Ly is leaving today for Paris at sumama ako sa paghatid sa kanya sa airport. Hindi nakasama si Raf dahil naghongkong sila ng family niya. Magkatabi kami ni Ly sa likod ng van at nakadantay ako sa kanya.
Hindi masaya sa Paris, mahirap magfrench tapos wala ka kakilala dun. Sabi ko sa kanya at natawa siya.
Maraming art museums dun tapos may eiffel tower. Sabi niya.
Don't leave Ly, please. Bestfriends don't leave bestfriends behind. Sabi ko at hinawakan ko yung kamay niya.
I'll call you as soon as I arrive and I call you everyday except pag busy ako sa school. Sabi niya at nilagay yung kamay niya sa pisngi ko.
Promise me, pag hindi mo ko tinawagan hindi na kita papansinin pag uwi mo. Sabi ko.
I promise. Sabi niya at pinatong yung ulo niya sa ulo ko.
Kung nung nasa van malungkot na, mas malungkot pala pag nasa airport na. Nagtratravel naman si Ly even before, pero kasi pinakamatagal na yung 1 week vacation. Iba today kasi 1 year bago siya umuwi. Kasama ni Ly si Tito and Tita kaya nagpaalam na siya sa mga kapatid niya tapos sa akin.
Au revoir. Sabi niya kaya niyakap ko siya.
Take care please. Always eat and call me. Sabi ko.
Okay. Sabi niya halatang nagpipigil ng iyak.
I'll miss you Ly, I can't wait to see you again. Sabi ko at hinalikan yung ulo niya.
I'll miss you too. Ingat ka rin dito and good luck sa college. Sabi niya.
Go home soon. Sabi ko.
Before you know it, I'm back already. Sabi niya.
I'll miss you everyday you're away. Sabi ko.
Tama na drama baka maiwan ako ng plane. Sabi niya kaya binitawan ko na siya.
Bye. Sabi ko at kumaway lang siya.
Pinagselos mo kasi umalis tuloy. Sabi ni kuya Paolo habang pinapanood namin sila Ly na pumasok sa airport.
Oo nga, na sayo na pinakawalan mo pa. Sabi ni Kuya Nicko.
Hindi na yan magpaparamdam sayo. Sabi ni Kuya Paolo kaya tumingin ako sa kanya. Ano bang pinagsasasabi ng dalawang to?
Okay lang kuya may Sam naman siya. Sabi ni Kuya Nicko.
Kuya, mall tayo. Sabi ni Kian na maliit pa.
Halika na nga. Sabi ni Kuya Paolo kaya sumunod na kami sa kanya.
After that day hindi na nagparamdam si Ly sa akin. I called her everyday pero ni isang tawag ko wala siyang sinagot. Pag nagmessage ako magrereply kung kelan tulog ako at sasabihin niya na tulog siya nung nagmessage ako o kaya busy siya.
Nabwiset na nga si Sam sa akin dahil lagi akong badtrip kaya binreak ko na dahil lalo lang ako nababadtrip pag binubungangaan niya ako. Nagbabasketball kami ni Raf ngayon. Makikibalita rin ako sa kanya kung nakakausap niya si Ly.
Kief, focus. Sabi niya sa akin dahil kanina pa mintis mga shots ko at matatalo na kami.
Sub. Sabi ko dahil tamad na tamad ako maglaro kaya nanood na lang ako. Nakahabol naman sila Raf kaya panalo pa rin kami.
May problema ka ba Kief? Tanong ni Raf nung umupo siya sa tabi ko.
Naguusap ba kayo ni Ly? Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Me Now
Fanfiction"Sometimes Good Things Fall Apart So Better Things Can Fall Together" -Marilyn Monroe