Emma POV
Hoy bro, tara na bilisan mo kompleto na ba papeles mo? text ko sa aking kaibigan si Ren.
Oo kahit bading yan brother ang tawag ko diyan. Di naman kasi mahahalata agad na diyosa ang lola mo dahil hindi siya maharot at showy.....Haharot lang yan kapag naglolokohan na kami.
Naging kaibigan ko siya since magstart kaming magturo....Nakasabay ko pa ngang mag-apply at magdemo yan.
"Oo na wait lang....OTW na ako" reply ni Ren.
"Sige abangan kita sa may kanto, bilisan mo nagtext na si tita (yun agent na kausap namin)"
Hindi na nagreply ito at maya-maya natanaw ko na siya.
Pumara kami ng taxi para mas mabilis medyo tamad kasi ako magpalipat-lipat ng sasakyan.
Ren POV
Hay naku nagmamadali na ang lola na nagtext na si Emma.........Binilisan ko na ang pagbibihis para makaalis na.
Pagkasuot ko ng shirt eh nagreply na ako kay Friendship......"Oo na wait lang....OTW na ako"sagot ko sa kanya.
Nagwisik ako ng pabango para naman may maakit hehehehe Charot lang.
Maya-maya pa ay nagreply na ito.........Hmmmm binasa ko lang pero inuna ko na ang dapat kong gawin pinasok ko na sa aking bag ang aking gamit.
Naglakad na ako palabas ng bahay. Nang masulyapan ako ng ate ko na nagtataka at hindi ako nakauniform. Pero dali-dali akong lumakad palabas ng pinto para hindi na niya magawang magtanong.
Nakita ko na si Sis sa kanto nag-aabang na, posturang kala mo aattend ng party hehehehe.
"Saan lakad mo sis" pabiro kong tanong dito.
"Wala bro mangungutang lang sa tindahan hehehehe" sagot ni Emma.
"Tara na para maaga din tayong makarating".
Sinakto namin nasa paaralan na ang mga bata kasi karamihan sa mga kapitbahay namin ay pupils namin. Para mabawasan ang makakakita sa amin at lalo na di kami pumasok hahahaha dahil "Uutang kami sa lendin" hehehehehe magpapasko kasi.
________________________________________________________________________________
Ngayon kami ay nasa taxi na, natahimik kaming dalawa dahil kailangan naming basahin at sulatan pa ang ibang form.
Maya-maya ay binasag ni Emma ang pagkabusy namin...."Bro magkano ba talaga ang uutangin mo?" tanong nito sa aking habang nakatingin ito sa papeles niya.
"Gayahin na lang kita, eh di pa naman need ng datong kaso since kapatid kita gagayahin na lang kita" sagot ko rito.
"Gagi ka talaga hehehehe"
Mabilis lang ang biyahe namin, walang gaanong sasakyan sa daan para maswerte ata ang araw na ito para sa akin.
At nakarating na kami sa aming patutunguhan. Umabot sa lamang ng 40 minutes dahil nga hindi naman traffic.
Pumasok na kami sa building na kung saan nakatirik ang opisina na sadya namin.
Pagpasok namin may lupon ng mga tao na abala at mabilis na naglalakad palabas ng elevator, samantalang kami naman ni Emma ay papalapit pa lang sa elevator.
Dahil sa nature ko na ata ang maging aligaga o parang lagi na lang maging handa habang naglalakad hinalukay ko ang bag ko para makuha ang id, ballpen at kung ano pa kaya habang naglalakad eh di ko napansin............
"Shit!naman are you blind or stupid?" tanong ng isang lalaki na nakabanggaan ko pala.
Napayuko ako at bigla na lang may humawak ng kamay ko, si Emma...."Sorry po" tangi kong sagot sa kanya.
"So ganun lang tignan mo yung mga papers na kailangan ko nagkalat dahil sa hindi ka tumitingin sa daan" pagalit na sabi nito.
"Sorry naman boss, at pwede wag mainit ang ulo kapogi eh" sabat ni Emma
Ako naman ay nakipulot naman sa mga papel kahit may abala nang tao na siguro tauhan niya sa pagpulot nito.
Tumayo ako at inabot sa kanya..............putik totoo ba ang nakikita ko.....kahit nakasimangot pero alam mo yun mala....mala......putik talaga DANG POGI ni MISTER SUNGIT....
Hindi ko agad maialis ang tingin ko sa kanya...........nagtama pa nga aming paningin pero naconscious ako kaya binawi ko agad ang aking tingin.
"Next time tumingin ka sa dinadaan mo and.............anyway" lumakad na ito palayo kasama ang mga tauhan niya.
Nakahinga ako ng maluwag.............pero natawa naman itong si Emma.
"Bro............hahahaha natulala ka kanina ah hahahaha first time mo yun"
"Huh?Wala...Wala....wala yun sis" pautal kong sagot.
"Bro first time mo yung........yung matulala sa gwapo huh!kahit marami tayong nakakasalamuhang gwapo eh balewala sayo tapos ayan si mister ek-ek eh para kang timang".
Napansin ko nga rin yun kahit na natatakam ka sa nakakasalubong mo di ko magawang titigan sila kasi alam ko and as if papatulan nila ako....pero ewan ano meron sa nuknukan ng sungit na yun at natulala ako at parang may kung ano pang kiliti sa aking loob na aking naramdaman.
Nagpatuloy lang kami sa aming pagtungo sa aming pakay sa lugar na yun. Nakaramdam din ako ng hiya kasi marami ring nakatingin.
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
AcakMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...