Chapter 44

2.4K 125 15
                                    

Pilit akong sinusubuan ni Jean pero ayoko dahil baka anytime pumasok si Kiefer. Sinundo kasi siya ni Maze sa labas. Sa pilit ni Jean sinubo ko na yung food na kanina niya pa pinapakain sa akin pero nagulat ako ng bigla niya akong halikan.

Dito pa kayo naglandian. Mahinang sabi ni Kiefer pagdaan sa likod namin kaya napayuko ako habang si Maze busyng busy makipagkwentuhan kay Bea.

Hi Kiefer. Sorry.  Sabi sa kanya ni Jean dahil nakakaintindi ng Filipino si Jean buti na lang hindi niya napansin yung inis sa boses ni Kiefer.

Hi Jean. Enjoying the food? Tanong niya kaya napakunot yung noo ni Jean. Tinuro naman ni Kief yung pagkain sa kamay niya kaya nagets na niya.

Yes. Tita Mozzy cooks delicious food like mon amour. Sabi ni Jean at humalik na naman sa akin.

Stop it already. Sabi ko at tinawanan niya lang ako.

Everyone, dinner's ready. Tawag sa amin ni Tita Mozzy.

Magkatapat kami sa table ni Kief, katabi niya si Maze habang katabi ko naman si Jean. Wala sila mama dahil may date sila ni Papa at hindi nasabihan ni Tita Mozzy na may padinner sila ngayon. Hindi ako makakain ng maayos dahil masama yung titig ni Kiefer sa akin.

Mon amour, are you okay? Bulong na tanong ni Jean sa akin.

Yes. Sabi ko pero kinapa niya yung leeg ko.

Are you sick? You're not touching your food. Do you want me to feed you? Tanong niya.

No I'm okay. Sabi ko at kumain na.

Naguusap sila sa dining table pero di ko masyado maintindihan dahil nacoconscious ako sa mga tingin ni Kiefer sa akin. Magiinuman daw after dinner kaya nagsuggest ako na hiwalay yung girls and boys.

No mon amour. We should all drink together. It's more fun. Sabi ni Jean at sumang-ayon naman sila kay Jean.

Nagset-up ng table sa garden sila Thirdy dahil dun kami iinom. Gusto na sana pumasok ni Dani at matulog dahil siya lang ang walang partner pero sinabi ko na magstay na siya and i'll talk to her. Nagkwekwentuhan kaming dalawa ng magsalita si Maze.

Baby, why are you so quiet? Tanong ni Maze kay Kiefer.

I just don't feel like talking. I'm tired. Sabi niya.

Do you want to rest? We can go if you want to. Sabi ni Maze na sobrang lapit yung mukha kay Kiefer at nakayakap pa.

Later. Sabi ni Kiefer kaya natuwa ako pero nahurt ako ng bigla niyang hawakan yung mukha ni Maze at halikan siya.

I miss you baby. Sabi ni Maze.

I miss you too. Sabi ni Kief kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin naman siya sa akin pero walang expression.

Excuse me. Sabi ko at tumayo.

Where are you going mon amour? Tanong ni Jean.

Bathroom. Sabi ko at tumango siya kaya pumasok ako sa loob ng bahay nila Kiefer.

Naiiyak kasi ako sa sitwasyon namin ni Kiefer. Hindi na siya sweet kay Maze ever since nagkaroon kami ng affair kaya nahurt ako kanina dahil baka magkaayos na sila ulit dahil nagseselos siya kay Jean. I wanted to assure him na walang nagbago pero baka hindi siya maniwala. Hindi ko kasi mapigilan yung kasweetan ni Jean dahil normal yun sa kanya. Sinusubukan ko naman iwasan pero ayoko kasing makipaghiwalay sa kanya agad dahil nageffort siya umuwi despite his busy schedule. I want to talk to him and explain why I'm leaving him. Naghilamos lang ako at lumabas na. Nagulat pa ako ng nakatayo si Kiefer sa labas ng pinto ng toilet. Nakatingin lang siya sa akin.

Love Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon