Part 53 (Seal the deal)

122 7 0
                                    

Andito ngayon sa bahay ang tropa ko wala kasing pasok sa work so naisipan namin magsama sama.

"Ren maligo ka na may pupuntahan tayo" si ate Tess habang nililigpit ang mga platito.

"Saan tayo pupunta?At saka ayaw kong gumala ngayon balik ni Christian eh"

"Hay naku Hipo maligo ka na arte mo dali na para makagala tayo" sabat naman ni Liza

"Oo nga kuya Ren i'm sure mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin kaya dali na ligo na " si Maggy ang bata sa grupo.

"Eh bakit nyo ba ako pinagtutulakan maligo mabaho ba ako?Tsk kaasar"

"Pinagtutulakan?" Tumayo si sis Emma at talagang tinulak ako " Sige na akyat na at darating din si tito kukunin muna si Tiffany at namimiss na ang apo"

"Tsk"

"Ren?" naku ito na po ang tono ng boses ni ate tess.

"Nakakatamad gumala eh at saka need ko ng energy para sa pagsundo kay Christian"

"Ren isa pa" ayan na po siya.

"Opo susunod na po"

Ano ba kasing trip ng mga ito, umakyat na ako para maligo, kala ko ba naman foodtrip lang kami dito sa bahay namin ni Christian tapos bigla ding kinuha ang anak ko hindi naman ganun si tatay nagpapaalam agad yun kung hihiramin ang apo niya.....well hayaan na nga natin baka gusto lang nila ng bonding.

"Ayusin mong maligo Hipo para hindi ka amoy koral hahaha!!!" Malokong sigaw ni Liza habang paakyat ako.

"Tse unggoy!!!" reply ko sa pang-aasar niya.


******************************

"Teka lang yung totoo saan tayo pupunta?Cavite tapos andito na tayo sa Makati?Ano meron dito?" pangraratatat ko sa mga kasamahan ko.

"Relax!makakarating din tayo doon but for now dadaan tayo sa isang botique kasi may formal party tayong pupuntahan kailangan maganda get up natin" si ate Tess na panay ang tingin sa labas naliligaw ba kami?

"Ano ba kayo mamayang gabi ang dating ng jowa ko tapos magpapagod ako sa party na ito tsk kaloka kayo baka malowbat agad ako kapag nag-aya ang jowa ko"

"Ew bastos mo Bro, wag ka na ngang umangal saglit lang tayo doon at i'm sure magugustuhan mo yung party na yun.

Note: Simula naging kami doon na kami tumira ni Christian sa exclusive sudvision niya na nilayasan namin noong nagkalabuan kami pero now okay na at andoon na kami muli pinarenovate pa nga niya para mas lumaki at gumanda para sa aming dalawa daw at sa magiging anak namin (may matress ako di ba hahaha)

"Eh hindi naman ako mahilig sa party-party alam nyo naman yun di ba?" angal ko pa more.

"Isa pa bro bibigwasan na kita one to two hours lang naman ang party kaya wag ka ng umangal at saka importante itey networking at malay mo matulungan mo pa kami ni Maggy na single pa hehehe."

"Okay-okay surrender na!"

"Oh andito na tayo sa botique na sinasabi ko" si Ate Tess.

Mukhang pangmayaman ang peg ng botique na ito, pagpasok namin binati kami agad ng kanilang staff at ng tanungin may inabot si ate Tess at binasa ng isa sa staff napatangon lang ito at sinabihan niya ang kasama niya na VIP at tawagin daw ang manager......VIP wow huh itong si ate Tess may kababalaghan di sinasabi sa amin.....nagtataka ako.

Umupo muna kami sa sofa then nagserve ng ice tea ang mga staff then lumabas ang manager at sinalubong ni Ate Tess at konting chikaness ang dalawa na mas lalong nagquestion mark sa akin eh sa lahat isa ito si ate Tess ang ayaw sa ganitong kaartehan.......tapos ito pak!

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon