Part 8 (nakakagulat pero nakakatuwa)

199 7 0
                                    


Hindi na ganoon kalamig ang panahon kagaya ng bata pa ako grabe halos hindi mo na gugustuhing maligo sa umaga pero no choice ka lang kasi nakakahiya namang pumasok ng mabaho di ba?

Nakakapagod mag-ikot pero okay na rin nalibang na rin ako kahit paano kagabi.

Bakbakan day again sa school....Buti wala ang dragon i mean si principal hehehe.

Kakaunti pa rin ang pumasok na bata kasi naman ilang araw na lang eh Christmas party na nila. Hiningi ko na rin sa bata yung number nung rerentahan namin ng videoke promise ko kasi sa kanila yun eh.


Habang nagtuturo ako makikita sa ibaba na may dumadating na nakakotse at pumapasok sa school pamilyar ang mga kotse na yan pagmamay-ari ng masungit na engineer na gumagawa ng building namin.

Pero maya-maya eh may bagong kotse akong nakita pinapasok ng guard. Mukhang yayamanin ang may ari siguro isa sa mga co-teacher ko ang may-ari niya kasi yun iba sa kanila may asawang seaman kaya bongga ang life.

Wala na akong paki....tuloy ako sa pagtuturo ng biglang pinasok ako ng isa sa guard na katropa ko bata pa kasi siya kay halos natrotropa niya rin eh yung mga bata bata pang teacher.

"Sir may naghahanap po sa inyo"

"Huh?Bakit may nagrereklamo ba laban sa akin" sagot ko na may halong pagtataka kung bakit may maghahanap sa akin eh tapos na ang bigayan ng grades at lahat ng bata may grades sa akin.

"May kakausap lang po sa inyo yung nakakotse" tugon naman ni tropa.

"Okay sige baba na ako"

Umalis na ang guard at binalingan ko muna ang mga bata at nagbilin............"Mga anak huwag lang isulat ang nasa libro basahin at maghanda sa seatwork ang mababa ang iskor may kotong hehehehe joke lang"

Nagtawanan naman ang mga loko.


Pagbaba ko natanaw ko yung pumasok na sasakyan mas maganda siya sa malapitan pang mayaman nga.

Nang malapit na ako bigla bumukas ang pinto at may lumabas na mama na nakauniform.

Binati ako nito at may inabot na malaking box......"Sir pinabibigay ko sa inyo ni Mr. Textmate" sabay abot at ngiti  nito sa akin.

"Kuya sino po ba yun?Ano po ito?Baka lason ito ah?"

"Huwag po kayong mag-alala yan daw po yung gusto niyo, mabait po yun at walang pong lason yan" sagot ng mama sa akin.

"Taga saan po ba si Textmate kilala ko ba siya o kilala ba niya ako?"pangungulit ko kay mama.

"Sir pasensya na matatanggal po ako sa trabaho kapag may sinagot po ako sa tanong nyo" halata sa boses yun pag-aalala sa magiging lagay niya if ever magkamali siya.

"Okay po sige salamat po sa paghatid ng kung anuman po ito"

"Wala pong anuman alis na po ako sir"sumakay na ulit ito at pinaandar na ang sasakyan.

Maraming nagtitinginan sa akin ang laki kasi ng box na inabot sa akin.

Lumapit ang isa kong co-teacher na tsismosa....."Sir umorder ka ba sa L_zada? dami niyan ah"

"Tsismosa naman ito bakit ikaw lang ba pwede umorder doon (joke lang nasa isip ko lang yun habang nakasmile sa kanya".............."Ay opo mam kasi pangregalo ko sa mga pamangkin ko" sagot ko dito.

Lumakad na ako at iniwan ang bruha..............dumiretso ako sa room ko at takang-taka naman ang teacher na nasa loob nito at namangha..............gayun din ang mga anak ko (pupils)

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon