Chapter 56

2.7K 125 27
                                    

Nagtaxi ako pauwi muna sa bahay para kunin yung kotse ko.

Good morning Sir, welcome back. Bati sa akin ni Julie.

Morning. Sabi ko.

Breakfast kayo Sir? Tanong niya.

Hindi na. Kunin ko lang kotse ko. Saan hospital ba sila? Tanong ko.

Makati Med po. Sabi niya.

Ano bang nangyari? Tanong ko.

Basta po sumigaw na lang si Mam na masakit tiyan niya kaya dinala namin ni Rey sa Makati Med. Tinry ko po kayong tawagan pero nakaoff po yung phone niyo eh kaya si Mam Mozzy na lang tinawagan ko. Sabi niya

Okay. Salamat Julie. Una na ako, ikaw ng bahala dito. Sabi ko at tumango naman siya.

Walang masyadong traffic kaya nakarating ako agad ng Makati Med. Tinawagan ko si mommy at tinanong kung anong room si Maze at sinabi niya sa akin pero nagulat ako na nandito pa pala siya pagpasok ko ng room.

Mom. Sabi ko at hinalikan siya sa ulo.

Finally, you're here. Sabi niya at hinila ako palabas.

Where are we going? Tanong ko at napalingon kay Maze na natutulog.

We need to talk. Sabi niya at alam kong sesermunan niya ako pero sumama na ako.

What were you thinking? How can you leave your wife and child alone? Tanong niya.

They're not alone mom. May kasambahay kami. Sabi ko.

Wala ka na bang nararamdaman para sa asawa mo? Kahit konting concern kahit para sa apo ko na lang. I'm not asking you to stop the annulment but at least postpone it until she delivers. Sabi niya.

Why do I have to wait kung dun din naman kami pupunta? I'm not running away from my resposibilities naman. Sabi ko.

Your responsibility is not just providing financial support Kiefer you have to be here with them physically. Hindi ba naiintindihan ni Ly yun? Tanong niya.

Mom, wag mo isali si Ly dito. She doesn't have anything to do with this. Inis na sabi ko.

But she's taking you away from your family. Sabi niya.

She's not. She doesn't know about the baby until yesterday. Don't blame her for anything because she didn't do anything to break my marriage. It's already broken, late ko lang narealize. Sabi ko.

If she really loves you ask her to wait. Sabi niya.

I already made her wait for a long time. I won't do that again. Sabi ko.

My god Kiefer bakit ba hindi ka makinig? Tanong niya.

Because you're asking me to do something I don't want to do. Sabi ko.

The doctor said she's stressed kaya siya nandito ngayon and she need someone to look after her. Sabi niya.

I can't be there for her. Sabi ko.

Bahala ka na nga Kiefer. I'm just worried about my apo. Sabi niya at biglang umiyak.

Sorry mom. I love the baby but I don't love Maze anymore. I can't stay with her. Sabi ko.

Pumasok ka na. At least show some concern because she almost lost the baby.  Sabi niya kaya pumasok na ako sa loob.

I know na masama ang loob ni mommy sa akin pero ayokong pilitin yung sarili kong gustuhin yung mga bagay na ayaw ko.

Love Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon