Kiefer is so weird, he asked me to get a pen from his bag tapos nung tinignan ko yung kalat niya siya pang galit. Ang burara sa gamit kasi.
Hinayaan ko na lang siyang umalis since natapos na rin naman yung mahirap kong homework. After ko magaral bumaba na ako para magdinner pero nagulat ako ng makita ko siya kasama nila kuya kaya tumabi ako sa kanya.
Sungit bakit nandito ka pa? Tanong ko.
Dito ako magdidinner. Sabi niya.
Bakit ang sungit mo? Tanong ko.
Pakielamera ka kasi. Sabi niya.
Sorry na Kief, next time kasi itapon mo yung basura mo, hindi yung ginagawa mong basurahan yung bag mo. Sabi ko at niyakap ko siya.
Ly ano ba, umusog ka nga ang init init eh. Sabi niya at tinulak ako kaya tinulak ko rin siya.
Ang sungit mo, binabawi ko na yung sorry ko. Sabi ko.
Wag nga kayo dito mag LQ nakakairita. Sabi ni Kuya Nicko.
Ly, tulungan mo ang mama mo sa kusina. Hindi yung puro pang boys yung gusto mo gawin saka ano na naman ba yang shorts na suot mo? Is that your kuya's? Tanong ni papa.
Akin to pa. Saka ayoko sa kusina. Mangangamoy ulam ako dun. Sabi ko.
Who bought you that? Parang nakapantalon ka na dyan sa suot mo. Sabi niya.
Ang oa mo pa. Sabi ko at paakyat na sana ng tawagin ako ng mommy ko.
Alyssa kakain na. Sabi niya kaya napabalik ako.
After dinner umuwi na rin si Kiefer. Kapal talaga ng mukha nakikain lang.
Days flew by so fast, before Kiefer and I realized, nakagraduate na kami ng grade school. Umattend siya ng graduation ko and umattend din ako ng graduation niya. Mas marami siyang award sa akin. Kulang na lang ata maging student of the year eh.
Ly, nasaan na yung gift ko? Tanong niya kaya pumunta kami sa bahay at binigay ko yung gift ko.
Ano to? Drawing? Ano ba naman yan. Sana man lang shoes or kaya shorts na lang. Anong gagawin ko sa drawing? Tanong niya kaya nalungkot ako.
Kung ayaw mo eh di wag. Sabi ko at kinuha yun saka padabog na umakyat.
Ly. Tawag niya sa akin kaya nakasimangot akong lumingon sa kanya.
Bakit? Tanong niya.
Ano yan? Tanong niya habang nakaturo sa likuran ko kaya napatingin ako.
Go away. Sabi ko at dali daling tumakbo paakyat at nagkulong sa kwarto.
Lakas talaga ng tama ng babaeng yun sa utak. Kanina lang okay kami ngayon naman galit na. Hindi ko lang naappreciate yung gift niya bigla bigla na lang magwawalkout. Ano naman kasing gagawin ko sa drawing eh hindi naman ako mahilig dun. Umuwi na lang ako dahil wala naman atang balak lumabas si Ly.
Akala ko isang araw lang ako hindi papansinin ni Ly pero magiisang linggo ko na siyang hindi nakikita. Hindi siya lumalabas ng bahay nila. Bakasyon ngayon at tuwing bakasyon halos araw araw kaming magkasama. Masama pa rin kaya ang loob niya sa akin dahil sa gift niya.
Manang rose si Ly po? Tanong ko sa kasambahay nila.
Nasa kwarto niya nagkukulong. Meron kasi. Sabi niya.
Ano pong meron? Tanong ko.
Merong ano. Sabi niya.
Merong ano po? Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Me Now
Fanfiction"Sometimes Good Things Fall Apart So Better Things Can Fall Together" -Marilyn Monroe