Chapter 11

2.4K 111 4
                                    

Pagkahatid sa akin ni Kiefer sa bahay, umakyat na ako sa kwarto ko para matulog. Kung alam ko lang na iinvite niya ako sa graduation ball nila hindi sana ako umoo kay Raf. Ayoko nga sana pumunta dun dahil una magdredress at pangalawa makikita ko na naman si Kiefer kasama si Sam.

Kung hindi ako sanay na malambing sa akin si Kiefer, iisipin kong may gusto siya sa akin but he's always been sweet lalo na pag nagtatampo siya sa akin at nagsosorry ako. Pero nung hinug niya ako, I don't want to let him go.

Ly matulog ka na. Thinking about Kiefer all the time will not make him like you too. Sabi ko.

What if magpaganda ka para sa ball malay mo magkagusto siya sayo. Sabi ko.

Baliw ka na Ly kinakausap mo na yung sarili mo. Sabi ko at natawa ako bigla kaya tinulog ko na lang dahil baka matuluyan ako.

Paggising ko nagulat ako ng mukha ni Kiefer ang nakita ko kaya napatakip ako ng kumot sa katawan ko.

Anong ginagawa mo dito? Tanong ko.

You told me last night, you need to go home before 10 because you'll hear mass early morning. Ly, malapit na magsimula yung mass tulog ka pa rin. Sabi niya kaya napatingin ako sa wall clock ko.

Shit shit shit. Bakit hindi mo ako ginising? Tanong ko at tumakbo papasok sa banyo narinig ko pa siyang magsalita pero hindi ko na naintindihan.

Binilisan ko maligo at nagbihis na ako bago pa ako lumabas ng banyo. Nasa kwarto ko pa rin si Kiefer pag labas ko.

Ly, ano ba yang buhok mo. Basang basa. Sabi niya at kinuha yung towel na hawak ko.

Okay na yan. Tara na. Sabi ko.

Hindi ka ba muna magsusuklay? Tanong niya.

Sa kotse na. Sabi ko at palabas na sana ng bigla niya ko hilahin pabalik.

Sit down. Sabi niya habang nakaturo sa kama ko.

Kief, we'll be late. Sabi ko.

Magkakasakit ka dahil dyan sa buhok mo kaya sit down. Sabi niya kaya wala na ako nagawa kung hindi umupo.

Tuyo naman na Kief. Sabi ko ng punasan niya yung buhok ko.

Tuyo eh tumutulo nga sa shirt mo. May blower ka ba? Tanong niya kaya natawa ko

Hindi ako nagbloblower. Sabi ko kaya kinuha niya yung fan ko at nilapit sa akin saka ako sinuklayan habang nakatapat yung buhok ko dun.

Bakit ba ang tamad tamad mo magsuklay Ly? Tanong niya.

Masakit kasi sa ulo kagaya ng ginagawa mo sa akin ngayon. Let me do it. Sabi ko at inaabot yung suklay sa kanya.

Ako na. Sabi niya kaya hinayaan ko na, narelax naman ako sa pagsuklay niya sa akin nang biglang tawagin kami ni Kuya Nicko.

Hoy kanina pa kayo hinihintay sa baba. Nagpaparlor pa kayo dito. Aalis na. Sabi niya.

Tara na Kief. Okay na yan. Sabi ko.

Bakla ka ba Kief? Tanong ni Kuya.

Hindi. Sagot niya.

Eh bakit sinusuklayan mo yan si Ly? Tanong niya.

Pag nagsusuklay bakla na agad? Tanong ni Kiefer.

Ahhh kung hindi ka bakla girlfriend mo si Ly? Tanong niya.

Kuya. Kung ano ano na naman pinagsasasabi mo dyan. Bumaba na nga tayo. Malalate na tayo sa mass. Sabi ko.

Isusumbong ko kayo kay Papa. Kayo na pala huh, tapos pinapapasok mo pa yan si Kiefer dito sa kwarto mo. Anong ginagawa niyo dito? Tanong niya.

Love Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon