Nakalabas na ng ospital si Christian at mabuti wala naman kaming pasok sa eskuwela kaya naman nasamahan ko siya sa bahay nila.
Pero siyempre kailangan ko na ding umuwi dahil ilang araw din akong nagbabantay sa kanya.
*****************************************
Kapag pala ang bagay na nabuo ng mabilis
Natitibag kapag hinagis
Mabuo man hindi na babalik sa dating hugis
******************************************
Well guess what, days and weeks pass and now we are celebrating our third month. Bumawi naman siya masaya at nakakapanibago parang bumalik sa unang buwan. Namasyal kami sa isang resort na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Davon, nakakatuwa nga eh kasi kapangalan pa niya ang pupil ko dati sa private school tapos medyo hawig din sila. Nagstay lang kami ng two days and one night. Kung itatanong nyo nangyari na ba ang ano......and the answer is yes natuloy nabigay ko na ang lahat. Nahihiya lang talaga ako insecure kung baga kasi naman ang taba ko hindi rin makinis tapos isang katulad ni Christian na ang ganda ng katawan, maputi at makinis ang aangkin sayo.
Then after noon pumunta pa kami sa isang museum at dahil naman may isa siyang client na magkakaroon daw ng exhibit ang anak. Mabuti gusto ko din ang art hindi dahil art teacher ako, dahil wala lang natutuwa lang ang aking mata sa mga likhang sining ako kasi walang gaano tiyaga pagdating sa art.
Masayang-masaya ako sa time at effort niya. At siyempre binigay ko din ang best effort ko para maipakita na mahal na mahal ko siya. Nakalimutan ko na nga lahat ng tampo ko sa kanya since matapos yun incident na maospital siya.
But i guess hindi araw-araw pasko, dumaan ang 4th and 5th month balik na naman sa BUSY EH. Kaya halos once or twice lang kami nagkikita at nagkakasama at yun monthsary namin wala lang pero unawa, unawa, understand, understand at higit sa lahat unawa at understand lang ako lagi at lagi at parati. Winawaksi ko ang negativity when it comes to that sa simula pa lang naman di ba negosyante siya at teacher ako. Kung ako nga rin busy din dahil dumadaan kami ngayon sa training dahil huling batch na kami ng mga teachers na dadaan sa K-12 training.
Kung tatanungin mo ako kahit ba busy ako eh maglalaan pa rin ba ako ng time para magkita kami. Oo gagawin ko kung magsisinungaling pa ako para lang magawa yun kahit nasa tranining ako why not......
************************************
Tapos na ang training at panibagong school na naman nawala na sa loob ko ang lahat dahil sa dami ng ginagawa at nakahot seat ang grade six dahil kami ang huling nabigyan ng training para sa K-12.
6th month na nga pala namin pero wala akong narereceive na anumang pagbati. Ako gumawa ako ng card then i ask kuya Bert to give it to Christian. Sinamahan ko na rin ng masarap na kakanin at tahong chips na sikat sa lugar namin. And i created a box kahit na bano ako sa mga ganun eh nagpaturo ako sa aking mga co-teacher para mas presentable ito. Natuwa naman sila sa ginagawa ko sabi ko naman "Kulang pa nga ito mam eh marami na rin siyang naibigay sa akin" pero yung nagpatunganga sa akin eh yun sagot niya kasi alam naman niya yun sa amin ni Christian since siya ang tinuturing kong nanay at siya rin naman ang head ng grade level namin..."Eh time nabibigay ba niya kilala kita alam ko kahit maraming ginagawa gumagawa ka ng paraan para sa taong mahalaga sayo naalala ko pa nga noon nainimbitahan kita sa debut ng anak ko kaso saktong may seminar eh kaclose mo pa naman yun anak ko tapos nagulat na lang ako na dumating ka yun pala tumakas ka napagalitan pa nga kita noon di ba?Anak ang relationship hindi nakukuha sa puro bigay ng materyal na bagay at luho kailangan din ng time."
Hindi na lamang ako sumagot bagkus nagpatuloy ako sa pag-aayos at since andito na rin naman si Kuya Bert. Nagtanong ako sa kanya kung may pinapasabi ba si Christian. Sumakit lang ang puso ko sa sagot nito..."Wala naman po sir ni hindi nga ako kinibo noong nagpaalam ako eh".......Busy yun Renzo, busy siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/91812024-288-k400752.jpg)
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
De TodoMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...