Part 3

279 13 1
                                    

Nasa loob na kami ng elevator.....

Nakayuko ako at napapaisip........Grabe yung kanina nahiya ako sa sarili ko dang tanga ko kasi.

"Bro okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Emma.

Tumango lang ako.

Nang biglang may nagsalita na kasabay namin sa elevator.

"Kayo bang dalawa ay magpupunta sa ____Life?" tanong ng kasabay namin.

"Opo" tanging sagot ko sabay tingin sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim. "Nakita ko yung nangyari sa inyo kanina at nasampulan ka ng init ng ulo ni Boss Christian Riley S. Cruz....teka maloloan ba kayo?"

"Ay ang cute ng name ni sungit hehehehe" malokong tugon ni Emma.

"Yes po mam, actually yung nga ang pakay namin dito" sagot ko naman.

"Well good luck kung maapprove yan lalo na at nakabanggaan mo siya, siya kasi ang may-ari ng company na ito"

"Ay puta" bulong ko na may halong pag-aalala.

Napatingin si Emma sa akin...."Bro paano yan sayang punta natin dito" pag-aalala ni Emma.

"Try lang sis malay mo nakalusot"

Lumabas na kami ng elevator ay dumiretso sa office.

Marami na ang nakapila pangtatlumpot anim na kami. Sadyang marami ang nangangailangan ng pera kaya naman nakapila sila rito at naghihintay. Naririnig namin ang ilang na nagkukuwentuhan tungkol sa buhay nila bilang guro sa kanilang paaralan at ang ilang naman ay mga plano nila after dito.

Umupo na kami pagkatapos iabot ang papeles sa receptionist ng office at sila na daw ang bahala at tatawagin na lang kapag okay na.

May lumapit na babae na medyo may edad...."Mga Mam and Sir wait lang po lumabas po kasi ang pipirma sa mga irerelease na tseke" Ngumiti ito at bumalik sa isang kuwarto.

Malamang si sungit ang tinutukoy niyang pipirma na kailangang hintayin.

Patingin-tingin ako sa mga lumalabas ng pinto. Nasa tabi kami ng pinto kaya nasusubaybayan ko ang mga nalabas at napasok. Buti na lang malamig dito at ang kasama ko naman ay busy sa pagbasa ng text. Maya-maya ay kinuha ko muna ang aking cellphone para maglaro tutal mukhang tatagal kami.

"Bro nagtext si Chairman ko need ko daw gawa ng report about sa ginawa namin activity sa science."

"Hmmmmppp....Ganun di ba di naman ikaw ang head ng science eh bakit ikaw ang gagawa?" sagot ko sa kanya.


Naiinip na ako......ayaw ko nang maglaro...........tinapik ko si sis dahil nakakaramdam ako na naiihi.

"Sis labas lang ako tinatawag ako ni Mother Earth"

"Okay bilisan mo ah baka tawagin na tayo"

"Opo"

Tumayo ako at dahil malapit lang kami sa pinto madali lang ako nakalabas. Nagtanong na rin ako sa janitor kung nasaan ang C.R at buti malapit pala dahil medyo nasa bukana na ng gate ang tubig at kailangan na itong pakawalan.

Pagkatapos ko dali-dali akong bumalik dahil baka tawagin kami at may kailangan pa atang fill-upan para sa loan namin. Pagtapat ko sa elevator bago makarating sa office bumakas ito at guess what putik na damonyo!!!!!Si Mr. Sungit....

Binilisan ko ang lakad..............

Pumasok agad ako sa pinto.......Umupo at huminga ng malalim.

"Oh na paano ka?" pagtataka ni Emma.

"Sis parating na siya."

Lumingon siya sa likod dahil salamin ito kaya madaling natanaw kong sinong parating.

"Relax dude we gonna be okay"

"Sana nga sis"

Bumukas na ang pinto, sumandal lang ako sa upuan at pilit inaayos ang sarili baka kasi sungitan ako at di kami iaapprove sayang naman ang punta namin kapag ganun.

Amoy ko yung pabango niya, pangmayaman at kaakit-akit..........pero mas kinakabahan ako matalas pa naman itong tumingin at magsalita.

Diretso lang ito ng lakad...............Sige na Mister Sungit diretso lang wag kang lilingon bulong ko sa aking sarili.....

Pinipigilan ko huminga sa kaba......

Shit....shit...shit....huminto siya bakit.......Kalma lang baka may itatanong lang sa tauhan niya....

Maya-maya...........................

Puta!!!Bulaga!!!! Dahan-dahan itong lumingon at sa direksyon ko pa talaga siya tumingin..........nagkatinginan ulit kami at bumilis na ang takbo ng mga sasakyan at dinig na dinig ko ang ingay nito.......

Gaga puso ko pala.........Paano ko ba babawiin ang tingin ko yuyuko na ba ako?Anong gagawin ko...."Relax lang bro kalma wag kang papahalata na kinakabahan ka o natatakot" bulong ni Emma habang kunwari na kinakalikot ang bag.

Lumapit si sungit sa receptionist at parang may kinuha pa na papel.......Tumalikod na ito at lumakad papunta sa isang kuwarto doon ata ang opisina niya.

Pumikit ako.....Lord please help! bulong ko dahil kabado talaga ako ayoko ko na kasing marinig yung pagtataray niya sa akin.

Mga ilang minuto na ang lumipas at may pailan-ilan na ring lumalabas dahil tapos na sila.

"Sis nagugutom na ako kain muna kaya tayo mukhang matagal pa eh" yaya ko dito sa kasama ko.

"Maya na baka biglang magtawag eh"

"Okay" tangi kong sagot.

Nakatingin ako sa direksyong kung saan ko nakitang pumasok si sungit. Naghahanda lang.....

May lumabas nga pero hindi siya....Teka mukhang papalapit ito sa amin..."Sis" tawag ko sa katabi ko.

"oh ano?" tugon nito habang nakatingin sa kanyang phone.

Hindi ako sumagot kasi walang lumalabas sa bibig ko.

Papalapit na yung babae sa direksyon namin.....At tama nga ang aking hinala na kami nga ang sadya nito.

"Sir Mendella right?" tanong nito sa akin.

"Opo, bakit po?"

"Tawag ka ni sir Christian sa office, he going to ask some question regarding with your papers" tugon nung babae na malaman ay secretary niya.

"Sige po" tumayo ako pero may alinlangan pero inisip ko na lang baka may mali sa papel ko.

"Sis punta muna ako sa office ni mister sungit"

"Okay bro ingat hehehe" tawa ng loka.

Habang naglalakad instead na isipin ko yung pwede mangyari pero ang umaalingawngaw sa utak ko ay kanta.

Sweet love, sweet love
Trapped in your love
I've opened up, unsure I can trust
My heart and I were buried in dust
Free me, free us

You're all I need when I'm holding you tight
If you walk away I will suffer tonight

I found a man I can trust
And boy, I believe in us
I am terrified to love for the first time
Can you see that I'm bound in chains
I finally found my way
I am bound to you
I am bound to you

Andito na ako ngayon sa harap ng kanyang office......ano kaya ang mangyayari at bakit naman yung kanta yun ang naiisip ko habang papalapit sa kanya.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon