Part 47.C (Truth will set you free)

99 5 0
                                    

Naliligo kami ngayon sa dagat at tuwang-tuwa naman ang mga bata..........

"Hon bibili lang ako ng drinks natin" paalam ko kay Paul at saka pumunta sa tindahan.

Naglakad-lakad ako at ayun natagpuan ko yung sinasabi nilang convenient store gusto ko kasi uminom ng malamig na softdrinks kahit bawal wala eh hinahanap ng panlasa ko.

Pagpasok ko ay dumako ako sa kanilang ref para kumuha ng malamig na maiinom para sa akin, kay Paul at para sa mga bata. Saktong ilalabas ko na ang softdrinks na napili ko may kamay na humawak sa kamay ko.

"Hindi pwede yan sayo ito na lang" inabot nito ang orange juice pagkatingin ko si Christian, agad kong tinanggal ang kamay niya.

"A-ano bang ginagawa mo eh sa gusto kong uminom nito eh"

"Sabagay may doctor ka nga palang kasama"

Dumampot na ako ng drinks at saka pumunta sa counter para magbayad.

Sinundan pala ako nito........."Ako na magbabayad" inabot nito ang bayad nito sa cashier.

Naku bahala na nga siya agad kong kinuha ang pinamili ko at lumabas ng tindahan. Hinabol pa rin ako nito.

"Hey wait!" dinig kong nagsalita ito pero tuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Ren saglit lang kasi" naramdaman ko na lang ang kamay niya na hawak ang kamay ko at hinila ako ng malakas at napabunggo ako sa kanya. Nagkatinginan kami nito,shocks bakit hindi ko maialis agad ang tingin ko parang may magnet pero baka makita ako ni Paul kaya naman pinilit ko ialis ang tingin ko at kumalas sa pagkakahawak niya.

"Ano ba kasing kailangan mo?"

"Ikaw!"

"Alam mo naman hindi na pwede di ba"at naglakad ako palayo buti hindi na ako sinundan pero habang naglalakad ako pabalik kina Paul nakatingin ito sa akin.

"Kids ito na ang drinks oh inom muna kayo" tawag ko sa mga bata.

"Napaano ka parang may humahabol sayo" tanong ni Paul sa akin medyo hingal pa ako dahil binilisan ko ang paglalakad.

"Wa-wala naman"........."Ito o inom na"

***********************

"Anak pupunta kami sa bayan isasama ko muna ang mga bata para maipasyal at huwag kayong mag-aalala may kasama naman kaming staff kaya okay lang na nasa akin muna si Tiffany" si mama kasama niyang maggagala si mommy Carmen, hindi ko alam kung naikuwento na ni mommy Carment kay mama Eliza na ex ko ang anak niya.

"Sige po mama ingat po kayo" sagot naman ni Paul.

"Ay siya nga pala niyaya kayo ng anak ni Amiga na maglunch sa restaurant" napatingin lang ako kay Paul.

"Okay sige po okay lang wala naman po kaming gagawin"

Umalis na nga sina mama kasama ang mga bata.............at kami naman ay naligo na ulit para makapaglunch na...............sabay kaming naligo ni Paul.

"Hon parang ayaw ko magpunta" nakayakap ako ngayon kay Paul habang shinashampoo niya ang aking ulo.

"Bakit hon naiilang ka ba sa kanya?"

Tumango lang ako ....

"Hayaan mo na saglit lang naman yun at hindi naman kita papabayaan."

Nakahinga ako ng maluwag dahil alam ko naman na hindi talaga ako pababayaan ni Paul. Nagbanlaw na kami at saka nagbihis.

Pagdating namin sa restaurant nakita na namin si Christian na nakaupo na.

"Oy pre pasensya na sa paghihintay" nakipagkamay si Paul kay Christian.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon