Few days bago sinimulan ligawan ni Kiefer si Sam, magkasama kami ni Raf sa tree house at umamin siya sa akin na gusto niya ako.
Ly, is it okay if I court you? Bigla niyang tanong sa akin.
Raf saan naman nanggaling yan? Tanong ko.
Matagal na tayong friends Ly and recently I feel different towards you. Sabi niya.
Huh? Bakit ako? Tanong ko.
Ayaw mo ba sa akin? Tanong niya.
No, i like you pero i never liked you like that. Alam mo naman yun diba mahal kita bilang kaibigan Raf. And you, courting me will just complicate things. Sabi ko.
Bakit naman? Tanong niya.
What if it didn't work out? Magkakasakitan lang tayo tapos hindi na tayo maguusap at magpapansinan. I don't want that to happen because you are a dear friend to me Raf, can we just keep it like that? Tanong ko at nakita kong nalungkot siya.
Okay. Sabi niya.
Please don't be mad. Sabi ko at nilagay ko sa balikat niya yung ulo ko, inakbayan naman niya ako. I wanted to tell him na hindi niya ako pwedeng ligawan dahil iba ang gusto ko pero baka masaktan siya lalo at hindi na ako kausapin.
I'm not Ly. Siguro nga mas okay na friends na lang. Sabi niya at nginitian ako.
Thank you. Sabi ko.
Ever since that day, wala naman nagbago sa amin ni Raf. Kahit hindi ko siya pinaligaw sa akin hindi sumama yung loob niya sa akin. Lagi pa nga kami magkasama. Him admitting that he has feelings for me made us closer pero walang malisya. Naging open lang kaming dalawa.
Mas madalas ko siyang naging kasama kesa kay Kiefer dahil simula ng ipakilala ko si Kiefer kay Sam lagi na yun ang kasama niya. Nandito ngayon si Raf sa bahay para iremind ako sa final game nila tomorrow.
Sure kang pupunta ka? Tanong niya habang nakatayo sa pinto ng kwarto at nagdradrawing ako.
Oo nga ang kulit naman. Istorbo ka eh. Sabi ko.
Ano ba kasi yang ginagawa mo? Tanong niya.
Eh di nagdradrawing. Sabi ko.
I know. What I mean is anong dinadrawing mo? Tanong niya.
Hindi ko pa alam pero dahil iniistorbo mo ako lalong hindi ko na alam. Sagot ko kahit alam ko na yung idradrawing ko.
Bahala ka. Sige, see you tomorrow. Sabi niya.
Okay. Galingan mo. Wag mong sayangin yung pagpunta ko dun tapos ibabangko ka lang pala. Sabi ko sa kanya.
Eh di si Kiefer ang icheer mo. Sabi niya.
May nagchecheer na dun. Sabi ko.
Ui selos. Sige na bye. Sabi niya nung tinignan ko siya ng masama.
Pinagpatuloy ko na yung pagdradrawing ko. Isa lang naman ang nasa isip ko eh. The day I introduced Kiefer to Sam. I can't erase that memory on my mind that's why I have to draw it. How happy he looked that day.
I always get lost when I'm drawing narealized ko na lang na gabi na ng tawagin ako ni Mama para kumain.
Anak, dinner na. Sabi niya.
Okay ma, sunod na po ako. Sabi ko.
Mamaya mo na ituloy yan. Patingin nga. Sabi niya at bigla kong tinakpan.
BINABASA MO ANG
Love Me Now
Fanfiction"Sometimes Good Things Fall Apart So Better Things Can Fall Together" -Marilyn Monroe