Chapter 65

3.1K 159 30
                                    

Ruel ano ba. Itigil mo na nga yan. Sabi ni Tita kay Tito.

Mare hayaan mo lang. He deserves it. Sabi ni Dad kaya napatingin ako sa kanya.

Tarantado tong anak mo. Dalawang babae pinagsabay buntisin. Hindi ako papayag. Hindi ikaw ang tatay ng apo ko. Sabi niya.

Tito please let me explain. Sabi ko.

Explain what? Na mahal mo anak ko kaya binuntis mo kahit may asawa ka na? Do you think that will make me okay with it? Tanong niya habang mangilid ngilid ang luha.

Tito I'm sorry. Mahal ko po si Ly. Sabi niya.

Mahal mo? Alam mo ba kung anong kahihiyan ang binigay mo sa anak ko? Ano na lang sasabihin ng asawa niya? Ng in-laws niya? I trusted you tapos sasabihin mo sa akin ngayon na ikaw nakabuntis sa anak ko. Sabi niya.

Tito, sorry po. Sabi ko.

Kung mahal mo talaga siya dapat inisip mo kung anong mangyayari sa kanya. Walang sinumang magulang ang gugustuhing maging kabit ang anak. Bakit ba hindi kayo nagiisip? Lita tawagan mo nga yang anak mo. Sabi niya.

Natatawagan niyo po si Ly? Tanong ko.

Sa facetime pero sabi niya nagtratravel siya kaya hindi kami madalas magkausap. Sabi ni Tita.

You didn't know Ly was here? Tanong ni Mom kaya nagulat si Tito and Tita.

No. Sabi ni Tita.

Tinuruan mo pa magsinungaling ang anak ko. Sabi ni Tito.

Where is she? Tanong ni Tita.

Hindi nga namin alam. Umalis siya sa condo nila ni Kiefer. Sabi ni dad kaya sinapak na naman ako ni Tito.

Binabahay mo ang anak ko. Gago ka talaga noh. Sabi niya at akmang susuntukin na naman ako ni tito kaya pinigilan niya.

Ruel, tigilan mo na nga yang kakasuntok kay Kiefer. Ginawa mo ng punching bag yan. Let me try to call Ly. Sabi ni Tita at naghintay kami.

She's not picking up. I'll leave her a message na lang. She sent the ultrasound lang by email eh. Sabi ni Tita.

Tita is it okay to forward it to me? Tanong ko.

Sure but explain first what's happening. Sabi niya kaya sinumulan ko na magkwento. Sinabi ko na rin na nakipagdivorce na si Ly kay Jean at hindi ko anak yung pinagbubuntis ni Maze.

At bakit wala man lang sinabi sa amin si Ly? Tanong ni Tita.

Baka po ayaw niya lang kayo mag-alala. Sabi ko.

We have to find her. Ayokong mag-isa siya sa ganoong kalagayan. Sabi ni Tito.

Tita wala po ba siyang pinapadalang picture sa inyo? Tanong ko.

Wala eh. Yung ultrasound lang pero one time na nagchat kami nasa tabing dagat siya. Hindi ko nga lang alam saan. Sabi niya.

Baka po sa Palawan. Sabi ko.

Pwede bakit hindi mo puntahan at sabihan mo kami pag nakita mo na. Sabi niya.

Sige po. Sabi ko.

Teka lang teka lang. Bakit si Kiefer ang paghahanapin mo kay Ly. Eh ayoko nga kay Kiefer? Tanong ni Tito.

Di ikaw ang pumunta ng Palawan. Anak ni Kiefer yun, siguro naman kahit hindi sila kasal may karapatan siya sa bata. Sabi ni Tita.

Love Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon