Part 51 (Goodbye)

108 6 0
                                    


"Hindi ko alam James ang itatanong ko sayo at hindi ko rin naman alam kong tama ba ang ginagawa ko sa ngayon?" nasa restaurant kami ngayon dalawa ni James, hindi ko na rin alam kung bakit pero gusto ko siyang makausap regarding sa nangyayari sa kanila ni Paul.

"Huwag kang mahiya ask me kung ano man yung bumabagabag sa loob mo?" tugon naman nito habang nakatingin sa akin.

"Ano kasi-" may hesitation sa part na ito pero alam mo yung gusto mo na talaga kaya pilit akong humuhugot ng anuman pwede ibuga para matapos na ang mga tanong ko "Ano na bang meron kayo ni Paul?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Obviously oo siyempre kaya nga ako nakipagkita eh, so anong meron sa inyo ni Paul?"

Nagsimula siyang magkuwento sa mga nangyayari sa kanila ni Paul habang nasa estado kami ng pag-iisip. Nagkukuwentuhan at minsan nagkakainuman ang dalawa madalas mabanggit ni Paul yung panahon na nagkilala kami at paano ang buhay namin noon ilang taong magkasama kami sa bahay nila. Tapos ayun bigla daw iiyak kasi nanghihinayang siya dahil sa nangyari maaaring kaming maghiwalay at pwede hindi matuloy ang kasal naming dalawa....doon daw kadalasan umiikot ang kuwentuhan nilang dalawa.

"Kailangan niya ng kausap lalo na at humingi ka ng time hindi ba?"

"To be honest James hindi ko nga alam eh pero gago lang siguro ako pero James sayo ko muna ito sa sasabihin ito pero gusto ko nang bumalik kay Christian" bigla na lang pumatak ang luha ako ewan ba nalilito ako sa takbo ng kuwento namin pero ito, ito ang takbo ng ng nasa isip at puso ko ngayon.

"What?Paano kayo ni Paul?Masasaktan siya sa gagawin mo"

Tinakpan ko ng kamay ko ang aking mukha hindi ko na kasi kaya ang nararamdaman ko siguro ang gago ko din, bibitawan ko na si Paul since mukhang sasaluhin naman siya ni James para makabalik kay Christian pero, WHAT THE HELL tama ba yung nasa utak ko ngayon?

"James i don't know?i-i don't know nahihirapan ako simula ng magkita kami ulit ni Christian at sabihin niya na hindi pala totoo yung sumira sa aming dalawa, kung alam mo lang ayaw ko nito para akong tanga hindi ko na alam kung tama pa ba ang iniisip ko" humagulgol ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko dahil sa kalituhan na pinagdadaanan ko.

Pero sa totoo lang sa isang side ng isip ko, masaya ito at nagdiriwang dahil i can go back to the person that i love at alam kong si Paul at hindi rin mawawalan dahil andito naman si James.....Ang abnormal ba ng nasa isip ko ngayon?

"Ang masasabi ko lang sayo Ren parang sa case natin parang naghanap ka na lang way para maitapon si Paul at pulutin ulit si Christian, sorry ah pero yun ang nasa isip ko ngayon" tama ang tinuran niya pero parang sampal pa rin ito kasi hindi yung ang interpretation ng isip ko. Hirap pala maipit sa ganito.

"Ito tissue punasan mo mukha mo hehehe baka akala ng mga tao dito may LQ tayo" inabot ko naman at saka nagpunas ng luha.

"Loka ka talaga, alam mo totoo ka pero ewan i suck with this situation, never ko naman kasing pinangarap ito never ko din inexpect mapunta sa ganitong situation, but i guess i need to think and make some moves at iadd ito sa aking experiences pero hirap pala"

"Ganyan nga, pero this time kain muna tayo bago lumamig ang pagkain"


********************************************

Ganito ba talaga kahirap yung tinatawag na pag-ibig?

Maraming theories and philosophies na pwedeng magamit pero kapag hinaharap mo na kahit gaano ka pa kapamilyar sa mga ito eh nagiging tanga ka na lamang lalo na kapag masasaktan ka kapag nawala na siya.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon