said while making a face.

Madali naming na-assemble yung tent at nai-puwesto ang comforter sa loob.

"God, it brings back memories," commented Desteen.

Pansamantalang nakabukas yung makeshift door ng tent. It's a kind of tent exclusively for star gazing kaya kahit nasa loob kami ay kitang-kita parin ang mga bituin sa taas. The things they say about the stars in provinces being brighter than when you're at the city are all true.

CREAM OF THE CROPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon