Part 28 (Under your spell)

102 7 0
                                    

Kung nasaan ka ay naroon rin ako, parang anino laging susunod sa iyo. Sapagkat ikaw ay parte na ng pagiging ako. Hindi na magiging ako ang aking sarili kung mawala ka sa piling ko.


*********************

Enjoy na enjoy kami sa stay namin pero kailangan na rin bumalik kaya naman walang choice kung hindi mag-impake para maghanda na ulit pabalik.

Kami naman ng mahal ko masaya na at nahuhulog ako sa kapangyarihan niya pero hindi ako bumibigay kahit malakas ang kanyang alindog at pang-aakit. Siguro naging rule ko na kailangan magtagal muna ang pagbuo ng aming samahan bago ang sex. Ewan maarte ba ako?

Napagod man sa biyahe nagpaalam na ako kina mommy na kailangan ko ng umuwi dahil may pasok na ako bukas. Sarap sanang magstay na lang sa kanila pero kailangan na talagang bumalik ulit sa trabaho eh. Kawawa naman ako kapag hindi ako nagtrabaho wala akong kita nganga na lang ako noon.

Alam kong pagod si Christian kaya nagsabi na lang ako na magtataxi na lamang ako pauwi pero mapilit ito kaya naman hinatid niya ako. Sa aming paglalakbay pauwi sa aming tahanan (buwan ng wika ba?), nagkukuwentuhan lang kami ng kung anu-ano binalikan ang mga nangyari at nagtawanan na lamang dahil sa ginawa ko at ginawa niya ng nasa bakasyon pa kami.

"Babe lapit na ng first monthsary natin mag-iisang buwan na pala tayo no?" oo ng pala dalawang araw na lamang at unang monthsary na namin. Natuwa ako kasi parang excited din siya ng sabihin ito nakita ko sa expression ng mukha niya. Mahal talaga ako nito eh mahal na mahal ko din siya.

"Oo nga babe eh at sana umabot tayo sa maraming monthsary at lalo na ng maraming anniversary" sagot ko dito at naiisip ko pa lamang yun parang ang saya saya na yung pakiramdam na magkasama na kayo, bubuo na ng pamilya, araw-araw mo na siyang katabi, pagsisilibihan mo na, araw-araw ka na ring paliligayahin sa alam mo na at magkakaroon ng makukulit na supling. Ang saya siguro nun yung idea na mag-asawa na kayo at magkakaroon na ng mga anak at matatawag na kayong pamilya.

"Oo naman mahal ko magtatagal tayo at magmamahalan ng matagal na panahon" ang saya sa pandinig ng mga ganitong linya mula sa taong nagpatibok ng puso mo at nagparamdam ng pagmamahal kahit na hindi ka ganun ka ideal sa iba i mean ordinary ka lang hindi pansinin pero siya minahal niya ako pinaramdam niya yun hindi ko man lubos maunawaan ano ang hiwaga ang bumalot sa isipan niya at nabighani ko siya, ganda ko siguro..........

Ilang minuto lamang ang lumipas at nakarating na kami sa amin, sa tahanang bago, sa tahanan ibinigay nito sa akin. Binaba niya ang mga gamit ko at sinamahan akong magpasok nito sa loob ng bahay.

"Oh andito ka na pala" wika ni ate at saka inabot ang ilang bitbit ko at siyempre inuna ang pasalubong ng bruha kong ate.

"Kanina lang madaling araw kami nakauwi  oh siya nga pala kamusta kayo dito" agad akong naupo sa sofa at tinabihan ako ni Christian.

"Ayos naman ang kuya mo andoon na sa mga kaibigan niya ngayon ako ngayon eh babalik sa trabaho kailangan daw ng kasama ni ate Julie kasi hindi pumasok ang kasama niya eh ikaw aalis pa ba kayo ni Christian?" umalis ito sa at nagtungo sa kusina.

"Hindi ate may pasok pa itong si babe eh sa Martes na lang ulit kami magkikita" sagot ni Christian kay ate.

"Ay oo nga pala no special day pala ninyo sa auno" inabot ni ate ang baso ng juice kay Christian.

"Salamat"-Christian

"Eh ate paano naman ako?" pagtataka kong tanong.

"Tse umayos ka laki-laki mo kumuha ka kung gusto mo" kakaloka talaga itong bruhildang ito.

"Sama mo naman"

"Oh sige na alis na ako kayo na bahala dito" paalam ni ate kinuha lamang nito ang bag niya sa kuwarto at saka lumabas. Kulang kasi sa tauhan ng grocery store na pinapasukan niya hay naku mag-isa na naman ako pero okay lang matutulog na lang ako at mamayang gabi magpriprint ng lesson plan.

"O ikaw naman babe uuwi ka na ba?" baling ko kay Christian na kasalukuyan nakataas na ang paa sa may center table at nilalagok ang juice.

"Gusto mo na ba akong umuwi babe or gusto mo munang alam mo na solo naman natin ngayon ang bahay eh" malakong sagot nito habang ang kamay nito'y nilalaro ang tenga ko.

"Tara ng matauhan ka"saka ko sinuntok ang braso nito.

"Sorry naman biro lang hindi ka talaga mabiro."bawi nito.

Humiga ako sa kanyang kandungan at tinignan siya........."I love you My Mister BOGLI hehehehe"

"BOGLI pala huh" sinimulan niya akong kilitiin at alam niya kung saan ang weakness ko ang aking leeg putik nanghihina ako kapag hinahawakan iyon.

Tawa ako ng tawa sa sobrang kiliting nararamdaman ko hindi ako makaganti ng kiliti kaya kinuha ko ang unang at saka hinamapas sa kanya. At dahil doon nagkaroon ako ng tsansa makaalpas. Tumakbo ako sa aking kuwarto at sinundan naman ako nito. Tuloy lang kami sa paghaharutan hanggang sa mapagod kaming dalawa kakatawa.

"Ang saya saya ko to have you babe sana hindi na ito magwakas" kasalukuyan kaming nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame.

"Masaya rin ako sobrang saya kasi dream come true ang tulad mo" pumikit ako, at sa aking pagdama ng sandaling iyong naramdaman ko ang kamay ni Christian sa aking kamay.


"I love you babe at lets work together para sa ating pagmamahalan"-Christian

"I love you too babe oo we gonna make this relationship last at tayo ang magpapatunay ng forever"-Renzo


*****************************************

"Sige uwi na ako mahal ko" Sumakay na ito sa kanyang kotse at pinaandar na ito.

"Ingat ka mahal bye!" paalam ko at sinara na nito ang bintana at saka tuluyang umalis.

Bumalik na ako sa aking pag-aayos ng mga gamit at muling nagpahinga para mamaya makagawa naman ng aking kailangan sa pagpasok bukas.


Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon