Part 46 (I'm Back, Were Back)

121 5 0
                                    


Ren POV

Magkatabi kami ngayon ni Paul at hawak nito ang aking kamay samantalang nakahiga sa kanyang dibdib si Tiffany nakakatuwang pagmasdan ang dalawa. Ako naman ay ipinatong ang aking ulo sa kanyang balikat at nakatulog.

"Paano ako babalik sayo kung masaya na ako?Paano pa ba natin ibabalik ang dati kong expired ang pagkakataon mo at nagsisimula na ako ng bago?"

"Gagawin ko ang lahat parang awa mo na bigyan mo ako ng chance"

Iminulat ko ang aking mata at saka umupo ng maayos, ano nga ba ang dapat kong isipin at gawin?Nababaliw na ako.

Kung ipagpapatuloy ko ba ang pagpapakasal kay Paul tuluyan na ba akong makakalaya kay Christian?

Kung bibitaw naman ako kay Paul at babalik kay Christian makakasigurado ba akong hindi na ako masasaktan?

Huminga ako ng malalim at saka pumikit at nagdasal............

Paikot-ikot ako kakahanap ng pwedeng isagot sa mga tanong ko.........sumasakit ang ulo!!!!nakakastress, nakakabaliw bakit naman kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon....ng biglang may humalik sa akin pisngi.

"Hon are you okay?" si Paul pala at gising na ito para akong pusa na hindi matae sa upuan ko.

"O-okay lang excited lang alam mo matagal na akong hindi nakakauwi" tugon ko pero parang walang gana naku mahahalata niya na naloloka ako sa pinag-iisip ko ang galing din pa naman humuli ng lalaking ito.

"Hmmmm feeling hindi ka okay tingnan mo mukha, ano ba kasing problema mo?" sabi na eh shit kahit ayusin ko agad mukha ko at umakting na okay lang wala huli pa rin ako nito.

"Wala ano ka ba?"

"Okay"

"Papa" dining kong salita ni Tiffany, kinuha ko muna ito sa kanya para kalungin.

"Gising na baby, are you hungry na?" tanong ko sa bata.

Hindi ito sumagot bagkus isinubsob nito ang mukha sa aking dibdib at mukhang matutulog ulit sabagay one hour palang siyang nakakatulog nabitin siguro.

"Hon saan-saan tayo pupunta pagdating natin sa Pinas" panimula ko ulit sa naputol na conversation namin ni Paul.

"Doon muna tayo kina tatay for three days then sa mansyon tayo at igagala daw tayo ni mama sa resort ng kanyang amiga sa Palawan" sagot nito hinawakan niyang muli ang aking kamay.

"Good yes nakakamiss maligo sa dagat hehehe at pag-andoon tayo kina tatay gamitin natin yun para makita ulit ang mga kaibigan ko huh para ipakilala kita sa kanila."

"Yes good idea"

"Oh sige matulog pa tayo malayo-layo ang lalakbayin natin"

"Lalim naman"

"Hehehehe Filipino day ngayon ano ka ba"

"hehehehe yan ang gusto ko sayo eh at mamimiss ko yan" nakapikit na ako pero pinakikinggan ko siya at sa mga huling bahagi ng salita niya parang nagulat ako at napadilat ano bang tinutukoy niya.

"Mamimiss?Bakit?" nakatingin ako ngayon sa kanya.....nakaramdam ang ng hindi maganda sa part na sinabi niya "at mamimiss ko yan".

"Wa-wala yun ikaw naman" hinawakan ako nito sa pisngi at binigyan ng mabilis na halik sa labi....."Sige na matulog ka na ulit."

Ipinikit ko na lang ulit ang aking mata at pinilit irelax ang utak. Gumalaw ng bahagya ni Tiffany at humigpit din ang yakap nito sa akin.


Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon