Part 33 (I will take care of you)

121 8 0
                                    

If you cut a tree while its young you will never find out how big or tall this tree will reach......

Kapag pinakitaan ka ng pagsubok at sa tingin mo agad ay hindi mo ito kaya at agad mo itong binitawan hindi mo malalaman ang maaaring maging resulta o bunga nito dahil simula pa lang sinukuan mo na.

Life is full of challenges..............pero huwag masyadong magdrama hindi mo makukuha kasi sa arte ang tamang paraan upang malagpasan ang pagsubok dapat niyan ay harapin mo at pag-aralan. Kasi sa bawat pagsubok may katapat yang aral, aral na magbibigay ng karagdagang kagamitan o sangkap upang maging mas mahusay at matibay sa ano pa mang darating na pagsubok.

**************************

"Sige po tita ako na bahala dito magpahinga po muna kayo" pinauwi ko na sina Cassey at mommy Carmen para makapagpahinga. Nagbilin na lang ako kay Cassey na dalhan ako ng masusuot bukas. Naroon pa naman sa kuwarto ni Christian ang mga damit ko na pinamili namin noon.

Kasalukuyang natutulog si Christian, maputla ito at mukha talagang walang matinong tulog at kain, pumayat rin siya at ang itsura nito ay nag-iba. Kawawang Christian tatapusin ko na ang paghihirap niya tatakpan ko ng unan ang mukha nito para hindi makahinga hahahahaha..................joke lang, yan kasi kakapanood ng teledrama kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko hahahaha. Kinuha ko ang upuan at tumabi sa kama at habang nagbabantay ay nagbabasa na lang ako ng kuwento sa wattpad. Tutal mahimbing naman ang tulog nito kaya ito muna ang gagawin ko at mabuti kasi Biyernes ngayon at pwede akong magpuyat.

Pero hindi ko namalayan na bumagsak na rin pala ako..................

Naglalakad ako sa isang harding puno ng mga bulaklak at makukulay na paru-paro. Payapa ang paligid at masarap ang simo'y ng hangin. Maliwanag ngunit hindi gaanong mainit. Sa aking paglalakad may tila tumatawag sa akin pero hindi ko pansin dahil awtomatiko akong pinalalakad ng aking mga paa sa direksyon ng isang puno na may makukulay na dahon. Kay sayang pagmasdan nito at tila ang mga sanga'y umiindayog sa saliw ng hangin, kumikinang sa halik ng liwanag ng araw. Masaya ang aking pakiramdam tila ba wala akong naranasang hinanakit. Gusto kong manatili sa lugar na ito..............

Ngayon ako ay nakatayo sa harap ng puno, ngiti na walang kapares ang aking naiukit sa aking labi ng makita sa katawan ng puno ang guhit ng hugis puso at nakasulat ang pangalan ko ni Christian may kung ano tuloy sa aking dibdib ang aking naramdaman. Sa aking pagtingin sa ukit sa puno may naramdaman pa akong iba, haplos na mainit ngunit masarap sa pakiramdam at pagtawag sa aking pangalan. Lumingon ako at hinanap hindi ko matagpuan kung saan nagmumula.

"Babe hoy gising!" napamulat ako putaness naman nanaginip pala ako. Napahilamos tuloy ako ng mukha.

"Sorry nakatulog ako" paumanhin ko kay Christian.

"Anong nasa panaginip mo, you look happy while sleeping sarap ng ngiti mo"

"Wala, wait kanina ka pa gising are you hungry na?" tanong ko rito, gusto ko sanang ikuwento baka makornihan siya eh.

"Yes babe, pero samahan mo muna ako sa cr i need to pee"

"Opo amo tara na po" tumayo na ako sa aking kinauupuan at nag-unat muna. Inalalayan ko ito sa kanyang pagbaba, ibinaba ang dextrose at saka na kami lumakad patungo sa cr.

"Andito na po tayo boss sige na po wiwi ka na po"

"Baba mo naman ang brief babe masakit ang kamay ko" aba loko ito pati ba naman yun...tinalikuran ko nga ang mokong.

"Bahala ka nga diyan makita ko pa yang ano"

"Okay bahala ka" aba ano ako manyak loko to!

"Whatever, sige na ihi na ihahanda ko pa makakain mo"

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon